Strangers

2K 33 13
                                    

Hi! this is Lou (right side ng photo) I have my girlfriend (Laurenze) and we stayed together for about 3 years now.

let me tell you our how we met moments.

May 10,2012

I worked as a call center agent in Convergys technohub. During that time nakatira ko sa apartment sa mandaluyong area kasama ang friends ko. 4 kami na nagstay sa apartment na may 2 kwato at may sariling CR. (ako, bi na friend ko kasama ang gf niya at yung isang friend ko na hindi ko alam kung may gusto ba sakin or talagang sweet lang siya (baka naman kasi feelingera lang ako.hahah))

Sobrang broken hearted ako nung mga panahon na yun kaya nililibang ko nalang ang sarili ko sa work,pagkain,gym gala at kung ano pang ibang bagay na maisip ko nun.

Kapag sa bahay hindi kami halos nagkakaabot ng mga friends ko dahil magkakaiba kami ng schedule. Madalas na naiiwan is yung gf ng isang friend ko. Itago nalang natin siya sa pangalang xandie, she's pretty, sexy, hot and sobrang attractive. Well nung mga panahon na yun hindi ko pa talaga alam kung ano bang gusto ko. Lalaki ba, babae o tibo.

Mahiyain si xandie dahil madalas pag dalawa lang kami naiwan sa apartment ay hindi siya masyadong nagsasalita (unless magtanong ka tsaka lang siya magsasalita).

One time kakatapos kong magshower (dalawa lang kaming naiwan sa apartment.)
Paglabas ko ng CR ay nakita ko siyang nakaupo sa sala at kumakain ng pizza. Ewan ko kung ano pumasok sa isip ko pero may naisip akong gawin na medyo naughty.

Lumabas ako ng CR na tanging towel lang ang nakatakip sa katawan ko. Tumutulo pa yung tubig galing sa hair ko pababa sa katawan ko. (mainit kasi ng mga panahon na yun kaya hindi ako nagpunas masyado).

Nagpunta ko sa sala kung san nakalagay ang malaking mirror sa bahay. Kunwaring may kinukuha lang ako pero ang totoo wala naman, gusto ko lang makita ang reaction ni xadie pag nakita niya ko na ganon.:))

Dumiretso ako sa mirror at sinandya kong magpapansin sa kanya (hinakbangan ko ang paa niya kahit ang maluwag naman ang daan).

Hindi niya alam na pasimple ko siyang tinitingnan sa salamin habang may kinukuha kong bagay na hindi ko naman talaga alam kung ano.

Napangiti ako ng makita ko ang reaction niya.

Nakita kong nakatulala lang siyang sinusuri bawat detalye ng katawan ko. (noon lang kami matagal na nagkita sa loob ng bahay na yun).

Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi magreact.

"Oh xandie baka matunaw ako niyan kakatingin mo. "sabi ko sa kanya, sabay tingin sa kanya at binigyan ko siya na matamis at mapangakit na smile)haha

Nahalata kong nagulat siya ng magsalita ako at sabihin ko sa kanya yun.
Then she smiled back ng makarecover na sa reaction na "Hindi naman masyado, naamaze lang ako sayo"

ako naman tong napatigil,aba napasubo yata ako dito ah.

"bakit naman?hala ka baka mainlove ka sakin yan magalit pa yung gf mo" binalik ko na yung tingin ko sa salamin at dun ko tinitingnan ang reaction niya para hindi niya mahalata na medyo kumabog ng kaunti yung dibdib ko.:)

Akala ko hindi n siya sasagot kaya pupunta na sana ko sa room para magbihis dahil kanina pa pala ko nandito sa sala na walang suot at malapit na naman uminit ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba summer ngayon or dahil na din sa kausap ko.
Naglalakad ako pabalik ng room ko ng nagsalita ulit siya

"hindi naman loyal naman ako dun kahit papano, ng ganda at sexy mo lang kasi. Nagtataka ko bakit wala kang bf/gf" alam niyang nagkaroon ako ng bf at gf dati pero ngayon alam niyang wala.

choosing her is enough to liveWhere stories live. Discover now