-Chapter 17-

650 90 8
                                    

Third person pov:

" Morning to all students! So hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, section V and section herivel come here to the front " sambit nito

Nagsi tayo ang section V at section herivel sa kanilang kinauupuan at nagtungo sa unahan kung saan naroroon ang golden Eye

Tahimik ang lahat ng estudyante, nakasubay-bay sa mga mangyayare
Lahat ay kinakabahan ang iba naman ay nasisiyahan

Aizer- sambit ng mc

Lumapit si miko sa golden Eye at Hinawakan ito, nagliwanag ng ilang segundo ang golden Eye bago biglang nagsalita ang golden Eye na kina tulala ng mga baguhan

Your opponent is yros -

~Paalala, Aizer is the real name of miko~

Napatingin ang lahat sa malaking screen sa harapan, lumabas duon ang pangalan ng maglalaban.

Nagtama ang mata nina Aizer at yros, ngumise ng nakakaloko si yros na kina unit ng ulo ni Aizer

"Sa larong ito ay walang rules" sambit ng mc

"Basta't pagka natapos na ang oras ay tapos na ang paglalaban, kung walang matalo, mahusay pero kung may matalo mas mahusay" dugsong nito, hindi naiintindihan ng iba ang sinabi nito pero mas marami ang naka intindi

Alam na nina Aizer at yros ang gagawin kaya nagtungo sila sa train-ground, bago sila pumasok at sabay sabay na sumigaw ang mga kaklase at manonood

"Aizer kaya mo yan!"
"Talonin mo yan!"
"yros Galingan mo!"

Mga sigawan nila, pero napatigil ang lahat ng sumigaw ang dalagang si helly

"Goo miko SARDINES, Huwag na huwag kang magpapatalo, sa labas kita patutulugin makuha mo!"

Tahimik ang lahat wari'y may dumaan na anghel hanggang sa tumikhim ang mc at doon lahat natauhan

Pumasok na ang maglalaban sa trian-ground
Habang papasok duon ay namumula ang pisnge ni Aizer na parang sinampal habang si helly naman ay ngumunguya ng bubblegum at walang pake sa kaniyang isinigaw

"hindi mo naman sinabi sa akin na may girlfriend kana Aizer" sambit ni yros ng makapasok sila ng tuluyan sa train-ground

"Tsk I don't have and don't call me by my name" masungit na sagot ni Aizer na ikina tawa ni yros

"hindi kapa din nagbabago" nakangiteng sabi ni yros

"Why would I change, this is me" sagot ni Aizer

Nagsi handa ang dalawa ng tumunog na ang oras

"This time I will beat you miko" malamig na sambit ni yros

"Do it, not just words" walang emosyon na balik ni Aizer

3...2... Hindi pa natatapos ang bilang ng sumugod na agad si yros

Pinalabas nito ang kaniyang ice sword at nagteleport sa likodan ni Aizer, iwinasiwas niya ito ngunit mabilis itong maiwasan ni Aizer

Agad na bumuo ng blakfire sword si Aizer ay pinata a ito kay yros, hindi masyadong naka Iwas si yros kaya natamaan siya sa pisnge

Hinawakan ni yros ang kaniyang pisnge at tumawa, pinunasan niya ang maliit na sugat sa kaniyang pisnge bago mabilis na sinugod si Aizer, habang si Aizer ay prenteng nakatayo lamang at walang emosyong nakatingin kay yros

Swish- tunog ng pagbaon ng sword

Ngumite ng malawak si yros ngunit naglaho iyon ng may magsalita sa kaniyang likodan

The Girl In Section V (entered B.N.U)  Where stories live. Discover now