Chapter 4

7 7 0
                                    

Heart to Heart

“kapangyarihan ng pag-ibig ay makakapitan sa tamis na madaramang walang pag-aalinlangan”

Ilang araw na rin ang makalipas matapos niyang umamin ng kaniyang nararamdaman at mula sa araw na iyon ay naging kami na. Masasabi kong the best boyfriend si Miko dahil bukod sa marunong siyang umintindi ay alam na alam niya kung pano ako susuyuin sa t’wing nag-aaway kami.

Pinili na muna naming itago ang relasyon namin sa lahat at tanging ako at si Miko lamang ang nakakaalam. Mas naging madali ang pagtatago namin dahil ngayon ay sem break na, kung kaya’t walang gaanong makakakita sa aming magkasama na galing sa school. Maging si Myrille na isa sa mga matalik kong kaibigan.

Siguro ay mabuti na sikreto muna ang relasyon namin dahil mas nagkakaroon kami ng oras na walang gaanong nakikialam. Sa araw araw nga naming pag-uusap ay hindi ma-waglit sa akin ang mga magagandang ala-ala sa t’wing kasama ko siya. Kung kaya kahit sa aking pag-tulog ay ‘di ko mapigilang ngumiti at kiligin.

Ang saya ‘no? Yung tipong may darating na lang sa buhay mo ng hindi mo inaasahan, tapos magiging boyfriend mo pa. Yung tipong lugmok na lugmok ka na sa lungkot tapos the next thing you know mararamdaman mong parang nasa mga ulap ka na sa saya. Haaay, masasabi kong dream come true talaga.

Bigla na lang akong napabalik sa realidad nang may tumawag sa aking telepono. Nang tingnan ko kung sino ang ito, si Miko lang pala.

“Hello?” malambing na saad niya.

“hello Miko!” masayang bati ko.

“Hindi naman halatang miss mo ako 'no?” siguradong nakangisi na naman siya.

“Ewan ko sayo Miko” sagot ko habang tumatawa.

“Pasyal tayo”

“Ngayon?” tanong ko habang nakahawak sa aking mga pisngi. Hay nako kinikilig na naman ako.

“Oo, sem break naman diba.” sagot niya.

“Sige, where and what time?”

“Sa park, ngayong 8 am”

“okay, magreready na ako” nakangiting sagot ko.

“Okay see you soon, I love you” malambing na pagkakasabi niya na agad ko namang tinugunan ng isang “I love you too”

Ibinaba ko na agad ang tawag at napatili pagkatapos. Umagang umaga pinapakilig ako ni Miko.

Pagkatapos kong mag ayos agad na akong bumaba. Hindi naman siguro ako mahihirapan tumakas kasi ang alam ko ay nasa trabaho na sila sa ganitong oras. Pero lately napapansin ko na madalas na silang pumunta ng tanghali kaya naninibago ako.

“Good morning xy, buti naman nagising ka na, eat your breakfast na.” nakangiting bati ni mom. “oh ba’t parang naka-ayos ka ata ngayon, akala ko ba sem break niyo?” dagdag niya pang tanong.

‘di na ako nagtataka na nandito pa sila, pero I was hoping na makakatakas ako e.

“Mamaya nalang po mom, lalabas po kasi ako.”

“Saan ka pupunta? Sinong kasama mo?” Nagtatakang tanong niya pa.

“ah ano po, um sa library lang po kasama ko po si myrille, naisipan lang po namin mag-advance study." Palusot ko habang trying hard na ngumiti. Sorry agad bes.

“Kung ‘di na talaga kita mapipilit sige na, mag ingat ka ha.” nakangiting sagot niya pa.

“thanks mom, mauna na po ako” nakangiting sagot ko sabay flying kiss pa. Salamat naman at nakatakas ako!

Anxious LoveWhere stories live. Discover now