Chapter 2

27.8K 443 17
                                    


After 6 months...  ( A/N oo 6 months agad. Haha.)

Third Person's PoV

" Sino na naman yung kasama mong lalaki kanina ha?! Kabit mo?! " sigaw ni Lay sa kararating lang na asawa nya.

Nagulat naman si Audrey sa inasal ni Lay.

" SAGOT! " Sigaw ni Lay sabay hila ng buhok ni Audrey. Napangiwi naman sa naramdamang sakit si Audrey sa biglaang pagharap sa kanya ni Lay.

"K-ka grupo ko l-lang yun L-lay. B-bumili lang kami n-ng gagamitin para sa p-presentation namin. " Pagkasabing pagkasabi ni Audrey ay sya naman tumulo ang luha nya. Nasasaktan siya.

Bigla naman naging mahinahon si Lay. Ang parang nag aapoy na mata kanina ay makikitaan mo na ng guilt at awa.

" A-audrey. . I'm sorry Audrey. . patawarin mo ko. . Hindi ko sinasadya. " Sabi ni Lay sabay yakap sa umiiyak nyang asawa. Ano ba naman kasi ang nasa isip niya at nagawa niya ulit niya iyon.

" Hindi ko lang kasi matanggap na may kasama kang iba pwera sakin lalo na kapag lalake pa . Nagseselos lang kasi ako. P-patawarin mo sana ako. . . " Hingi ng tawad ni Lay.

" O-okay l-lang yun. " Sabi ni Audrey. Hanggang ngayon ay mararamdaman mo ang panginginig niya dahil sa takot.

" Basta wag ka ng lalapit at kakausap sa ibang lalake ha? Lalo na kapag hindi ko alam. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Akin ka lang Audrey, Akin lang. I love you Audrey. " sabi ni Lay habang yakap yakap ang asawa.

" I-i love y-you too. " sagot naman ng takot na si Audrey.

Audrey's PoV

Akala ko magiging maayos lang ang lahat at wala ng magiging problema, ngunit nagkamali ako. Lagi na lang siyang ganyan, sobrang seloso kahit wala namang kwenta ang mga pinagseselosan niya.

Na kahit wala akong ginagawang mali, nagagalit siya palagi.

Pagkatapos ng kasal namin, naging maayos lang ang lahat. Walang anumang naging problema. Pero patagal ng patagal na kami ay nag sasama, nagiiba siya, nagbabago siya.

Magkasama kami sa iisang bahay na dati ay kinakatuwa ko pa pero ngayon ay may parte sa akin na pinagsisisihan ko na.

Nasasaktan na niya kasi ako. Sa tuwing nagagalit siya, hindi maiiwasang napagbubuhatan niya ako ng kamay.

Pero natitigil din naman sya kapag nakikita na nya kong nasasaktan o umiiyak.

Minsan sumasagi sa isip ko, bakit hindi na lang ako umalis sa poder niya? Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawa iyon. Mahal ko si Lay. At ayaw kong mawala na lang bigla ang nga pinagsamahan namin.

Kasalukuyan kong nilalagyan ng concealer ang pasa na nakuha ko mula kay Lay. Papasok na kasi ako sa school at ayokong may makaalam ng mga nangyayari samin dahil baka magalit pa si Lay kapag nagsumbong ako.

Ayoko rin namang mahiwalay sa kanya kasi mahal ko yung tao.

Kahit na masakit, tatanggapin ko kasi mahal ko sya. Sana lang hindi sya dumating sa punto na mabugbog nya ko ng todo or worst ma rape nya ko.

Oo, walang nangyaring honeymoon nung kinasal kami. Ayoko pa kasi at nirerespeto naman daw nya iyon.

Papasok na ko sa school at palabas na ng bahay ng makasalubong ko si Lay sa sala. Sabay na kaming lumabas at sumakay na sa kotse nya. Hatid sundo nya kasi ako para daw kahit papano, nababantayan nya ko.

Nakarating na kami sa school. Papalabas na ko ng bigla syang nagsalita.

" Ooops, may nakakalimutan ka ata? " Tanong ni Lay.

Hinalikan ko sya sa cheeks. Oo sa cheeks hindi sa labi.

" Tsk. " Bigla nya kong hinila at marahas na hinalikan. Inipon ko ang lakas ko at tinulak sya.

Unti-unti na namang nagdidilim ang mga mata nya. Bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

" Wag na wag mong kakalimutan ang reminder ko sayo or else. . . Akin ka lang Audrey! " Sabi nya.

Lumabas na ko sa kotse at patakbong pumasok sa university. Kahit tinatawag niya ako, hindi na ako lumingon pabalik pa. I don't really want to.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakarating na ako sa building namin. Direderetso na akong naglakad papunta sa room namin.


~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Chen and Lay in the multimedia!!!!

Ang mag bestfriend. XD

Vomment! ♡

My Obsessed Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon