(FLASHBACK!)
Nag drive ako papuntang starbucks dahil may kikitain akong client para sa designer clothes ng ASHTON'S BOUTIQUE dito sa may laguna, yup ito ang isa sa business na meron ako halos laging sold out ang mga clothes na nasa boutique ko,
nagkaroon na rin ako ng lima pang branch dito sa laguna, cavite, manila at ang dalawa ay mula pa sa canada at italy
medyo natagalan lang ang meeting ko with Ms. Andrea isa sa designer na nag popropose ng clothes design nya na hindi pa nagagawa ng kahit sino and nagustuhan ko ang proposal nya kaya tinanggap ko ito
since wala na akong gagawin balak ko sanang magpunta sa studio ko, dahil isa rin akong producer and composer ng kanta mas hobby ko rin yun after work to relieved my stress
habang nasa byahe at nagmamaneho ako, may biglang humarang na motorcycle sa harapan ko sa mismong highway pa dahilan para mapapreno ako ng wala sa oras at halos mabangga ko na sya.
Tumama ang ulo ko sa manebela at masakit to sino ba naman kasing tarantadong hihinto sa harapan ng kotse ko eh ang luwag ng kalsada?
Tinaggal ko ang seatbelt ko at binaba ko ang taong naka motorcycle
"Hey excuse me? What's your problem? Pwede ka namang huminto sa tabi bakit dito pa sa highway?" Naiinis kong tanong
Hindi ito nagtanggal ng helmet o kahit buksan ang shield nito bagkus may dinukot ito sa tagiliran nya at biglang tinutok sakin
"Holdap to!" Sambit bigla ng taong naka motorcycle dahilan para mapataas ako ng dalawang kamay at mapaatras ng bahagya nakatutok mismo sa muka ko ang baril na hawak nya
"Te-teka sandali bakit naman napunta sa ganito pwede naman nating pag usapa-"
"Tumahimik ka! Punta dun sa pinto ng kotse at tumalikod ka dun wagkang magtatangkang magbukas ng pinto kung ayaw mong matuluyan" sigaw ng lalaking naka motorcycle
Sa sobrang kaba ko napilitan akong sundin ang utos nya tumalikod ako sa kotse at hindi gumalaw, first time kong maka encounter ng ganito kaya diko alam ang gagawin hindi ko rin matawagan si kuya or kahit sino dahil naiwan sa loob ng kotse ko ang cellphone mukang katapusan ko na!
"A-ano bang kailangan mo? You need some money? Well I can give you how-how much you want?" Halos nauutal nako sa kaba!
"Mukang jackpot kang bata ka! Sige bigyan mo ako ng one hundred million ngayon din!" Sambit ng lalaki
"What? What the heck napakalaki naman ng gusto mo-"
"Well kung ayaw mo magpaalam ka na sa buhay mo!" Bigla nyang diniin sa ulo ko ang baril at kinasa, napapikit nalang ako mukang hanggang dito nalang ang buhay ko lahat ng narating ko mawawala na sa isang iglap lang!
Bugggggsssshhhh
May kung anong narinig ako sa likuran ko pero di ko alam kung ano yun
"Napaka walang hiya mo dito ka pa talaga manghoholdap sa gitna ng kalsada ito dapat sayo!"
Narinig kong isang babae ang galit na ang nagsasalita kaya napadilat ako at tinignan ang nangyayare!
"Isang babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng simpleng damit at skirt na mahaba habang pinaghahampas nya ng malaking kahoy ang lalaking nanghoholdap sakin
Halos hindi ito makabangon dahil sa hampas ng babae sa kanya napahabkabang ako para sana pigilan yung babae ng maapakan ko yung baril, dinampot ko ito at tinutok sa lalaking yun
"Sige kung di ka aalis ako mismo ang gagawa ng gawain mo!" Pagbabanta ko at hinawakan sa braso ang babae para ilapit ito sakin baka kung ano pa ang magawa ng lalaki sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/305318378-288-k780544.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Back in the Past :[Suga/Woozi] (On-Going)
General FictionMaraming taong nangangarap na sana maibalik pa nila ang mga panahong nakalipas na pwede pa nilang maayos ang lahat, ngunit sa realidad napakalabong mangyari ito. Pero pano kaya kung sa isang iglap biglang nagkatotoo ang salitang "Unexpected Back in...