Just in time

1.6K 28 26
                                    

This time ako naman ang pinasulat ng girlfriend ko for my POV.:)

This is laurenzehazel . first time ko lang din magsulat so pagpasensyahan niyo na.
_____________________
My POV:

"Baby bakit ganito ang sakit sakit.Hindi ko alam bakit niya ko iniwan" kausap ko yung isa sa mga friends ko si krizzy

Nung mga panahon na yun madalas ko kasama si Krizzy, Bi din siya pero medyo butch. para siyang member ng korean band. Sa kanya ko nagbubuhos ng sama ng loob tungkol sa ginawa ng ex ko. Tanghaling tapat nung may 10 nung naguusap kami.

"Malay mo baby may sapat na reason siya bakit ka niya iniwan" malungkot na sabi niya

"sabi niya kasi mahal niya ko at di niya ko iiwan,akala ko ok na lahat samin. Hindi ko lang maintindihan bakit niya ko iniwan na naka hang!" medyo tumaas na yung boses ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"nung huli kami nagkita nung birthday niya ok naman kami tapos biglang wala na agad dina nagparamdam" unti unti ng pumapatak ang mga luha ko ng mga oras na yun.Hanggang sa tuluyan na kong umiyak na parang bata na inagawan ng candy. Sobrang sakit talaga dahil minahal ko siya. Kahit ilang months pa lang kaming nagsasama feeling ko siya na yung FOREVER hindi naman pala.

Nagbubuhos din ako ng sama ng loob sa mga kaibigan ko thru text, chat, call at kahit anong means pa ng communication. Isa dun si Xandie. Ex girlfriend siya ni Krizzy tumagal din sila ng 2 years (mababasa niyo ang kwento nila pag nag click tong story namin)haha.

Mabuti nalang pagkatapos nila maghiwalay ay hindi naman naapektohan ang friendship nila. Sa kanila ko nagbubuhos ng sama ng loob. Si Xandie madalas ko kausap sa phone si Krizzy naman madalas ko kasama. Minsan nga pinagkakamalan na kami ni Krizzy na magpartner dahil nga sa looks niya at sa closeness namin, nakadagdag pa ng tawagan naming BABY.

Ring...Ring...Ring

"Tol" yung lang ang nasabi ko habang umiiyak na tinawagan ko si Xandie.

"Oh tol bakit?Umiiyak kaba??" worried na tanong niya.

"Ano yung ex mo na naman?Hayaan mo na siya tol,kung talagang ayaw na niya di wag mo ipilit! Ang dami dami naman ibang babae jan eh (oo babae talaga kasi alam niyang ayaw ko ng lalaki). Bibigyan nalang kita mas sexy tsaka maganda" panunuhol ng magaling kong kaibigan. Kahit talaga kelan ko kausapin si Xandie lagi siyang may reserve na babae. Daig pa niya mamasang eh.

"Ayoko tol mahal ko siya eh hindi ko siya kayang ipagpalit kanino man. Hindi ako susuko. Gagawin ko lahat para bumalik siya" malungkot at madamdaming tugon ko sa kanya.

"Hai nako tol kahit anong pag dadrama at pagiyak jan wala din lang magagawa yan. Loyal ka nga eh siya ba?nakaya ka nga niyang iwan eh!" medyo tumataas na ang boses niya dahil alam niyang may point siya

"Bahala ka baka mabagtit (mabaliw) kapa jan" pangaasar pa niya.

"Ano ayaw mo talaga ng katext na chicks? bahala ka last offer ko nato sige ka" pangungbinsi niya sakin na pumayag sa gusto niya.

Ako naman daw tong nagpauto at pumayag nalang

"Sige sino ba yan? Maganda ba yan?" sagot ko sa kanya alam ko kasing hindi ako titigilan nitong babaeng to pag di ako pumayag eh

"Oo tol! chicks to! tsaka freelance model siya infairness!" excited na pagkakasabi niya.

Grabe talaga tong si Xandie napaghahalataan na crush niya yung babaeng nirereto niya sakin.

"Oh sige na tol bigay mo nalang number ko sa kanya! siguraduhin mo lang na talagang chicks yan ah! kung hindi FO (friendship over) na tayo!" pagbabanta ko pa sa kanya bago niya ibaba yung phone.

