C6. First moved can be last?

4 1 0
                                    

Axel's POV:



Diko alam sa babaeng to bakit lagi akong sinusundan, ayoko na sanang umalis ng bahay kanina pero nabored ako kaya lumabas ako at pumunta ng park

But the moment was like a literally bored than lately, umupo pa talaga sya sa tabi ko

"Bakit ba kasi ang sungit mo ha? " pangungulit na tanong nito

"Pwede ba kung wala kang magawa sa buhay mo punta ka dun sa river tumalon ka" I said in irritately

Nag pout ito pero di pa rin naalis wtf! She is literally crazy

"Sige hanggat di mo sinasabi kukulitin at kukulitin kita hanggang sa bumigay ka" sambit nya na sabay ngiti ng maluwag ano ba tong babaeng to? Di ko na  alam anong gagawin sa kanya!

tatayo na sana ako nang bigla nya akong hawakan sa braso ko at iupo ulit "ano bang problema mo?" iritado kong tanong at binawi ang braso ko nakakainis na sya 

"kasi ahm ano ahhh di ko pa alam ang pangalan mo pwede ko bang malaman para matawag kita sa pangalan mo?" out of topic na tanong nya  "as if namang sasabihin ko" pagsusungit ko at at tumayo na para maglakad ulit 

akala ko nakalayo nako sa kanya pero hindi pala dahil habang naglalakad ako napatingin ako sa side mirror ng kotse at napakunot ang noo ko ng makita kong nakasunod ang babaeng yun sakin

di ko sya pinansin at nagpatay malisya lang ako.

nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako ng street kung saan walang tao dahil malapit ito sa isang village 

"san ka ba pupunta at naglalakad ka lang?" biglang tanong ng babaeng yun na palagay ko sinusundan pa rin ako

di ko sya sinagot naglakad lang ako "huy pansinin mo naman ako mabait naman ako promise" sambit pa nito na lalong nagpapairita sakin

"alam mo gwapo ka sana masungit ka lang" sambit nito kaya napahinto ako sa paglalakad at nilingon  sya "nakaramdam ka naman pala pero bakit ka pa rin nasunod?"  walang gana kong sagot 

"kasi crush kita!" see? baliw nga sya 

"tsk crush moko? anong kalokohan yan" ang sarap nyang isako

"hala sya ! hindi yun kalokohan ha kasi alam mo nung una kitang makita medyo nakaramdam ako ng kakaiba sayo di ko alam, tapos nun lalo pa kitang napapansin nung mga sumunod nating pagkikita" paliwang nito

"talaga? pero nung tinanong ka ni ashton sinabi mong hindi mo ako gusto so ano bipolar lang?" natatawa kong sabi

"oo sinabi ko nga yun kasi nahihiya ako sa kapatid mo lalo na binigyan nya ako nang trabaho kaya nirespeto kong maigi ang kapatid mo" paliwanag nya pa 

sa lahat ng babaeng lumapit sakin sya lang yung tanging nagsabi sakin ng ganyan karamihan puro paglalandi lang pero itong babaeng to kakaiba!

"magkano ba gusto mo para tigilan mo ko at mawala ka sa paningin ko?" inis kong offer 

"magkano? bayaran ba tingin mo sakin?" takang tanong nito

"bakit? may iba pa bang dahilan kung bakit sa pangatlong beses palang nating pagkikita nagustuhan mo na agad ako kahit na tinataboy na kita? for your clarification, walang tumatagal ng isang minutong babae sa ugaling pinapakita ko sa kanila pero ikaw tumatagal ka ng tatlong araw? so gusto mong maniwala ako na hindi pera ang kailangan mo?"

gusto ko nang sabihin ang lahat sa kanya ng tumigil na sya ayoko ng may bumuntot na parang aso sakin, nakita ko ang pagbabago ng expression sa muka nito mukang tumalab ang pamamahiya ko

"tingin ko masyado ka lang natrauma sa mga babaeng gaya ng sinasabi mo, pero kasi ako hindi ako katulad nila, kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, papatunayan ko ang sarili ko sayo para di mo ako pag isipan ng ganyan" mahinahon nyang paliwanag

REALLYYYY?? ni hindi man lang sya nagalit o naapektuhan sa mga sinasabi ko! shet!!!! ano ba to santo?

