Walang katumbas na sakit at paghihinagpis ang naramdaman ni Mrs. Osvaldo nang mapanood niya ang video kung saan kinitil ng kanyang sariling anak na si Dion ang sariling buhay. She learned that her son's blood and DNA were positively found in Barangay Katipon of Sanghae. Na base sa mga ekspertong sumuri sa mga ebidensya ay totoong wala na ang binata. At nakuha rin sa bangka ang dugo nito kaya't malaki ang posibilidad na itinapon ang bangkay sa gitna ng karagatan.
It had never come to her that her son was capable of killing himself. Kahit sa masamang panaginip ay hindi niya iyon nakitang mangyayari. Sa mahabang panahon na paghahanap sa nag-iisang anak na lalaki ay umasa siya na makakauwi ito nang buhay. Na mayayakap pa niya itong muli. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at ipinagkait na sa kanya ang maliit na bagay na hiling. Her family's life was already in the gutter. And knowing that her son was confirmed as a dead man, she felt like her family's downfall was endless. Walang katapusang sakit, lungkot at paghihinagpis.
Since the Commissioner General was present at their meeting, she took that opportunity to beg him to send a search team in the vast ocean of Sanghae. Nais niyang sumugal na makuha, ma-uwi, at mabigyan nang maayos na burial ang labi ng kanyang anak. Alam niyang imposible iyon sa lawak ng karagatan at sa dami ng mga hayop sa ilalim na maaaring kumain na kay Dion, ngunit nais niyang magbaka sakali. It was the least that she can do for her own child.
***
Gulat ang gumuhit sa mukha ni Kayla nang mabasa niya sa social media ang balita na ikinasal na ang sikat na singer na si Fabian Lucas sa non-showbiz first love nito. Napahinto at hindi niya magawang isara ang bilog na bibig sa confusion sa kanyang natuklasan.
"Mi! Anong nangyayari sa 'yo?!" Pag-aalala ang naramdaman ni Sebastian sa tila naging estatwang girlfriend. They were halfway to his parked motorcycle sa parking area ng FDO. Binalikan niya ito, nilapitan, at sinilip ang cellphone na sanhi ng weird frozen reaction nito. "Bakit... gulat na gulat kang kinasal na 'yang singer na 'yan? Crush mo ba 'yan?"
Noon lang muling sumara ang bibig ng dalaga. Then she looked at her clueless boyfriend with disbelief and annoyance in her eyes. "Excuse me?! The last time I check, Fabian Lucas is madly in love with Carol Jose! Tinawag pa n'yang future wife si Carol sa interview n'ya kay Tito Boy and that was just one month ago! Tapos bigla na lang s'yang kinasal sa first love n'ya?! Paano na si Carol?!" She wasn't a big fan of Fabian and Carol, but she somehow felt betrayed.
Inilabas ni Sebastian mula sa bulsa ng kanyang designer pants ang susi ng motorsiklo. "Baka... na-realize ni Fabian na 'yung first love niya ang totoong mahal niya. Ganoon lang 'yon kasimple, Mi. H'wag mo nang problemahin 'yang buhay ng mga artista. Tara na! Gutom na ako." Nakaka-ilang hakbang pa lang siya palayo nang marinig ang seryoso at nakaka-intimidate na boses ng nobya.
"Hoy, Mr. Sebastian Roxas! Bumalik ka nga dito!"
Kakamot-kamot sa ulo na bumalik sa harapan ng dalaga ang nagtatakang agent. He had no idea why she sounded mad. Alam niya sa sarili na wala s'yang sinabing mali sapagkat sariling opinyon niya lamang iyon.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 4: I See Murders [COMPLETED]
Mystery / ThrillerDo you want to witness a murder? Jiwon is back and is working on an undercover operation, looking for ways to infiltrate the secret society that allegedly abducts students. In Johnford College, no one knows who the watchers are. No one knows who th...