Pahapon na at wala na kaming magawa ni Krizzy. Biglang may pumasok sa isip ko.

"Oo nga pala baby si Xandra may nireretong chicks. Kasama yata nila sa bahay" pagsshare ko kay Krizzy

"Ay oh?Patingin ako ng picture baby!"sobrang laki ng smile niya.

Isa pa to parang yung Ex lang din niya. Mas excited pa sakin mga tao.

"Di pa nga nagttext eh, wait tatanungin ko si Xandra"

napaisip din ako bakit di pa nagttext yun. baka ayaw sakin dahil di ako maganda (pa humble)

Outgoing message:
"Tol!di naman nagttext yung chicks mo eh! Baka naging chicken na?"
Pagjjoke ko para di niya mahalata na medyo desperada moves na din.

Nakakacurious and nakakaexcite naman kasi. Model ba naman eh.Yummy siguro nun.
Hala ano ba yang isip ko medyo madumi ng konti.haha

Incoming message:
"Sige tol! remind ko siya baka kasi tulog siya or busy. Hintayin mo lang"

Medyo walang ganang reply niya. Baka naman nagaaway sila ng gf niya or opposite baka may ginagawang kababalaghan. haha

Outgoing message:

"Oh sige tol wait ko nalang. Salamat"reply ko sa kanya.

Mga almost 7 pm na ng may nareceive ako na text message galing sa anonymous number

Incoming message:

"Hi Laurenze this is Lou friend of Xandie. Can we be friends?

yan ang unang text message na nareceive ko galing kay Lou.

Outgoing Message:

"Sure!Friendly naman ako eh!"
Yan lang ang sinagot ko sa kanya

mukang happy pero deep inside it burns.:(
Sana may mapala ako sa pagtetext ko sa chick na to.

Nagusap kami buong gabi. tinanong ko din kung ano yung FB account niya para naman makita ko siya, since sinabi niya na nakita niya yung ibang photos ko. Binigay naman agad agad! Aba kampante ah. Dali dali ko sinabi kay Krizzy na alam ko na yung account niya.

"Baby! alam mo na fb account niya tingnan natin."

Agad kaming nagonline para icheck si Lou.

"OMG baby! ang hot niya!Pretty baby!" excited at tuwang tuwa sabi ni Krizzy

Kasi naman pag open namin ng profile na hotness overload ang sasalubong sayo! dahil summer nun cover photo niya is naka swimsuit under the shower. not only one photo but 3photos na nakacollage na magkakaiba lang ng pose.

Bigla tuloy akong kinabahan. Feeling ko mafafall ako sa taong to.

Buong magdamag kami magkachat. Hindi ko alam pero sobrang napagaan ni Lou yung loob ko. Kahit isang araw nawala yung lungkot dahil kay Lou. Lahat ng bagay na sinabi ko naintindihan niya. sobrang sarap niya kausap sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Maya2 pa ay nagpaalam na si Lou na matutulog na siya. Gusto ko pa sana siyang kausap kaya lang naisip ko umaga na baka pagod at antok na din siya.

Hindi ko na siya inabala pa simula nung naggoodnight nako sa kanya.
kahit hindi pa ko inaantok dahil sa kakaisip sa mga mangyayari.

Iba yung pakiramdam ko ngayong gabi. Medyo gumaan at medyo sumaya.

Natatakot lang ako na baka masaktan ko yung feelings niya kapag pinagpatuloy ko pa.

Ayoko naman kasi na maging rebound siya. Mahal ko pa yung ex ko. Pero bakit ganon. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

"Baka infatuation lang to" sabi ko sa sarili ko.

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at umaasang bukas pag gising ko maayos na lahat ng bagay.

_____________________

Hanggang dito nalang po muna yung chapter 2. baka tomorrow po yung mga ibang update. kailangan ko pa pumasok dahil graveyard shift ko. Marami pa kayong dapat abangan kaya keep reading lang po.:) salamat

you can follow us on instagram

therealou08 and therealaurenze

or add us to our facebook account:
louloubatac and laurenzehazel

choosing her is enough to liveWhere stories live. Discover now