LH: 3

99 13 8
                                    

Harmony's

Throughout the orientation I kept my eyes straight, sa stage lang ako nakatingin pero pakiramdam ko ang kaluluwa ko ay naglalayag dahil wala ako sa sarili. My attention was on the man next to me. Kahit wala itong ginagawa at parehas ko lamang na nakatingin sa stage ay nakukuha pa rin nito ang aking atensyon.

I kept looking at him thru peripheral vision. I'm glad that he didn't notice that.

Halos patapos na ang orientation at ipakikita na lang ang VMGO ng bawat Department.

Napangiwi ako nang malakas na magpalakpakan ang mga estudyante. I don't want to assume. But I know that they're clapping because of me.

I almost forgot that I'm the one modelling the uniform of each Department.

"Bagay kayo ni President!" sigaw ng kung sino mula sa likod.

Napailing na lang ako at tipid na nginitian ang mga estudyanteng nakatingin sa akin at may pang-aasar sa tingin na ibinibigay sa akin.

"Hirap talaga 'pag may kaibigan na famous," bulong ni Happy. Hinawi pa nito ang buhok na animo ito ang pinagtitinginan.

Napabuntong hininga ako nang matapos na ang orientation. At pagkasabi na pagkasabi pa lang na pwede nang lumabas at umattend ng classes ang mga may pasok ay nag-unahan na agad ang mga estudyante.

Oh, good God. Parang hindi mga kolehiyo ang mga nakasasalamuha ko. They look like childrens running towards the store sa takot na baka maubusan ng lollipop.

Nanatili kaming nakaupo ni Happy, sa 4 years naming nag-aaral sa kolehiyo ay nakagawian na namin na paunahing lumabas ang lahat ng estudyante. Okay lang sa amin na mahuli keysa makipagsiksikan at makipagbalyahan.

"Bakit 'di pa kayo nalabas?" si Happy.

Sinundan ko ng tingin kung saan nakatuon ang mata ni Happy para malaman kung sino ang tinanong nito.

Tinanong nito ang lalaki na isa sa kasama ni Kent.

"Ayaw pa ni Kent, eh."

Bahagyang gumawi ang tingin ko kay Kent. Nakaupo pa rin nga ito at pinanonood ang mga estudyante na tila hindi maubos-ubos kahit marami na ang nakalabas.

"Kayo? Bakit 'di pa kayo nalabas?"

"Ganito talaga kami, nagpapaiwan kami. Nakita niyo naman 'di ba parang nakawala sa kural 'yong ibang estudyante," sagot ni Happy na nakatayo na.

Happy never told me that she knows Kent's friend. I always mentioned Kent to her but she never mentioned his friends.

"Tara na," ani ko matapos tumayo. Kaunti na lang ang estudyante at hindi naman kami mapapa'no kung nasa likuran kami.

"Let's go."

Kumunot ang noo ko nang tumayo rin si Kent at inaya na ang dalawang kaibigan.

"Kaya naman pala," nakangising saad ng lalaking nakipagpalit ng upuan kay Kent kanina.

Humawak si Happy sa aking braso at hinayaan ko lang ito.

Nang makalabas kami ng gymnasium ay tuloy-tuloy pa rin ang lakad ko. I don't have any strength to look back. Alam kong kapag lumingon ako ay makikita ko si Kent... and I can't! Hindi ko kaya. I know that I'll lose my compose once I look at him again. That's not me... that's really not me.

If I only knew that I'll see him one day in our school, I shouldn't have watch his stream in the first place.

"Saan tayo?" tanong ni Happy.

Siguro ay napansin nitong hila-hila ko siya. Huminto ako dahilan para huminto rin ang kaibigan ko. Napansin ko na hindi papunta sa department namin ang natahak naming daan. Mabuti na lamang at naramdaman ko ang pagkulo ng aking sikmura.

Lass HopeWhere stories live. Discover now