C9. HOME

3 1 0
                                    

"Axel hintayin mo ako!" Rinig kong sigaw ng babaeng yun as if namang makakaalis ako eh ayaw ngang mag start ng kotse!

Napababa nalang ako ng sasakyan at nakita kong palapit na sya at nag iika ika maglakad

"Ano nanaman ba?" Iritado kong tanong

Huminto ito sa harapan ko habang pinapahid ang luha nya

"Wag mo akong iwan dito pakiusap!" Pagmamakaawa nya, natawa ako sa sinabi nya

"Talaga?, kung hindi lang ako nasiraan ng kotse sa tingin mo makikita mo pa ako ditong nakatayo sa harapan mo?" Pamimilosopo ko

Kumunot naman ng bahagya ang noo nito "huh? Nasiraan ng kotse? Bakit anong nangyare?" Parang tanga lang yung tanong nya

"Dahil malas ka!" Yun lang ang nasabi ko at sinubukang buksan ang harapan ng kotse para tignan kung ano ang problema

"Sorry axel!" Biglang nagsalita ang babaeng to habang nakatingin sakin

"How did you know my name? Sa pagkakaalam ko never ko pang sinabi ang pangalan ko sa kagaya mo!" Walang gana kong tanong habang patuloy pa rin sa pagkalikot

"Yun ba!, di ko sadyang nakita yung frame nyo sa bahay nung naglinis ako nasagi ko yun at tumaob, nakasulat dun yung pangalan nyong magkapatid medyo may kakaiba nga ng mabasa ko ang pangalan mo!" Paliwanag nya

That shit frame di pa rin pala tinapon, si ashton ang may kagagawan nun!

"Kahit kelan talaga napaka paki alamera mo" inis kong sinara ang takip ng harapan ng kotse ko at sinubukan itong paandarin

"Arggghhh bakit di ka gumagana!" Ano bang problema at ayaw gumana? Bakit ngayon pa!

Lumabas ako ng kotse at naglakad papasok ng gubat ewan ko pero gusto kong magpatanggal ng stress hinayan ko lang yung babaeng yun kung sumunod man sya or hindi

.

.

.

nakarating ako sa may tubigan, kung saan malalaki ang bato, kaya umakyat ako sa isa dun at naupo , "hindi mo talaga ako hinintay" dismayadong sabi nya at dahan dahang naupo sa ibaba na may maliit na bato malapit sa tubigan at dun nya hinugasan ang mga braso nyang nadumihan dahil sa putik at pati na rin ang sugat nyang nagtutubig pa

di ko sya pinansin at nilibot ko lang ang paligid, di kalaunanan naisipan kong humiga tutal malapad ang batong to saka ko nilagay ang kanang braso ko sa ulo ko saka pumikit

"Nagalit ka ba lalo sakin dahil sa sinabi kong mahal kita maaari mo namang hindi paniwalaan yun dahil imposible nga naman diba?"

Hindi ba talaga ako matatahimik ng kahit isang minuto lang? Dapat bang daldal sya ng daldal?

Di ko sya sinagot!

"Alam ko namang hate mo ako, pero sana wag mo naman akong ituring na parang hayop sa paningin mo grabe ginawa mo sakin, mas matindi kanina kasi muntik mo na akong patayin!"

Sambit nya na parang nangongonsenya pa pero nanahimik pa rin ako

"Alam mo ba kung bakit pinili kong gustuhin ka?"

Eto nanaman sya!

"Kasi nung araw na masunog ang bahay ampunan na tinitirahan ko napadpad ako kung saan saan, halos wala akong matulugan, wala rin akong malapitan na kahit sino halos ilang buwan nangyare sakin yun, kaya gumawa ako ng paraan para mamuhay ng mag isa "

Kwento nya

"Nagpalaboy laboy ako, yung mga pagkaing tira na tinatapon ng mga tao yun ang kinukuha ko para kainin-"

Unexpected Back in the Past :[Suga/Woozi] (On-Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن