Chapter 11

806 105 1
                                    

Hellyanne pov:

Nag uumagahan ako ngayon sa sala habang nanunuod 5:02 palang naman kase tsaka nakabihis nanaman ako ng uniforme

Ayy kabayong lumilipad! Napalingon ako sa pinto ng may marinig na sigaw

Nang tignan ko ito ay nakita ko yung lalake kagahapon na tinawag na itay at inay sina manang na nakatayo duon, sa itsura nya ay parang gulat na gulat ito

Sinensyahan ko itong lumapit at napangise ako ng dahan dahan itong lumapit

May kabayo palang lumilipad.. Biro ko pero inirapan ako nito kaya iniba ko nalamang ang tanong

Bakit ka nandito? Tanong ko

Kase pinalapit mo ako? Sabi nito ngunit patanong iyon kaya natawa ako ng mahina

Anong tinatawa tawa mo ha!? Sabi nito

Ha? Saad ko

Sabi k-- pinutol ko ang sasabihin niyo at

Hotdog my Tommy... Dugtong ko
Kita ko naman ang pagkuyom ng kamao niya

Seat... Nakangiseng saad ko at umupo naman ito habang masama ang tingin sa akin, siguro pinapatay na ako nito sa isipan niya

What's your name? Tanong ko ule at tumingin sa aking pinanunuod

Ilang sigundo ay wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya nilingon ko sya.... At nahuli ko itong masama paring nakatingin sa akin

Tumikhim ako at tinanong muli sya

Ikaw ba ay anak nina manang? Tanong ko dito habang nakatingin sa kanyang mata ngunit umiwas din naman agad ito at sumagot

Oo but not blood related.. Sagot nito na ikinatango ko

Binalik ko nalamang muli ang aking paningin sa tv

Jester lorenzeno..

Napalingon ako sa kanya ng umimik ito

Iyon ang pangalan ko.. Sabi muli nito na ikinangite ko

Ilang taon kana?

16.. Simpleng sagot niya na kinangunot ng nuo ko akala ko nasa 14 palang sya dahil sa baby face na muka nya

May pasok kaba ngayon kaya maagap din ang gising mo? Tanong ko muli na tinanguhan lamang nito

Teka ang daldal ko ngayon ahh! Hmm siguro dahil magaan lang ang pakiramdam ko sa batang ito

Hindi ba umuwe sina kuya kagahapon? Tanong ko

Yes.. Sagot nito wews english

Mauuna na ako, para makapaghanda na pagpasok. Paalam nito at tumayo na

Tinaguhan ko nalamang sya dahil tumunog ang aking cellphone

Hello Helly..

Why? Tanong ko kay rica

Nandito na kami sa loob ng acad.. Saad nito

Tss sige papunta na ako.. Sagot ko papatayin kona sana ang tawag ng umimik annaman si Rica

Iyahhh nasasanay kana sa linggwaheng tagalog ah.. Sabi nito kaya pinatay ko ang tawag wala namang kwenta ang sasabihin e.

Nagtungo ako sa kusina at nag toothbrush.

Nang matapos ay lumabas ako ng kusina at lalabas nasana sa pinto ng mansion ng makasalubong ko si jester

Pakisabi kay manang naka alis na ako. Sabi ko at binuksan ang pintuan

Bakit itatanong kaba kung asan ka.. Sabi nito na kina tigil ko sa pag labas,hinarap ko ito at Nginitian

Syempre naman. Confident kong sabi at pabalibag na isinara ang pintoan tsk

Nagtungo ako sa grahe at kinuha ang aking sasakyan.
Tulog pa si mang nando kaya naman ako nalang ang mag dradrive, hehehe..

Sumakay ako at pinainit ang makina bago pinaandar
Binuksan ng guard ang malaking gate at tuluyan na akong nakalabas sa mansion

Habang nag mamaneho ako ay may nakita akong sasakyan na mabilis ang takbo kaya naman napangise ako ng may maisip na magandang ideya

Wala namang masyadong sasakyan na dumadaan kaya why not

Binilisan ko ang takbo ng aking sasakyan hanggang sa magkapantay na kami, tinignan ko ang bintana para makita kung sino ang may ari ng sasakyan ngunit tainted ang bintana katulad ng sasakyang gamit ko ngayon kaya hindi makikita kung sino ang taong nasaloob at nakasakay duon

Mas binilisan ko ang aking sasakyan hanggang sa malampasan kona iyon

Napangite ako ng malapad at naisantinig ang

Wala talagang makakapantay sa kabilisan ko pagmamaneho.. Nakangiseng sabi ko

"Beef"beef"

Napalingon ako sa aking bintana ng may marinig akong bumusina

Pumaskil ang maliit na ngiti sa aking labi ng makitang kapantay kona ang sasakyang kinakarera ko lang kanina

Mas binilisan ko ang andar ng aking sasakyan at ganuon din sya

- Few minutes -

Napangise ako ng malaki ng mauna akong makatapak sa acad
Kasunod ko lamang ito

Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat tsaka lumabas
Nang lumabas ako sa aking sasakyan ay nakita kopa ang paglingon ng mga taong papasok sa loob ng acad

Nakangise kong tinapunan ng tingin ang may ari ng sasakyang kinakarera ko kaganina

At lalo akong napangise ng makita kung sino ang taong nasa loob ng kotse na iyon

Nagtagpo ang aming mga mata at nagkatitigin ng ilang segundo bago sya umiwas sa aming titigan

Tumalikod na ako at napa iling-iling na naglakad patungo sa aming building

Nang makarating ako sa tapat ng aking section o silid aralan ay ginamit ko ang aking hearing ability para marinig ang kanilang pinag uusapan sa loob, alam ko naman ang salitang privacy pero alam ko kaseng may pina plano sila laban sa akin kaya karapatan ko din namang alamin kung ano yon upang hindi ako mapahamak

Nang malaman ang kanilang plano ay pumunta ako sa terrace, kalapit lang naman ng aming section.
Sinampa ko ang railings at nilakad ito hanggang sa makarating sa bintana ng aming room

Mabilisan kong kinatok ang bintana at umatras pa abante ng kaunti upang hindi mahalata na may tao dito at syempre isineald ko muna ang mana kong kaunting nakapalibot sa akin

Ilang segundo lamang ay may nagbukas ng bintana kaya chance kona ito para gawin ang planong nabuo ko

Iminwesta ko ang aking hawak hawak na red paint at agad itong itinapon sa nagbukas ng bintana

FU¢K! Rinig kong sigaw nito agadan akong pumasok sa bintana at nag back flip

Nang maka landing ako ng maayos ay may ngite sa labi ko silang tinignan isa isa

Huling dumapo ang aking tingin sa lalakeng nabuhusan ng pinturang pula, napakasama ng tingin nito sa akin wari'y handa na akong sugudin slash patayin HAHAHA

and i think sya yung bookworm sa kanilang grupo pero ang galing niyang mangarera hah.

What the hell did you do?! Galit na sigaw nito at hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako dahil nakita ko ang pagpula ng mata nito saglit dahil inawat ito ng kanyang mga kaibigan

" Calm down bro " pagpapakalma ni kiro ata at hinawakan nya ito sa balikat ngunit tinabig lamang ito ni bookworm shhs limot ko pangalan e

Tinignan ako nito ng napakasama bago naglaho sa aming harapan

Umupo nalamang ako sa aking upuan na parang walang nangyare

Saktong dating din ng aming professor kaya nagsi upuan na ang aking mga kaklase

Nawala tuloy sa isip ko na kikitain ko nga pala ang aking mga kaibigan, umm mamaya kona lang siguro pupuntahan yung mga ugok

End of chapter 11~~

The Girl In Section V (entered B.N.U)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon