42

9.6K 133 17
                                    

SINABI niya lahat, Pero hindi ko kaya yun lahat tanggapin, Hindi Basta basta nagagamot ang sakit sa Salitang Sorry Lamang, Ewan ko ba kung kaya ko ba siyang mapatawad ulit, Ang sakit kasi e, Ang sakit, Hindi niya ba naisip na mayron na nga ako pero nagpatukso parin siya sa iba, Sa Isang Virgin.

Isang malakas na Sampal ang Dumapo sa Pisngi niya habang Lumuluha ako.

"Bakit? Bakit Kai.? Tigang ka na ba kaya ka pumayag?" Lumuluhang sabi ko.

Dinala niya ako dito sa Kwarto niya para walang masyadong nakakarinig sa Problema naming dalawa.

Umiling ito, Bakas sa kanyang mata ang lungkot, Pero nangingibabaw ang pandidiri at galit ko sa kanya.

"No, Baby please...I'm Sor--"

"No!"Sigaw ko, Dinuro ko pa ito."Hinding hindi na kita kayang patawarin pa! Ilang beses mo na ako Sinaktan kai, pero ito ang pinakamasakit, Itong Putang inang ginawa mo! Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ko? Hindi mo ba ako naiisip?."Pinahid ko ang aking luhang Umaagos pababa sa aking pisngi."Naghihintay ako doon sa Halloween party, Hinintay kitang dumating, Pero Hating gabi na naisip naming hanapin ka ni Liam pero nasa Motel Ka pala? Kasama ang babaeng yun? Sino ba yun ha? Sino yun bakit Hindi mo kayang sabihin sa akin ang pangalan niya? Nag sawa ka na ba sa akin kaya ka bumigay?" Tumigil ako sa Kakasalita dahil sa Sakit na nang lalamunan ko, Pero mas nangingibabaw ang Sakit nang aking damdamin.

Akmang hahawakan niya ako pero tinabig ko lang ang kamay niya."Don't Touch me! Wag mo akong hawakan! Bakit mo ba kasi ginawa yun? Tanga ka ba? Hindi mo lang ba ang Inisip na may Girlfriend ka?"

Umiling ito, At napayuko na lang."I'm So--"

"Yan na lang ba kaya mong sabihin ngayon? Sorry?" Tumawa ako nang mapakla at napailing iling, Napahilamos pa ako sa aking mukha.

"Bab--"

"Don't Call me That! Ayaw ko nang marinig mula sayo yang Call sign na yan!" Muling sigaw ko, Malungkot naman itong tumango."Pero isang tanong Isang sagot kai." Muling sabi ko.

"Go on....Bab--I mean Ashe..." Ani nito gamit ang mahina niyang boses.

"Mahal mo ba ako?"

"Yeah Ashe...I love you so muc--"

"Kung mahal mo ako bakit sumama ka sa kanya? Bakit nagpatukso ka?"

Napilpilan ito sa sinabi ko, Yeah I know Wala siyang maisagot.

"Kairo..."Huminahon na ang boses ko, Lumapit ako dito at hinaplos ang pisngi niya."Mahal na mahal kita...Mahal na Mahal kita, Kai. Akala ko nag tino ka na...Akala ko nag bago ka na...Pero nagkamali pala ako."Ngumiti ako nang mapait at ibinaba ang palad ko sa Pisngi niya, Pinagmasdan ko ang kanyang Matang bakas ang pagsisisi."Natutukso ka pa rin sa iba kai."Umiling iling ako at umatras.

Kumuyom naman ang kanyang kamao at Mabilis ang paghinga nito."So Anong susunod mong gagawin? Ano iiwan mo ako? Makikipag hiwal--"

"Buti naisip mo ang naiisip ko kai, May utak ka rin pala, Nakakapag isip ka din pala bakit di mo ginawa yan?."Ngumiti ako at Tumango tango."Yes kai. Nang dahil sa Ginawa mo! Makikipag hiwalay talaga ako sayo, Alam mo kung bakit?"

"Bakit?" Mabilis na sabi nito, pero mahina yun.

"Dahil nandidiri ako, sayo! Nandidiri ako sayo! Break na tayo ayaw ko na...kairo." Nanghihina ang tuhod ko kaya napaupo ako napatakip ako nang Mukha at doon umiyak, Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa Harap ko at Mahigpit akong niyakap. Hindi ko siya kayang itulak dahil Ito na ang huling mainit na yakap ang mararamdaman ko sa kanya.

"Please baby...Wag mo akong iwan...mas okay na sa akin ang Pag iwas mo sa akin pero wag naman ganito oh..."Pumiyok pa siya nang Sinabi niya yun, Pero nanatili akong humihikbi dito At hinayaan siyang yakapin ako."Please..."

 KAIRO SEBASTIAN RONSOM: Fuck Me Harder Uncle [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon