Epilogue

1.3K 27 24
                                    

Kasama ko ngayon si Gavin papunta sana Mall para kitain yung ka-eye ball niya. Ako ata ang third wheel dito. May binigay na sulat si Gavin sakin. Hindi ko alam kung ano yun o kung bakit ako nagkaron ng ganun. Shin-Getsu Academy yung nakalagay. Kakaiba to ah. Parang first time. Binasa ko nang matapos magpark si Gavin sa parking lot ng Mall.


"Good day, Ms. Parker! We regret to inform you that there was an error in computing your grades with the Salutatorian, Gabriel Dayne Lyndon Haguines. You're initial average is 96.57 while Gabriel Haguines has an initial average of 96.59. Please see the Principal of Shin-Getsu Academy. Have a nice day!" Jongina. Totoo to? Hindi naman April Fool's Day ngayon diba? Tinawagan ko si Dan kaso unattended. Si Dwican, may inaayos sa New York. Inoofferan kasi ako ng scholarship ni Tita Aya kaso pinag-iisipan ko pa.



Parang gusto kong lukutin itong letter na to. Hindi naman to totoo diba? Ano? Hanggang dito kasinungalingan pa din? Prank pa din? Scripted? Akala ko tapos na... Hindi pa pala.



"Ugly, anong nangyari? May problema ba?" Hindi ako umimik.



"Bukas ba Academy ngayon?" Parang gusto kong questionin yung school e. Sa sobrang inis ko, ang sarap punitin nung letter o kung sinomang gumawa ng grades.. Isa siyang malaking tanga.



"Nope. Nakashut down lahat except sa Wallflower University. Bakit ba kasi?" Nanggagalaiti ako sa inis kaya wala akong nagawa kundi ipakita sakanya yung liham.



"Takte. Ang talino niyo ni Gabriel! Hayup! Teka, so ikaw yung salutatorian at siya dapat yung valedictorian? Pano nangyari yun ha? Hindi kaya may nagpalit ng test paper niyong dalawa? Or baka siya? Hmm.. Hindi ko alam. Labas na ako dyan." Naiyukom ko yung kamao ko. Nanggagalaiti ako. Naiinis ako. Parang gusto kong lumuwas ng ibang bansa.



Kakapasok palang namin sa restaurant at tinawagan ko si Dan pero unattended pa din. Nakapatay ba yung phone niya? What the heck!



"She's here." Napalingon ako sa babaeng parating. Oh Lord, she's so gorgeous. Tumindig ang balahibo ko nung nakita ko siya. Para akong tumalsik nang makita ko ang kagandahan niya.



"Hey." Bati niya kay Gavin. Nahiya ako sa kagandahan nito. Sexy, matangkad, maputi, blonde, lahat na. Pero mukha siyang nasa 20, ganun. Grabe naman tong si Gavin. Makikipagdate na nga lang mas matanda pa sakanya. Sabagay, hindi ko naman alam yung idad netong Gym Master na to. Baka nga 35 na to, baby face lang. Pero pamilyar siya sakin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.




"Darelle, she's Natsume." Nakipagshake hands ako sa babae. Ang lambot ng kamay niya. Pero para akong nakuryente na nahilo. Napapikit ako. May nakita ako sa itim. Lalaki. Dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo. May hawak na baril yung isa. Ipuputok niya na sana kaso hinarangan ng lalaki yung babae. Gosh. Parang napaginipan ko din to nung nasa hospital ako. Am I dreaming about the future?

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now