Bedtime 02

28 2 6
                                    


Note: This story was written by me, way back 2021. It was an entry to one of the writing contest I tried to join but then it did not won. So, I just put it here instead. Also, it was a fable.

•••

LITTLE MAUMAG AND TAMARAW
by GreeneverGardenn

Noong unang panahon sa itim ng gabi na nauuhaw sa liwanag. May isang hayop, dilat ang mga mata at kitang-kita ang mga nangyayari, may kakayahang makakita sa gabi o malakas ang paningin kahit gabi. Gan’yan si Maumag o kilala bilang tarsier. Siya ay isang alaga ng taong hari kaya’t isa rin siyang tinuturing taga-pamuno sa mga kahayupan sa kanilang lugar. Siya ay kilala, hindi dahil sa kabutihan kun’di siya ay tamad at madamot kung tawagin. Nasa kan’ya na ang lahat, pero nakukulangan pa. Sa kanilang kinabibilangan, ang tanaman sa masukal na kagubatan ang kaniyang kinasasakupan. Sa panahong iyon, ang mga tao, puno at hayop ay nagkakaintindihan. Ang bawat isa ay may kayang makaintindi ng ibang pananalita mula sa hayop, tao at halaman.

Sa kabilang dako, may isang hayop naman ang kapos, subalit, masipag. Siya ay si Tamaraw, masipag at kilala sa buong lugar dahil sa taglay na kabaitan. Isang uri ng hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. May pagkakahawig kay kalabaw, mas maliit nga lamang ito at ang mga sungay ay mas maikli na lumalaki paitaas sa isang pormang 'V'. Minsan ang siksik na takip ng buhok nito ay maitim na kayumanggi hanggang kulay-abong itim.

Oo nga’t bawat nilalang nabubuhay sa daigdig ay may kanya-kaniyang nakatakdang kapalarang nakakamit, may kaniya-kaniyang ugali at pagbabago nakadenpende kung anong pangyayari ang kanilang naranasan sa kanilang buhay. Ang iba ay nabuhay na may ginto sa bibig, datapwa’t ang iba naman ay mahahalintulad sa manok— hindi makakain kung hindi magtitiyaga.

Isang araw, si Tamaraw ay naubusan na ng damong makakain sa kanilang lugar kaya’t narating niya ang lugar ni maumag. Napagpasyahan niyang pasukin ito kahit hindi nararapat.

Ilang araw ang kaniyang itinagal, bago nalaman ng tagapagbatay  na may nakapasok sa kanilang lugar at ito’y hindi kilala at hindi kabilang sa kanila.

“Mahal na Maumag, may nakapasok sa ating kaharian.” Sambit ng isang ibon sa harapan nito. Ang ibon ay siyang tagapagbantay at tagalibot sa buong kagubatan dahil may kakayahan naman siyang liparin at libutin ang buong lugar.

Tumingin sa kaniya si Maumag at tumango. Marahil wala siyang pakialam at nais niya munang matulog. Oo, mahilig siyang matulog lalo na kapag sa araw. Sa kaniya, nakakatamad makialam sa mga bagay-bagay lalo na’t wala naman itong maibigay sa kaniya. Iyon ang hindi rin nagustuhan ng mga kasamahan niya, kahit mayaman pa siya.

Umalis na lang ang ibon dahil tinulugan niya naman ito. Napagpasyahan ng ibon na sa taong hari niya na lamang sasabihin ang mahalagang balita na dala niya.

Sa ibang dako, si Tamaraw ay walang kamalay-malay na pinagplanuhan na pala siyang hulihin. Pagsapit ng umaga, pagkatapos niyang magising sa pagkakatulog sa ilalim ng punong mangga ay bumangon ito upang sisimulan niya na naman ang pagsibsib sa damuhan na magsilbing kaniyang agahan. Naisip niya pa nga, paano kung dadalhin niya ang kaniyang mga kasamahan sa lugar na iyon? Para naman matulungan niya itong maahon sa kagutuman.

Napagpasyahan niya na umalis, ngunit nang sinimulan niyang humakbang ay isang lubid ang kaniyang naramdamang nakatali na sa kaniyang katawan. Kung paano ito nangyari ay hindi niya alam. Basta nakapugal na siya.

“Mabuti at gising ka na, Tamaraw. Maganda ba ang gising mo? Sarap na sarap ka siguro sa pagsibsib ng mga damo rito, kaya’t napasarap din ang tulog mo na naging dahilan upang ’di mo namalayang tinatali ka na pala.” Humahalakhak na saad ng taong hari at katabi nito si Maumag at palipad-lipad naman sa itaas nito ang ibong bantay. Ang puno at halaman ay nakikinig lamang sa paligid nito.

