Kabanata 09

28.3K 368 39
                                    

 At dahil inspired ako at naeexcite sa KPOP REPUBLIC... Happy 10K mga Panget! Salamat sa walang sawang suporta at pagmamahal. Hindi na muna kayo masyadong mumultuhin ni Parker. He he :)

-

 

Malapit na yung Exchange Student sa Paris pero hindi ko muna iisipin yun.

Tinignan ko kung anong araw ngayon.

HINDI MAAARI. HINDI 'TO PWEDE. TT___TT

Isinubsob ko yung ulo ko sa mga unan.  

Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi ko pwedeng makalimutan ang isang napakahalagang araw ng buhay ko. Hindi pwede. :(

"Krease.. Kira.. Josephine, pasensiya na." sabi ko sa tatlong kaibigan ko.

"Dalle.." narinig kong kumatok si Kuya Niel.

"Dalle, pagbuksan mo ko ng pinto. Si Kuya Niel mo 'to" katok niya ulit.

"Gusto kong mapag-isa, Kuya Niel." sabi ko sakanya. :(

"Dalle, kung gusto mo ng makakausap nandito lang ako. Hindi ka pa kumakain." sabi niya.

Pinunasan ko ang luha ko at bumangon sa higaan ko. Pinapasok ko si Kuya Niel.

Lumapit siya sakin. "Ano nanamang problema, Dalle? May nang-away ba sa'yo?"

Umiling-iling lang ako sakanya.

"Sabihin mo na, nandito lang si Kuya Niel. Teka---" hinipo niya yung noo ko.

"Bakit hindi ka nagsasabi? Mainit ka. May lagnat ka, Dalle." sabi niya sakin.

Nakalimutan ko na nga 'tong araw na 'to, magkakasakit pa ako. TT____TT

"Dyan ka lang, dadalhan kita ng pagkain at gamot." sabi ni Kuya Niel. Hindi niya pa rin alam kung bakit ako nagkakaganito.  

Sa dinami-dami ng pwedeng kalimutan, bakit ito pa? Hindi ba pwedeng ang presensya na lang ni Hampas Lupa ang pwede kong kalimutan?

"Panget, anong drama mo?" narinig kong sabi ni Hampas lupa mula sa likod. Hindi ko siya pinansin, bahala siya. Wala ako sa mood makipagbangayan sakanya.

Panget Ako! Palag Ka?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora