Chapter 5

6 7 0
                                    

Simula

“Indeed, it is maddening to seemingly behold the deluge of audacity attempting to set our seditious hearts ablaze.”

“I’m Hailey Claire Santos, what’s yours?”

“I'm Xylie, Xylie Ramirez!”

Sa araw na iyon ay nakilala ko siya. Ang isang misteryosong dalagang bigla na lamang nagpakita sa’kin. Sa una ay nagtaka ako sa kan’yang biglaang presensya at kung ano ang pinaplano niya. Ngunit nang makalipas ang mga araw ay masaya naman siyang kasama.

Siguro’t praning lang ako kaya maraming pumapasok sa isip ko tungkol kay Hailey, kasi kabaliktaran lang naman sa iniisip ko ang nakikita ko sa kan’yang kilos noong magkasama kami. Mabait siya, matulungin, at higit sa lahat, magaan sa loob kapag kasama.

Hanggang sa lumipas ang ilang mga araw na palagi kaming pinagkikita ng tadhana. Sa eksaktong lugar kung saan una ko siyang nakita. Siguro nga’y taga roon lamang siya kaya gano’n at gusto lang talagang makipag-kaibigan sa akin.

“Can I be your friend, Xylie?” tanong niya sa akin isang araw.

“of course, I don’t see why not” sagot ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga mata at naka-kibit balikat.

Hindi ko alam kung ano ang balak niya at kung bakit ako ang gusto niyang kaibiganin, na kung susuriin ay nakalilito, ngunit liban doon, wala namang masama at mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.

Hanggang sa isang araw, nang muli kaming magkita ni Hailey ay nakita kami ni Myrille na nag-uusap nang sa hindi ko malamang dahila’y napadaan siya sa kalsadang malapit sa bahay namin. Teka, ano bang pakay niya rito?

“Xylie!” tawag niya sa’kin sa malayo na sabay naman naming nilingon ni Hailey. Agad siyang tumakbo papalapit sa’min na nakatingin kay Hailey na tila ba inuusisa ang mukha.

“Sino ‘yang kausap mo?” nakangiti niyang tanong na parang may bakas ng pagtataka.

Doon na rin ako nagbalak na ipakilala siya kay Myrille. Sa tingin ko naman ay mas maganda kung pati si Myrille ay makikilala siya.

“Myrille, this is Hailey, my new friend” sambit ko sa kanya.

Nakita kong napatango si Myrille habang nakatingin sa akin. Nilingon niya si Hailey at agad na nginitian. Hindi ko gaanong maisip kung anong mali sa kaniya pero parang may pag-aalinlangan ang kaniyang mukha nang harapin si Hailey.

“Nice to meet you Hailey, ako nga pala si Myrille” pagbati niya. Iginawad niya ang kan’yang kamay na tila ba nais makipag-handshake ngunit nang tignan ko si Hailey ay parang walang balak makipag-kamayan sa kan’ya.

Napuno tuloy ng awkward na katahimikan ang paligid dahil sa nangyari. Pa’no ba naman, anong ugali ‘yon Hailey? Gusto lang namang makipag-kamayan ni Myrille eh.

“Ah Myrille ano’t napadaan ka pala dito?” basag ko sa katahimikang nabalot sa amin. Nakagawad pa rin ang kamay ni Myrille kaya nagtanong na ako upang hindi ito mapahiya.

“Ah, Hailey, mauna ka na tuloy, mukhang importante yung sasabihin ni Myrille eh, baka matagalan ako rito” dagdag kong sabi. Siguro tungkol ito sa pinapagawa ko sa kan’ya.

“Sige Xylie, mauna na ako.” nakangiting paalam sa’kin ni Hailey bago umalis nang hindi nililingon si Myrille. Anong meron?

Agad kong hinila si Myrille papalayo upang makapag-usap nang walang nakakarinig.

“Uy sensya ka na ha, mabait ‘yon si Hailey siguro wala lang talaga sa mood kanina. Nagulat nga rin ako eh, maling timing lang talaga siguro yung pagpa-kilala ko sa’yo.” sagot ko na hindi niya gaanong pinansin.

Anxious LoveWhere stories live. Discover now