"haha nakakatawa ka din noh? di ka talaga papatinag?" di ko makapaniwalang sabi

"ok ganito bigyan mo ako ng chance na patunayan ko ang sarili ko sayo kahit ano gagawin ko" proud nyang sabi

ako yata ang mababaliw saming dalawa tinakasan na  yata ng kahihiyan ang babaeng to "di ka ba nahihiya na galawang lalaki yan pero ikaw ang gumagawa?"

"o ano namang problema dun? bakit lalaki lang ba pwedeng gumawa ng sinasabi ko? meron nga dyan babae pa ang nag popropose sa lalaki yakang yaka yan" maluwag na ngiti na sabi nito nasapo ko nalang ano noo ko sa sobrang inis ko sa babaeng to

"bahala ka sa buhay mo" naglakad ulit ako at hinayaan sya "huy sandali lang seryoso ako sa sinasabi ko" rinig kong sabi   nya 

.

.

.

sa kakalakad ko di ko na napansin na malapit na pala ko sa isang mall at isang sakay lang nito malapit na sa bahay namin 

"huy sandali hinihingal nako di ka ba hihinto?" nagulat ako sa nagsalita, ibig sabihin sinusundan nya pa rin ako hanggang dito?

huminto ako at nilingon sya "ano bang ginagawa mo gabi na wala ka bang balak umuwi sa bahay mo?" iritado kong tanong

"sabi ko naman sayo papatunayan ko sarili ko diba? saka yung pangalan mo di ko talaga alam para di ako huy ng huy sayo" sambit nito habang nakayuko at nakatukod ang mga kamay  sa tuhod

"sino ba kasing tangang nagsabi sayo na sumunod ka sakin" inis kong tanong sa kanya

"ano ba kailangan kong gawin para maniwala ka sa sinasabi ko?" sambit nito

kung mapilit talaga sya mukang kailangan ko syang pahirapan ng husto para tumigil na sya "ok let's deal, sabi mo diba gagawin mo lahat ng gusto ko?"

"oo kahit ano"

"ok so pumunta ka sa bahay bukas ng umagang umaga ayokong malelate ka ni isang minuto or segundo maliwanag?" tignan ko lang ko di ka sumuko bukas 

bigla itong ngumiti at tumayo ng ayos "talaga? bibigyan mo na ako ng chance? ok sige bukas na bukas din pupunta ako ng sobrang aga sa bahay nyo basta kapag nagawa ko lahat ng pinapagawa mo sasabihin mo na sakin ang pangalan mo at magiging mabait ka na sakin ha!" tuwang tuwang sambit nito

napa smirk ako sa mga sinabi nya kala nya madali lang lahat? of course not and never! humanda ka sakin bukas papahirapan kita ng husto 

"umuwi ka na bago pa magbago ang isip ko lalo akong mainis sa pagmumuka mo" sambit ko

"ok po master unknown see you tomorrow ingat ka!" sambit nito at masayang tumakbo palayo

"ingat? baka ikaw ang mag ingat sa gagawin ko sayo baka di mo masikmura" mukang may paglalaruan ako bukas or should I say everyday kung di pa rin sya titigil tignan mo nga naman biglang naging makabuluhan na kahit konti ang araw ko bukas

humanda ka sisiguraduhin kong mawawala ka rin sa buhay ko!





















(ansama naman!!!! btw enjoy reads!!)

Don't forget to vote and comment!!!

Follow me: Mb_Muster

Unexpected Back in the Past :[Suga/Woozi] (On-Going)Where stories live. Discover now