LH: 2

71 11 3
                                    

Harmony's

Pagpasok namin sa gymnasium ay nalukot agad ang aking mukha sa sobrang daming estudyanteng nakita. Ang iba ay nakatayo na lang dahil wala ng bakanteng upuan na monoblock.

At napakamot pa ko sa aking tenga dahil sa ingay, para akong nakaririnig ng maraming bubuyog at langaw na umuugong.

"Hala ka, tatayo tayo, Jermaine."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at inilibot ang mata. Nagbabakasaling may makita pang bakanteng upuan kahit isa lang, makaupo lang itong si Happy. Hindi pwedeng buong oras namin dito sa gym ay nakatayo si Happy dahil paniguradong ako ang maiirita sa karereklamo nito sa sakit ng kanyang binti at pagkangawit.

"Gumawa ka naman ng paraan, Jermaine. May kapit ka 'di ba?" bulong sa akin ng kaibigan ko at siniko pa ang aking tagiliran.

Tiningnan ko siya nang masama at binantaan na manahimik gamit ang aking mga mata. Ngumuso naman ito at tila inosenteng inilibot ang mata sa buong gym.

Sinubukan kong hanapin kung mayroon ba kaming ka-department na nakaupo, baka mamaya ay may kilala ako at mapagbigyan na paupuin si Happy.

"Tara," anas ko at hinawakan sa kamay si Happy para hilahin ito. Nakita ko sa gitnang bahagi ang iba naming kaklase.

"Jermaine," tawag ng kung sino sa akin hindi pa man kami nakalilimang hakbang.

"Sir. Byron," tawag ko rin sa guro na tumawag sa akin.

Tipid akong ngumiti bilang pagbati at pagrespeto na rin.

"Nice," bulong ni Happy sa aking tabi.

"May upuan na ba kayo ni Happy?" tanong ni Sir. Byron na agad kong inilingan.

"Naghahanap pa lang po, Sir."

"Oh, tara na. May bakante pang upuan sa department ng mass communication."

Ngumiti ako sa aking isip, sa wakas ay hindi ko na kakailanganing magmakaawa sa mga kaklase ko para bigyan ng upuan si Happy.

Sumunod kami kay Sir. Byron nang lumakad na ito papunta sa kabilang bahagi ng gymnasium.

"Jermaine, pang-gabi 'yong mass com sa atin, ah. Hindi natin kilala nasa paligid natin 'pag umupo tayo roon," pigil sa akin ni Happy.

"Ssh, importante makauupo tayo," saad ko at hinila ang kamay nito palapit sa akin.

"Hello, Jermaine."

"Oy, si Jermaine."

"Good morning, Jermaine."

Ngumiwi ako nang batiin ako ng ibang estudyanteng nadaraanan namin habang nakasunod kay Sir. Byron.

Tipid ko lang na nginitian ang mga bumati sa akin. Hindi ko naman sila kilala para batiin rin ng good morning.

"Hirap naman magkaroon ng kaibigan na famous."

Inirapan ko si Happy dahil sa sinabi nito. Hindi naman ako famous sa school. Nataon lang na tuwing may event sa school ay laging nasa flyer ang aking mukha. Minsan mahirap din palang maging mabait na estudyante. Everytime na may isasagawang event, trips or camp and celebrations I'm always one of the students who's choosen to promote the said events. Kaya every year ay nalilibot ko ang buong university namin at napapasok ang lahat ng mga rooms ng lahat ng year and courses dito, pero sa mga courses na pang-umaga ko lang ito ginagawa at iba naman ang gumagawa ng ganito sa pang-gabi na courses.

Minsan ay nagrereklamo na rin ako sa aking sarili dahil minsan ay may na-mi-miss akong discussion kapag ipinatatawag ako. But, blessings in disguise na rin itong pagiging announcer or promoter ko sa school dahil additional points naman ito sa report of grades ko. Iyon nga lang ay may nabuo ng expectations sa akin mga Professor and Instructor.

Lass HopeWhere stories live. Discover now