Chapter 10

14K 254 10
                                    


Kai's PoV

So.. totoo nga. Sinasaktan talaga sya ng asawa nya. Nagkaroon ako ng konklusyon na sinasaktan sya ng asawa nya dahil sa nangyari nung isang araw. Tapos absent pa sya kahapon.

Alalang alala ako kaya pagdating ng uwian pumunta ko sa bahay nila. Tsk. Stalker na kung stalker no. Pogi naman ako eh. XD

Titignan ko lang sana kung maayos sya kaso mukhang walang tao umalis na rin ako.

Hindi ko maiwasang maawa sa kanya kanina habang inamin nya iyon. Maiiyak na sya kanina pero kanya iyon pinipigilan.

Kitang-kita sa mata nya ang takot at lungkot na kanyang nadarama. Pero agad din yung nawala at napalitan ng saya ng sinabi nya na magbabago na ang kanyang asawa.

Sana nga totoo yun, dahil kung hindi kukunin ko si Audrey gamit ang batas hindi ang dahas.

Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi. Oo, nagdadrive na ko. Legal naman to dahil may student's license naman ako.

Napatingin ako sa picture na nakasabit sa rear mirror ko. May tatlong bata sa picture. Kami-kami yan nila Sha-sha at---

*bzzzzt**bzzzzt*

Sino kaya tong nagtext? Unknown number eh.

From: Unknown

Stay away from my queen. She's mine.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Audrey's PoV

Kinakabahan akooooo. Di ko alam kung bakit. =_=

Kasalukuyan kong binabagtas ( wow ang lalim xD) ang daan papunta sa kotse ni Lay.

Sana naman wag yun magtaka kung bakit ang tagal kong lumabas. T^T

Nandito na ko sa tapat ng passenger seat ng kotse nya. Kumatok ako sa bintana dahil naka lock ang pinto. Binuksan din naman nya iyon agad.

"Hello Lay!" Masaya kong bati sa kanya. Ba't parang iba ata ang takbo ng atmosphere dito.

"........"

"Uhh lay?" Tawag ko sa kanya. Ang tahimik nya kasi eh. Tapos parang tulala pa.

"Mag seat belt ka na." Ginawa ko yung sinabi nya. Pagka seat belt ko, tsaka nya naman pinatakbo ang sasakyan.

Ang tahimik. Ang tahimik nya. Mukhang malungkot sya at kita ko yun sa mata nya sa rear mirror. Galit din ata siya.

May nagawa ba kong mali? Kung meron, ano naman yun?

Hindi ako sanay na galit siya sakin. Dati oo, nung medyo.. lam mo na yun.

Pero ngayon, hindi na. Kahapon lang kami nagkabati, mag aaway na naman ba kami? Ayoko na.

Pagdating namin sa bahay, nauna siyang lumabas ng kotse. Dire-diretso sya hanggang sa front door.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero hindi ko man lang namalayang tumatakbo na ko papalapit sa kanya tsaka sya niyakap. Pero tama naman tong ginagawa ko diba? Ayokong magkagalit kami.

" Lay... Ba't mo ko iniiwasan? M-may nagawa ba kong masama?" Garalgal na sabi ko. Hindi ko alam pero gagawin ko lahat wag nya lang akong iwasan.

"......"

"Lay--"

"Audrey mahal mo ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Siyempre naman Lay. Tinatanong pa ba--"

"Yan lang ang kailangan kong marinig. " pagkasabi nyang yon ay hinalikan nya ko sa labi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Someone's PoV

" Boss, na send ko na po." Sabi ng kararating lang na lalaki.

" You may go now."

Ano kaya ang reaksyon nya ngayon.. balik na naman kaya siya sa dati? Sana nga. Hahahaha.

Akala ko matalino sya pero hindi rin pala, ni hindi nya nga alam na patay na pala ang "spy" na pinapabantay nya sa mahal ko eh.

Sana bumalik siya dati... para umalis na sa poder nya ang mahal ko... at sa huli, kukunin ko sya at happily ever after na. Hahaha.

Akin ka lang mahal ko. Akin ka lang...

AKIN KA LANG AUDREY!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N

LAME~~~

Soooo Yeheyyyy updateeeeeee ♡♡♡

HOT ko nga palang asawa nasa multimedia. ♡♡♡

Byeee~

My Obsessed Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon