Chapter 9

5 7 0
                                    

Takipsilim

Patakasin ang mga pusong nahihirapan,upang mapanatag ang iyong isipan sa mapanghamong lipunan.”

“Hello Xylie, this is Gavin, I know it’s tough for you to know the truth, pero I just wanted to tell you na mag-ingat ka sa daan dahil may nagbabadya pang kapahamakan.” he said. Alam kong alam niya ang tunay na pagkatao ni Miko, at naiinis din ako sa kan’ya dahil pinagkaisahan nila ako.

“Gavin, I’m sorry pero I’m not in the mood to talk right now, thank you for the concern.” paluhang sagot ko sa kan’ya sa telepono na pinipilit kong pigilin upang hindi niya mahalata.

“I know, Xylie. Pero kailangan mong pumunta somewhere safe, hindi lang sila ang kalaban mo, marami sila.” sambit niya pa.

“Thanks Gavin, I’ll keep that in mind” Agaran kong ibinaba ang tawag sa sandaling iyon at nagpatuloy na. Wala na sa aking gunita ang kapahamakan dahil ngayon pa lang ay durog na durog na ako.

Habang naglalakad ako sa lansanga’y pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko that everything will be fine just like before, and yet somehow naiisip ko na wala nang pag-asa. Napapatanong tuloy ako kung kakayanin ko pa ba ang lahat ng ’to nang mag-isa? o hindi na?

My parents, Hailey na I treated as my friend, and even my boyfriend; everyone na I treated as a family. Lahat sila nag-sinungaling sa akin kaya’t panong ‘di ako masasaktan ng ganito?

“you’re a fool Xylie, uto-uto ka talaga kahit kailan!” paulit-ulit kong saad sa sarili na wari mo’y sasabog na sa sobrang sakit na nadarama.

Nag-madali na ako sa paglalakad dahil nais ko nang magpahinga. Maraming nangyari sa araw na ito, ayoko nang madagdagan pa. Nais ko na lamang itong iiyak nang iiyak sa silid kung saan walang ibang makaririnig kundi ang anino ko at ang hanging lumilipas.

I quickly ran homeward bound to end this suffering, I just want to rest. Kahit alam kong gigising ako kinabukasan na pareho pa rin ang nararamdaman.

Marahan kong inikot ang doorknob upang hindi makalikha ng ingay. At buti na lang ay nakapasok ako nang tahimik at walang nakakarinig.

Nang makarating na ako sa loob ay unti-unti kong tinahak ang sala, only to find mom, sitting on the sofa at naghihintay sa akin.

“saan ka pumunta?” alalang-alala niyang tanong sa’kin na may bahid ng galit. “dyis oras na ng gabi lumalabas ka pa rin?”

“mom, can you please tell me the truth?” panimula ko sa kan’ya, I gazed at her with a stoic facade trying to suppress the whirlwind of emotions that I’m feeling.

Nararamdaman ko ang pagkagulat niya, bakas na bakas ito sa kan’yang mukha. Does she expect me to say something na nakakagulat? Why is she acting like she knows something already?

“About you and dad” dagdag ko pa. “Totoo bang kaya wala pa rito si dad ay dahil may kinakalaban kayong ibang kompanya?” nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

“X-Xylie, saan mo naman ‘yan nakuhang tsismis na ‘yan?” nauutal niyang saad sa’kin. “Your dad is on a business trip kaya busy siya ngayon at wala sa baha-”

“really? business trip? akala ko ba sinabi mo kanina busy lang siya sa opisina? what are you trying to alibi, mom?” pagpuputol ko sa sinasabi niya. Her statements don’t line up at all. Kanina lang sabi niya nasa office si dad, ngayon naman nasa business trip?

She sighed and looked as if she gave up trying. Tinignan niya ako nang puno ng lungkot at pagsisisi at sinabing—“You’re right, may kumakalaban sa businesses natin ng dad mo, I’m sorry for keeping it a secret Xylie, we just want to help you focus more on your studies.”

Anxious LoveWhere stories live. Discover now