Trouble 19

21 5 0
                                    

Chapter 19: Poisoned

Liane

"WHY? I DON'T GET IT. Why am I the chosen one?" 

Buong buhos ko sa aking emosyon sa sandaling 'to. Naiiyak na ako sa eksena namin. Tumuntong pa ako ng isang baitang sa hagdan sabay taas ng aking kamay na parang may inaabot akong isang bagay sa ere.

"CUT!" The director shouted. Lahat ay napapalakpak at napapasigaw matapos ang aking pagtatanghal sa practice. "Good job, Liane!" The director added.

Napangiti naman ako at agad kong binaba ang hawak kong mga script.

Gosh! Finally, tapos na rin ang practice ngayong araw.

Bumaba ako sa stage at inalalayan naman ako ni Kuya Roland na maingat hinawakan ang aking kamay habang bumababa sa hagdan.

"My gosh, Liane. Ano na lang gagawin namin kung wala ka!" bungad ng direktor nang makalapit ako rito.

"Thank you, Mr. Director." Sambit ko. Ningitian ko na lamang siyang muli at nauna nang naglakad. Katabi ko naman ang aking parang alalay na si Millie.

Nasa likuran ko lamang ito habang dala ang isang bote ng tumbler, towel, at mga papel ko.

Buti na lang at natapos na rin ang practice namin ngayon. P'wedeng-p'wede na akong gumala. Nakakataranta dahil ilang araw na lang at magtatanghal na kami para sa show of the year ng school namin.

I'll be playing Alice in our own version of Alice in Wonderland. Hindi ko alam paano naisip ng writer ang storyline, pero sobrang bonggang ginawa nila sa version na 'to. Ang daming plot twist at ang dami ring revelations na ginawa.

Kaya no'ng nalaman kong may pa-audition sila, hindi na ako nag-atubili pa at sumali na rin ako. Good thing at ako ang napili ng lahat kahit hindi sakto sa hitsura ng totoong Alice ang naiisip ng direktor namin.

Kumbaga, nadaan ko lahat sa akting at galing kong mangumbinse.

Napangisi na lang ako sa aking mga naiisip.

"Millie, uwi ka na. Palagay na lang ng mga gamit ko sa car. Magbabanyo lang ako," utos ko rito pero napatigil siya at tiningnan ako.

"Eh, Ma'am Liane, hindi po ba kayo magpapasama?" She asked politely.

I rolled my eyes at her. "'Di ba, I told you na dumiretso ka ng car? Sinabi ko bang magpapsama ako sa'yo? Just go! Nakakawala ka ng mood!" Pagtaboy ko rito at padabog na umalis sa kanyang harapan.

Grabe, hindi niya talaga naintindihan ang mga sinabi ko? Like, is it really hard?

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at nagtungo sa banyo ng mga babae.

Papasok pa lang ako nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa loob lalo na't nagpatay sindi ang ilaw at nakakarinig pa ako ng ingay mula sa mga nagpupunding ilaw.

Like, that's so hella creepy!

I tried to ignore it and continued walking to the available cubicle. The moment I closed the door, agad kong ibinaba ang suot kong jeans at naupo sa ibabaw ng toilet.

Naiiihi na ako kanina pa.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba pero most of the time, ang banyo ng babae ay minu-minutong may gumagamit pero iba ngayon. Parang wala man lang pumapasok para gumamit. Ramdam kong nag-iisa lang talaga ako ngayon.

Kahit tingnan ko ang ilalim ng mga pintuan ng cubicle ay wala akong nakikitang paa sa sahig. Wala ring gumagamit ng mga salamin. 'Yong tipong nag-me-make up sabay aura dahil may kolorete na ang pisnge.

Trouble With Myself (Peculiar Series #1)Where stories live. Discover now