Chapter 27

483 21 3
                                    

Third person :

Lahat ay nakahanda na patungo  sa teritoryo ng kalaban

Habang ang dalagang si hellyanne naman ay nasa loob na ng kahon na kahoy na yamot na yamot na dahil sa banas

Lumapit ang kaniyang mga kaklase sa kahon at kinatok iyon ni Jady bago nagsalita

"Ayos ka lang ba jan helly?"

"Putcha bilisan nyo ang pag galaw daig nyo pang pagong! sobrang banas dito!" Inis na sagot na pa sigaw ni helly na siyang kinatawa ng mga lalake maliban kay miko na napailing lamang

"Eto napo mahal na reyna" Sabay sabay na saad ng lahat na siyang kina irap ni helly sa loob ng kahon

Hinawakan nila ang isa't isa kasama na doon ang kahon kung saan nandon si helly bago nagteleport sa likod ng palasyo ng kalaban

"Kapag pumalpak ang plan A, gawin ang Plan B" Seryosong saad ni miko sa lahat na tinanguhan nila

"Lovey, be careful" Saad ni miko sa isip ni helly, napa pitlag pa ng kaunti si helly dahil don

"O-Oo naman, ikaw din, be safe. Papakasalan pa kita" Sagot ni helly sa isip ni miko, akala ni miko ay nagbibiro ang babae sa huling salita pero hindi. Napangite ng patago ni miko

"Be careful, V's" Saad ni miko sa lahat at doon nag simula na ang kanilang plano

Nagpalit ng anyong katulong babae si Leoan at wonoo at nag punta sa tapat ng malaking pinto bitbit ang kahong kahoy

"Teka, code" pigil sa sakanila ng mga kawal na nagbabantay

"Elebres" sabay na bigkas nila at doon Binuksan ng dalawang kawal ang malaking pinto

Naglakad ang dalawa habang bitbit ang kahon, Nagpalinga linga ang dalawa para ma siguro kung may mga nagbabantay pa at wala naman kaya nakahinga sila ng maluwag

Nagtungo ang tatlo sa maid quarter ng bodega, Agadang Binuksan ng dalawa ang kahon at bumungad sa kanila ang tulog na babae

Napa ngite ang dalawa bago napagpasyahang gisingin

Agad na tumayo ang babae at nag unat "Nasaan ang bihisan?" Tanong ng babae, nagkatinginan ang dalawang lalake bago inilabas ang pang maid na kasuotan. Inabot iyon ng dalaga.

"Kitain ka nalang namin sa trono helly" Saad ni Jady na tinanguhan naman ng babae, lumabas ang dalawa kaya naiwan mag isa ang babae

Nang matapos magbihis ay lumabas nadin agad siya at hinanap ang daan patungong trono
Habang Naglalakad siya ay madaming katulong ang napapa lingon sa kaniya pero agad ding napapa iwas ng tinitigan sila pabalik nito

"Anong ginagawa mo dito katulong" puna ng kawal na nagbabantay sa labasan ng trono

"Ako ang pina dala ngayon upang pagsilbihan ang hari" Sagot ng babae at agad naman nakumbinsi ang lalake "Sige, hintayin mo na lamang ang hari papunta nadin naman siya" Saad ng lalake at pinapasok niya ito na ikina ngise ng dalaga ng palihim

"Boplex naman nito" Sa isip ng babae at maingat na inilibot ang paningin sa loob ng makapasok

Wala pa nga ang hari, tanging dama at kawal lamang ang narito good thing is maunti lamang sila kaya madali ko lamang silang mapapatulog mamaya..

----------------
Sa kabilang banda naman ay nag suot ng pang kawal ang natirang section v at dumaan sa likod ng palasyo

Naghiwa hiwalay sila at inisa isang pinatumba ng walang ginagawang ingay ang mga kawal na tagumpay naman nilang nagawa

Nang ma secure na wala ng kawal sa likod ay Tuluyan na silang pumasok, kada mapapansin nilang may kawal ay agad silang pumupunta sa likod nito at ginigilitan o pinapatulog nila ito

"Mauna na ang iba sa pagpunta sa Trono" saad ni miko sa isip ng kaniyang nga kaibigan na sinang ayonan ng lahat

Tatlo ang na unang nagtungo doon habang ang natira ay tahimik na pinapatumba ang kalaban nang sa ganon ay mabawasan ang kalaban mamaya

Naalerto ang mga kawal gayon din ang section V ng makarinig ng pagsabog

"May nakapasok daw na kalaban!"

"Nasa loob daw ng silid na trono ng hari"

Mga sabi sabi nila na kina teleport ng lahat sa silid na iyon

Bumungad sa kanila si helly na walang malay na nakahiga sa sahig, nawalan ng emosyon ang mga muka nila

"Sabi konaba nga ba't darating kayo" Saad ng lalakeng may suot na korona, kalapit nito ang anak niyang lalake na nakatingin kay Kyleix na nangungusap at nag aalala

"Narito kami para wakasan ang kasamaan mo" Malamig na saad ni Kyle

Napuno ng tawa ng hari ang silid "Sa tingin ninyo matatalo n'yo ako"

"Hindi lang tingin dahil sigurong sigurado" Sagot ni Jady na may hawak na espada, ngumite ng mapang uyam ang hari

"Atakehin" Sigaw ng hari at doon nag labasan ang kaniyang mga bampirang alagad

Nagsi handa ang section V at nagsitanguhan sa isa't isa

Nauna ng sumugod ang section v habang ang hari ay nakangiseng nanonood lamang na hindi namalayang nawala ang kaniyang anak sa kaniyang tabi.

-------------
So ayon nga war na this after war iyak na this haha jk.

Goodluck sa mga mag eexam, kaya natin to ^^










The Girl In Section V (entered B.N.U)  Where stories live. Discover now