Kabanata 67

962 21 1
                                    

O? Jongina! Hindi pa ako patay! Walang hiya yung author, gustong gustong solohin si Kaede e. Ako mamamatay? Nananaginip lang ako pero talaga, yung pakiramdam na kinukuryente ako sa dibdib, para akong kinikilig. Punyemas. Ang sakit din kaya. Nandun na ako sa kwarto ng mga patay nung nagising ako. Buti nakahinga pa ako. Hindi ko nga alam kung paano ako nakalabas sa mainit na silid na yun. Bwisit. Tsaka kung anu-anong napapaginipan ko dun, meron pa yung hinahabol ako ng halimaw, nahulog daw ako sa 31st floor ng building, sinasakal ako ng isang lalaking itim, malupit yung tinutukan ako ng baril ng isang lalaking nakaitim na mask at higit sa lahat, yung inaalagaan kong bata e anak daw namin ni Dan. Tss. Pero walang hiyang doctor yon! Multuhin ko yun e! Tsaka, ang sarap sa pakiramdam yung bumalik. Wala akong iiwan pero leche, may gusto akong tapusin.

"Punyemas naman, Parker ang init. Pahiram nga ng pamaypay." Itong si Clyde kung makareklamo.



"Ako nga dapat pinapaypayan niyo. Ang demanding. Porke hindi ka lang sinagot ni Cher." Natatawa ako. Kung nandun lang ako nung oras na yun baka pinag-untog ko na yung dalawa.



"E bat ikaw? Napatawad mo na ba yung Shrek mo? Kung makapang-utos!"



"Asa ka naman. Pasalamat ka, buhay pa ko kundi baka minulto ko na kayo."


"Ano bang magagawa ko? E baliw na baliw siya dun sa Baekhyun na yun na mukha namang bakla! Mas gwapo pa ko dun e." Baekhyun? As in yung Sa EXO? Walang hiya naman talaga itong kaibigan ko o. Nakabingwit ng prinsesa. Sa pagkakaalam ko, mas maganda pa sakanya yun e.



-

"Guys! Laro tayo! Truth or Dare tayo mga nigga! Kung sinong di makasagot sa truth, isang shot." Yaya ni Kenniedy. Dahil hindi naman ako KJ, sasali ako. Nandito pa din kami sa resort. Walang uwi-uwi hangga't hindi nagbabati.

Kay Cher unang tumapat yung bote.


"Unang tanong, may pag-asa ba sayo si Kelvin?" Hindi siya nagsalita. Napamura siya sa tanong. Nagchant na yung mga batch mates namin at hindi siya nakasagot kaya pina-inom siya ng isang shot ng Soju. Sosyal no?

Sumunod naman ay si Tania.


"Crush mo ba si Gym Master?" Napahalakhak ako sa tanong ni Miguel. Tiningnan ako ng masama ni Gavin. Shet. Alam kong may namumuong away sa pagitan nilang dalawa kaya I demand a shot.



"Ako? Hindi ah? Bakit ako magkakagusto dyan? E ang lamig lamig nyan. Parang yelo."


"Really? Hahahaha. Oh, give her a shot!" Alam ko kasi may crush talaga siya kay Gavin. Naalala ko pa nung mga panahong nagpapahinga ako. Kinausap ako ni Gavin tungkol dun. Inamin daw sakanya ni Tania na gusto siya nito. Tsk. Tsk. Pogi problems.



"Fine. Give me a dare." Sa kakatawa ko hindi ko namalayan na kay Kaede na pala tumapat yung bote. Oops.


"I dare you to...." All eyes on Kenniedy. Pati na rin ako.



"I dare you to make akbay-akbay and kiss Kenniedy on the forehead."



Napangiti ako ng nakakaloko sa kambal ko. Ang sama nanaman ng tingin niya sakin. Ewan ko ba. Ang galing lang kasi magdare ni Cher.



"Gawin mo na. Aarte ka pa e. Act normal lang, pare. Kapag hindi mo nagawa, isang shot." Sabi sakanya ni Sebastian.




Kenniedy's POV

Nakita ko siyang tumayo, papalapit siya sakin. Nagsilayuan yung mga katabi ko. Mga loko to. Kinakabahan ako. Baka pitikin niya lang yung noo ko. Mukha kasi siyang bad trip e.



Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon