Chapter 9

14.4K 267 4
                                    

Audrey's PoV

Pagkatapos naming maghabulan, nagmamadali kaming pumunta sa classroom dahil late na kami. =_=

Masyado ata kaming nalibang sa takbuhan namin kanina. XD

Nakarating na kami sa room at nakapagtataka dahil wala pa yung teacher namin.

" WALA SI MAAM! MAY MEETING DAW ANG MGA TEACHER! " sigaw ng president namin.

" YEHEEEEEY!"

" WOOOOOOOO! "

" YESSSSSSS!"

kanya kanyang sigaw ng mga kaklase namin. Sayang yung pagmamadali namin ni bes. =_=

" Besssss! Wala daw si maam! Punta tayo sa canteen!"

"Uyyyy sama ko dyan!" Biglang sabat ni Kai-kai.

Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapagpaliwanag kay kai kung bakit ganun ang nangyari nung isang araw.

Lagot ako. =_=

Nakarating na kami sa canteen. Hinatak kami ni bessy sa isang vacant table.

" Uy dyan muna kayo ha! Oorder lang ako ng pagkain natin. My treat!" ^o^ tuwang tuwa sabi ni bes. Ganda ng mood nya ngayon ah. XD

"Sha-sha" seryosong tawag sakin ni kai ng umalis na si bes.

"B-bakit?" Kinakabahan ako sa sasabihin nya. Mukhang nakahalata sya...

" Ano yang pasa sa balikat mo? Saan nanggaling yan?" Tanong nya ng may mapanuring tingin.

Napatingin ako sa balikat ko. May pasa pa pala dun. Hindi ko napansin kanina. Buti na lang hindi to nakita ni bessy.

"Sa bahay k-kanina, tumama lang sa may p-pintuan." Sabi ko habang itinatago ang pasa.

"Sinungaling. Nanginginig yang kamay mo oh. Katulad pa rin ng dati."

Uh-oh. Tagal naman kasi ni bessy! Na interrogate pa ko dito. Tsk.

"Hindi ah!"

"Sabihin mo nga sakin ang totoo, sinasaktan ka ba ng asawa mo?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong nya.
"H-huh? Pano mo naman n-nasabi?"

"Kasi--"

"Nandito na ang foodssssssss! Enjoy your food maam and sir! " hooooo. Buti na lang dumating tong si bes.

Minsan talaga may naitutulong to eh.

Napatingin ako kay Kai-kai. Tiningnan nya ko ng "Mamaya tayo mag-uusap".

Pano kaya ako makakatakas?

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa klase.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Uwian na.

"Denice, pwede ko bang mahiram muna saglit yung bessy mo? Kakausapin ko lang." Pagpapaalam ni Kai-kai kay bes.

"Sige. Mauna na ko sa gate."

"Pero bes--"

"Sige na, mag usap na kayo. XD" sabi ni bessy sabay takbo.

"Tsk."

"Bat ba ayaw mong makipag usap sakin? May itinatago ka ba?" Tanong ni kai.

"Wala naman t-talaga kasi eh."

"Liar. Ipaliwanag mo nga sakin yung nangyari nung isang araw? Tsaka bat ka absent kahapon? At yang pasa mo, san mo nakuha? Kaya tell me, sinasaktan ka ba ng asawa mo?"

Nagsimula ng mangilid ang mga luha ko. Ewan ko ba kung bakit pero pag naaalala ko ang nangyari nung isang araw bigla na lang akong naiiyak, natatakot.

Di ko naman kasi akalain na aabot sa ganun si Lay. Ang mabait at mapag-arugang boyfriend ko dati na asawa ko ngayon ay naging ganun ang ugali.

Pero pinangako naman nya na magbabago na sya. At ako, umaasa ako.

"Sha?"

"Huh?"

"Natulala ka. Tsk. Sabihin mo na kasi ang totoo."

Nagdadalawang isip ako. Pero hindi ko na iyon maitatanggi dahil sa nakita nya nung isang araw isama mo na rin ang pasa ko.

"Oo. S-sinasaktan nya ko... pero dati yun! Wala na yun. Magbabago na sya. Hindi na nya ulit gagawin yun."

"Pero sinaktan ka pa rin nya! Hindi naman tama yun sha-sha. Alam ba to ng bessy mo?" Tanong nya.

"Hindi. Pero please, wag mong sabihin. Hindi mo alam ang kaya nyang gawin."

"Sigurado ka? Pero magagalit sya sayo pag nalaman nya ang lahat ng to."

"Hindi. Hindi yun mangyayari."

"Siguraduhin mo yan Sha-sha. Pag sinaktan ka niya ulit hindi ako magdadalawang isip na ilayo ka mula sa kanya." Nagulat ako sa sinabi ni Kai-kai. Kaya lang naman nya siguro nasabi yun kasi.. diba bestfriend nya ko?

"Sige Sha-sha.  Mauna ka ng lumabas. Baka makita pa ko ng asawa mo eh. Bye sha!"

Nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan sa pisngi sabay sabing "Ingat ka." at nagtatakbo na palayo sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person's PoV

Nagulat si Lay ng biglang tumunog ang kanyang phone mula sa kanyang bulsa. Kanina pa siya tulala kakaisip kung bakit hindi pa lumalabas ang kanyang asawa.

Kanina pa siya naghihintay dito para sigurado syang maaabutan nya ang kanyang asawa.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at tiningnan ang nagtext. Mula ito sa kaniyang "spy" na nagbabantay kay Audrey.

Lumabas ang isang litrato, isang litrato na nagpadilim ng kanyang paningin. Ngunit kanya itong pinigilan, ang selos na kanyang nararamdaman ay kanyang pinipigilan para sa pangako niya sa kanya asawa.

Nidelete niya ang litrato at ngumiti ng peke. Iniisip ang mga nangyari. Ayaw na nyang nakikitang nasasaktan ang asawa kaya gagawin niya ang lahat, kahit nagseselos na sya.

~~~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

A / N

Annyeong~

Uhmm sorry po dahil ngayon lang po nakapag ud. Tapos sorry din po kung LAME. Well, di pa po tapos yan haaaa. Marami pa pong dadating. XD Dami po kasing assignment at activities kaya hindi po makapag ud.

Mianhae ~

Byeeee ♡

My Obsessed Possessive HusbandNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