Kinakabahan at takot na tumingin si Tamaraw sa tao. Oo nga’t matapang siya sa iba, ngunit pagdating sa tao ay takot siya. Dahil alam niyang sa lahat ng nilalang, tao ang makapangyarihan dito sa mundo.

Nagsalita siya sa boses at pananalita na mayroon siya bilang isang Tamaraw.

“P-Parang-awa na po mahal na tao, manghihingi ako ng awa mula sa’yo. P-Pakawalan niyo na ako at lilisanin ko ang lugar na ito. . .  Maghahanap na lang ako ng lugar kung saan pwede ako kumain, pangako. Nagugutom lang ako, parang-awa.” Dumapa ito na nagpapahiwatig na siya’y nagmamaka-awa. Kaawa-awa nga naman. Isang hayop lang na naghahangad ng kalayaan. Kakayanin kaya ng haring pagbiyan ito?

“Hindi na magbabago ang desisyon ko. Hanggang d’yan ka na lang.” Akmang itataas na sana ng hari ang kanilang espada nang magsalita ulit ang Tamaraw.

“Sandali! Tatanungin muna natin ang mangga.”

Ayaw sana ng hari, dahil alam niya naman sagot. Pero, sige pagbigyan. Hindi naman siya gano’n ka damot para hindi kayang pagbigyan si Tamaraw.

“Sige, pakibilis. Ayaw ko ng ligaw dito sa lupa ko.”

“Puno ng mangga, nararapat ko ba itong hulihin at patayin?” At tinuro si tamaraw gamit ang kaniyang mahabang espada.

Ang sagot ng mangga ay hindi nalalayo sa sinabi ng hari. Kaya’t ano pa, narapat lang na paslangin ito. Kagaya nang nauna, gagawin niya sana ang nais niyang gawin nang magsalita ulit si Tamaraw.

“Sandali, pagbigyan mo muna ako! Tanungin muna natin ang damo.” sambit at pagpapakaawa nito.

“Ah! Walang silbi, alam mo na ang sagot niya. Panghuli na ito.” napipilitang tugon ng hari at kagaya ng tanong nila kay mangga ay siyang tinanong nila kay damo.

Oo nga, tama. Ang sagot ng damo ay kahawig lamang sa sagot ni mangga. Sapagkat, kinakain naman sila ni Tamaraw.

Sa ikatlong beses, humingi ulit si Tamaraw. Isang hatol mula kay Maumag kagaya ng tanong nila kay mangga at damo. Pikon na pikon na si Haring tao, nais niya na talagang mawala si Tamaraw.

Sumagot si maumag at tiningnan ang dalawa.

“Sa akin, walang duda kung ano ang dapat gawin. Maghunos-dili ka mahal na tao. Siya ay kagaya lamang nating may buhay at karapat-dapat palayain.” Ang lahat ay nagulat sa suhestiyon ni Maumag, dahil dati ay wala siyang pakialam. Bakit ngayon, iba na? Dahil sa sarili niya’y napagtantong mali rin ang kaniyang ugaling taglay at nais niya itong baguhin habang maaga pa. Dahil sa nangyari kay Tamaraw nagbago ang lahat pati na rin si Maumag.

Pinakawalan nila si Tamaraw at walang nagawa ang hari dahil nag-iisa lang naman siya. Binigyan nila ng lupain na may maraming makakain si Tamaraw upang hindi na magutom. Si Maumag ay natuto ng magbigay dahil naisip niyang wala naman palang masama kung ika’y mapagbigay at maging masipag.

Laking  pasasalamat ni Tamaraw kay Maumag dahil sa kabutihan nito. Simula noon natutong baguhin ng bawat nilalang kung ano man ang kanilang pagkakamali.

Ang tamad ay naging masipag, ang madamot ay naging mapagbigay. Hindi naman masama kung magbahagi rin ng yaman at hindi naman masama ang maging masipag huwag lang lumagpas at baka humantong pa sa kapahamakan. ’Yon ang kwento ng isang mayaman ngunit tamad at mahirap ngunit masipag naman.

Aral: Sa pagiging tamad ika’y walang aanihin, kaya’t maging masipag ka sa paraan na kaaya-aya upang ika’y pagpalain.

Thanks for reading! - berde

Short Bedtime Stories (Compilation)Where stories live. Discover now