Should I let Go?

866 23 10
                                    

Hi guys super sorry sa super late na update.:)

Super busy kasi namin mag-asawa sa work and sa bahay.😁

______________________________________________________

Lou's POV:

Sobrang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal. Parang sobrang tagal ko ng hindi naramdaman yung ganitong feeling.

Alam ko medyo mabilis ang mga pangyayari pero pano ko ba naman kasi mapipigilan kung yung temptation ay nasa harapan mo na.Papakawalan mo pa ba kung nanjan na?

It's been a week since I arrived here in Baguio. I already need to go back in Manila para sa work ko.

Ewan ko bakit ganito. Ang bigat bigat sa feeling na ilang araw nalang ay aalis na ako.

Ano kaya mangyayari pagbalik ko ng manila??

Bigla ko tuloy naalala yung main reason bakit ako nandito.

Nandito nga pala ako para i meet yung ex girlfriend ko (2 naging ex ko na girl before Laurenze).
But I never told Laurenze na hindi lang siya ang main reason bakit ako nagpunta ng Baguio.

Pero bakit ganon parang may bumubulong sa isipan ko na wag na ko makipagkita kay Gail.

Gail is my 2nd ex girlfriend. On and off yung relationship namin before. And ewan ko ba kung seryoso yun or hindi. (If possible I will ask her if I can post her photo here) :)

Iba yung naffeel ko now. as in super different kahit i compare ko pa sa kanino man na ex ko. babae man or lalaki.

Today is the day na nakaschedule para i meet si Gail.

Isasama daw niya ko sa team building nila and ipapakilala daw niya ako. (as gf)

Yung situation kasi namin is..
Kapag nagkita kami maggf kami pero pag hindi kami magkasama hindi naman kami.

sobrang complicated mas complicated pa kesa sa mga math quiz.Hai bahala na kung ano mangyayari.

Bigla ko naisip na hindi pa pala ako nagpapaalam kay Laurenze about sa lakad ko today.
And one other thing is hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya.

Tutuloy pa ba ko or hindi?!?
___________________________________

I think about this many time. almost the whole day pinagiisipan ko lines na sasabihin ko kay Laurenze.

Naisip ko din kasi na baka it's time to end kung ano man ang meron samin ni Gail.

Mabilis na tumakbo ang oras. Sa wakas dumating na din siya from her OJT.

Napagluto ko na din siya ng dinner. (Siyempre need ko muna na magbuild ng rapport before yung main Topic)

"Ahmmm Chiel nga pala may lakad po ako tomorrow morning" mahinahon at kinakabahang sabi ko sa kanya

"San ka pupunta? wala ako pasok bukas diba?" sumagot naman siya agad

"Ahmmmm i--meee---eet ko po yung friend ko. May paguusapan lang po kami" utal utal na sabi ko.
Halatang kabado at kinakabahan ako.

Biglang nagdilim ang mukha niya ng maalala niya kung sino sinasabi ko.

nakwento ko din kasi sa kanya yung about kay Gail.

Alam niya na si Gail lang naman ang pinupuntahan ko sa Baguio dahil wala naman ako masyado friends dito.

"Ano makikipagkita ka sa GIRLFRIEND mo?" medyo paangas na sagot niya.

"Makikipagusap lang po ako. tatapusin ko na lahat ng tungkol samin" pagdedefend ko naman

"Ikaw bahala ka. Aalis nalang din ako bukas. may pupuntahan ako. Wag mo na din muna ako tawagan or itext dahil papatayin ko phone ko."Pagalit na sabi niya

"baka makaistorbo pa ko sa inyo" sunod na bulong niya

"Chiel naman eh, magtiwala ka naman po sakin oh"pagmamakaawa ko

"Sige na magsshower nako at magpapahinga. Pagod nako buong maghapon. Kung gusto mo umalis, umalis ka. Wala naman din ako karapatan na pigilan or mag ask ng questions" sarcastic na sabi niya

Nasasaktan ako at nalilito lalo na sa mga sinabi niya.
Ayoko siyang magalit sakin pero gusto ko na ayusin ang lahat. Gusto ko na itigil ang mga bagay na meron samin ni Gail.

Saktong tumunog ang phone ko.

Gail calling....
"Hi baby lou dadaanan kita jan bukas ng 7 am ah. Gusto ko maganda ka bukas." excited at halatang nakasmile na pagkakasabi niya

"ahmmm sige po"yun lang nasagot ko

"sige na magpahinga kana para may energy ka bukas. Goodnight! I miss you, see you tomorrow" pagpapaalam niya

ano daw? tama ba pagkakarinig ko? magpahinga para may energy bukas??? Nako lagot na talaga ko nito kay Laurenze

Hai bahala na nga lang bukas kung ano mangyayari.

___________________________________

Kinabukasan.....

Maagang tumawag si Gail. Mga 5:30 am magprepare na daw ako at kumain. pinaalala din niya na 7 niya ako susunduin.

Alam ko na nakikinig lang si Laurenze sa usapan namin. Alam ko na gising na siya pero nagppredict na tulog pa.

Naligo na ko at nagbihis.

Pagkatapos ko maligo at magbihis naabutan kong gising at nakaupo lang sa bed si Laurenze habang yakap ang unan niya.

"Aalis ka talaga??Iiwan mo ba talaga ako?wala ako pasok ngayon" mahinahong pagkakasabi niya.

shocks para talagang dinudurog ang puso ko ng konsensya.Pero kailangan ko tiisin para maayos na din ang lahat.

"Chiel babalik po ako ng maaga promise,on or after lunch po babalik ako" halos maiyak na pagkakasabi ko

"Sige na umalis kana. Nanjan na yung girlfriend mo oh naghihintay sayo." galit na pagkakasabi niya

Hindi ko namalayan na mag 7 am na pala.at nasa baba na pala si Gail at naghihintay.

Kita kasi mula sa room namin ang baba ng building pati ang kalsada.

Nakatayo lang si Gail sa Car niya na tila may tinatawagan.

At yun na nga nagring ang phone ko. Humingi pa ko ng konting minuto para magpaalam kay Laurenze sinabi ko nalang na nagbibihis pa ko.

"Chiel aalis napo ako babalik ako agad promise"pagpapaalam ko.

"Sige na umalis kana. Basta off ko muna phone ko at aalis ako".
Tuluyan na siya lumabas ng room at nagkulong sa banyo.

Hindi ko na siya kinulit pa.
Bumaba na ko at pinuntahan si Gail.Mahirap man pero kailangan. Gusto ko na talaga maayos lahat.
Gusto ko magsimula kami ni Laurenze na walang problema
___________________________

Mamayang hapon po ulit yung ibang update guys!:)

pasensya na super short. nasa office kasi ako now and may meeting ako today.:)

choosing her is enough to liveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon