54

4.1K 89 7
                                    

"ANO BA!" Malakas ko siyang itinulak, at napasalampak siya buhangin na nag hahabol nang hininga, Marahas din akong humuhugot nang hininga habang titig na titig sa kanya.

I can't believe it, Hindi ko akalain na mangyayare ito, Nabigla ako sa ginawa niya.

"Soren..."Mahinahong tawag ko sa kanya."Why?"

Bigla siyang natawa nang mapakla at tumayo."Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o manhid ka Ashe!" Nanlaki ang mata ko nang tawagin niya ako sa Dati kung pangalan. He Chuckled."I know you Ashe! Matagal na."

Nakaawang ang aking bibig, So matagal niya na pala akong kilala? Since When? Bakit siya kilala niya ako? Pero ako hindi ko man lang siya nakikita noon at nakakausap.

Hindi pa din ako makapag salita. I'm speechless.

"Gusto mo bang malaman kung paano kita nakilala?"Hindi ako kumibo. He chuckled again."Okay i-kwe-kwento ko sayo."Napalunok ako."Listen!" Nanatili akong nakatitig sa kanya.

Hindi pa din ako nakakabawi sa pagkagulat ko.

"Matagal ko nang kilala ang kuya mo ashe!"Panimula niya, Ang tinutukoy niya ay Si kuya Jasver."Nung nalaman kung namatay si Tita si Rodelyn at walang mag kukopkop sayo ay nilapitan ko si Javen upang mag Volounter Pero...."Napalunok siya at umiwas nang tingin."May nakauna na, at Si Tita Rodelyn mismo ang nag sabi sa kanya bago siya nawalan nang buhay, Ang Alagaan siya."Doon na mismo nalaglag ang kanyang pinipigilang luha."Si Kairo mismo!"Tumawa pa siya nang mapakla at pinunasan ang luhang tumutulo.

"Si Kairo! Bakit siya pa, Bakit Hindi na lang ako!"

Ramdam ko ang galit niya kay Kairo, Sa Tono palang ay parang nag aalab na ito.

"Para akong tangang nagpanggap na police sa Mismong harap ni tita noon, Pero..."He Smiled Bitterly."Pero May Epal na sumabat!"

Doon na bumuhos ang luhang Kanina ko pang pinipigilan. Parang naninikip ang dibdib ko at hirap na makahinga.

Papatgilin ko na ba siya o hayaan na lang siyang Mag kwento?

"Na aalala mo ba ako? Ako yung kausap mong police noon, Ako yung pumipigil sayo para di ka makapasok sa Kwarto nang mama mo, Pero Hindi ka nakinig sa akin kay Tinulak mo ako."

Natigilan ako sa sinabi niya, Naalala ko ang Araw na yun, So siya pala?

"Mama! Ano ba bitiwan mo ako Kailangan ko siyang mayakap!"

nagpumiglas ako nang yakapin niya ako, Nasa Loob si Kairo at kinakausap ang mga iba pang police.

"Miss, Please Calm down--"

"Hindi ayaw ko!" Umiiling iling ako habang humihikbi."Kailangan ako ni Mama sa loob!"

At doon ko siya tuinulak nang malakas.
narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero Hindi ko na yun pinakinggan pa!

Tumango tango ako habang umiiyak.

"Finally..."Ngumisi ito Akmang yayakapin niya ako pero bigla akong umiling. Doon nawala ang Saya sa kanyang labi. Napalitan ito nang pgakadismaya.

Humugot ako nang pa-ulit ulit na buntong hininga."Ituloy mo..."

Handa akong pakinggan siya, Lahat gusto kung malaman.

Napayuko ito at Bumuntong hininga din, Muling nag angat ito nang tingin at nagtama ang mata namin.

"Sa araw na yun...nagpakalayo layo ako, Sinubukan kitang kalimutan pero hindi, hindi ka kayang burahin nang utak ko dahil ikaw at ikaw lang nasa isip ko."

Nag iwas ako nang tingin, I bit my lower lip, Ayaw kung umiyak nang malakas dahil baka may makarinig sa amin.

"Ashe..."Nag sitaasan ang balahibo ko, Sa pagtawag niya sa akin ay parang May gusto pa siyang sabihin na hindi ko matatanggap.

"Go on..."I whispered."Ituloy mo. Handa kung pakinggan..."

Kita ko sa Gilid nang aking mata ang pagtango niya.

"Half sister mo si Mercy...Kapatid mo siya..."

What?

nanginginig ang aking matang napatingin sa sa kanya. Nakaawang ang aking Labi sa pagkagulat.

"W-what do you mean?" Utal na sabi ko.

"You know."Umupo ito at tinabihan ako."alam mo na hindi ka tunay na anak ni Tita Rodelyn Diba?" Wala akong pag aalinlangang tumango."pinaampon ka ni tita Ronalyn, Si tita Ronalyn ang tunay mong ina. Sila Tita rodelyn at Ronalyn ay magkapatid. Kaya ka pinaampon dahil hindi kaya ni Tita Ronalyn na lumaki kang walang ama dahil yung Kasintahan ni Tita Rodelyn ay kasintahan din ni Tita Ronalyn."Npasinghap ako sa nalaman ko, Hinawakan niya ang palad kung kanina pa nanginginig at marahan niyang pinisil yun."Nabuntis siya Nung kasintahan ni Tita Ronalyn at Si Mercy ang bunga nun. nagkamental ill. Si mercy at Nilagay siya sa Mental hospital pero nung lumaki si Mercy doon ay May kumuha sa kanya at walang nakakaalam kung sino siya."

Napalunok ako, Naalala ko si mercy. Bigla na lang siyang sumugod noon sa Mall.

"Naiinggit sayo si Mercy dahil nalaman niyang ikaw ang pumalit sa pwesto niya." Pigil ang hininga akong nakikinig sa kanya. Ngumiti ako nang tipid at Pinunasan ko ang luhang natuyo sa mukha ko.

"Patawarin mo ako ashe...patawarin mo ako..."

"Why? Bakit ka humihingi nang tawa--"

Umiling ito sa akin habang puno nang luha ang kanyang mukha."Ashe...I'm sorry...sa sobrang pagkadisperado kung pag hiwalayin kayo ni Kairo ay pinag-panggap ko si Allyson na buntis, ako ang may gawa nun kaya siya nakulo--"

"Stop it Soren!" Ang kaninang Awang nararamdaman ko sa kanya ay napalitan nang Galit ang nararamdaman ko."Hinding hindi kita kayang mahalin soren. Dahil sa ginawa mo!"

"I know. Ashe!" Sinubukan niya ulit kunin ang palad ko pero iniwas ko yun at tinulak siya.

"Don't you dare To touch me soren!"Dinuro ko siya."Hindi ganyan ang pagmamahal Soren! Hindi ganon!"Nagsimula nang bumuhos ang ulit ang luha ko."Alam mo ba soren nang dahil sayo nagkagusto si Kairo kay Allyson! Tinalikuran niya ako. Yun yung pinakamasakit dahil buntis ako noon! Tang ina Soren. Pinagkatiwalaan kita pero jan sa gwapo mong mukha meron ka palang tinatagong malaking kasalanan sa akin!"

Tatalikuran ko sana siya nang marinig ko ang Mahinang pagtawa, Biglang kumabog nang malakas ang puso ko. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at hindi humaharap sa kanya.

"Alam mo Ashe. Madami kang 'What if' na kailangan mong hulaan. But."

Narinig ko yapak nang kanyang paang dahan dahan niyang paglapit sa akin. Maslalo akong kinilabutan nang maramdaman ko ang paglapit nang bibig niya sa tenga ko. Ang mainit niyang hiningang tumama sa Balat ko ang dahilan nang pagtaas nang balahibo ko.

"But."Ulit nito sa pabulong na tono."Dahil Mahal kita ay bibigyan kita nang isang magpapasindak sayo." Narinig ko  pa ang pagngisi niya.

"Kaya kita pinapunta dito dahil para matuklasan mo kung paano ko patayin si Kairo sa harap mo."

To Be Continued...

A/N: Mamaya na lang yung Chapter 55 at 56 Hindi ko pa tapos yung Research Ko🥴

Babyeee muwapsss!

UPDATE!

15 Chapters na lang matatapos na ito, Kapit lang hysss HAHAHAHA

Gabi siguro, mamayang gabi yung Next Update dahil konti na lang gagawin nang ferson mamaya🥴

 KAIRO SEBASTIAN RONSOM: Fuck Me Harder Uncle [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon