Kabanata 06

29.9K 424 65
                                    

"Waaah! Ang sarap!" sabi niya at nagpout pa. Iuuntog ko na talaga tong hampas lupang to sa pader. Nakakainis. Inagawan pa ako. Yun na nga lang yung makakain ko ngayong gabi. Ipinagluto ko na nga siya tapos kakainin niya pa yung pagkain ko.

"UMALIS KA SA PAGKAIN KO!" bigla niya akong tinignan. Kumikislap-kislap yung mata niya. Nakakasilaw. TT__TT

"SINABING UMALIS KA E." sabi ko. Galawin mo na ang lahat wag lang yung tempura ko. :(

Tumayo siya at ngumisi pa. Ai, talaga naman!

"Lalaking hulog ng langit, sino ka ba talaga?! Anong ginagawa mo sa storya ko?! Anong buong pangalan mo? Bakit ba napaka-epal mo? Bakit ba lagi kang sumisiksik sa kwarto ko kahit ang laki-laki na ng kwarto mo. Ano bang role mo dito sa storya ko ha?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ayokong magkimkim ng galit sa kahit kanino. Hindi maganda sa kalusugan yun.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako?" sabi niya at may kumurbang ngiti sa labi niya.

Tumango ako.

"Pahingi muna ng tempura mo!" Anak ng tokwa. Sige, ubusin mo na. Malaman ko lang talaga kung sino ka.

"Kunin mo na lahat basta sabihin mo lang kung sino ka." mahina kong sabi.

"Salamat, Dap." Ano kamo? Dap?! Teka.. Dap. Dap. Dap. Loading 3%

Nastuck ako ng 10 minutes kakaisip sa Dap na 'yan. Oo, ako nga si Dap pero hindi ko alam kung bakit alam niya yung pinaka-ayokong nickname. Sino ba talaga siya?

"I'll go now. Salamat, Dap. Wag kang mag-alala, malalaman mo rin kung sino ako, sa takdang panahon." Hampas lupa talaga o! Ang daya. Nakakainis. Inaabuso niya nanaman ang pagiging pangit ko. Amp.

KINABUKASAN

Agad akong pumunta sa Bulletin Board ng school namin. Ang daming nagkakagulo at hindi ko alam kung bakit.

Ang mga sumusunod na studyante ay kasama sa Exchange Student sa Paris sa Nobyembre 12:

Clyde Kelvin Ramos

Tania Jasmine Conception

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now