Prologue

170 16 7
                                    

-———-««۝»»———-

Prologue

-———-««۝»»———-

I always ask myself why I'm always here? Why was I born?

Mga tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan.

Bakit?

Bakit pa ako nabuhay kung may problema ako sa aking sarili na hindi ko mabigyan ng solusyon?

Why am I always fighting myself to the point of wanting to end it?

My questions to myself that are still unanswered.

Ano nga ba ang punto nang pagkabuhay nating mga tao sa mundong ibabaw kung mismong mamatay rin lang tayo?

Ano ang punto na gusto pa nating mabuhay kung mismong ang daming dagok na darating sa atin?

Minsan ba natanong mo sa iyong sarili kung ano ang rason kung bakit nabubuhay ka sa mundong 'to?

What is your purpose and why are you here?

-———-««۝»»———-

NAPATIGIL ako sa pagsusulat sa aking aralin nang may narinig ako mula sa kusina. Mariin akong napapikit nang mas lalong lumakas ang pagkalabog ng mga gamit. Rinig ko ang pagkabasag ng mga babasaging baso, pagkalansing ng mga kubyertos at pagtilapon ng mga plato sa pader.

Hanggang sa hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang naririnig ang sigaw ng aking lasenggong ama na kagagaling lang sa inuman sa kabilang baryo.

Kanina pa siyang umaga na wala sa bahay at hindi man lang ako binigyan ng pera pambili ng pagkain. Kaya simula umaga ay nagtiis lamang ako sa isang kutsarang asin at kakaunting pirasong kanin. Mabuti na lang at maraming tubig sa aming jar dahilan para hindi ako mauhaw. Hindi rin sapat ang pangangalakal ko kanina para makabili ng uulamin. Ayaw ko rin makulangan ang aking alkansya para sa pag-aaral ko.

Hindi ko alam kung bakit ang hilig ng ilang kalalakihan sa alak gayong may masama itong dulot sa katawan. Kaya ngayon ay umuwi si papa na lasing at nagdadabog sa kusina. Gusto ko siyang sigawan... sagut-sagutin... pero hindi ko magawa dahil sa sandaling gawin ko 'yon ay bugbog ang aabutin ko o kaya ay higit pa roon. Kaya mas minabuti na lang na itikom ko na lamang ang aking bibig kaysa masaktan.

"Hoy, Ez-Ez! A-Anong u-ulam?!" sigaw niya kahit medyo nauutal. Nakayuko siyang pumasok sa sala habang inaantay ang aking sagot. Nakasandal siya sa pader para hindi siya tuluyang matumba.

Nasa harapan ko ang isang platong kanin at nasa maliit na lagayan naman ang asin.

"A-Asin po, papa," kinakabahan kong sagot. Napayuko na rin ako dahil sa kabang nararamdaman. Alam kong wala sa saktong huwisyo ang aking ama kaya hindi na ako magtataka kung makalipas lang ang ilang segundo ay makakarinig na naman ako ng sunod-sunod na sermon.

"Asin?! Putang ina! Ano ang gagawin ko riyan sa maalat na bubutil na 'yan?! Bumili ka nga roon ng sardinas! Nagugutom ako!" sigaw niya na siyang dahilan ng pagkabog ng aking dibdib.

Ganito palagi si papa kapag lasing. Laging naninigaw at walang tigil sa panenermon hanggang sa may hindi na siya magandang gawin.

Mabilis kong pinunasan ang aking pisnge dahil alam kong ipapabili niya ako ng sardinas sa kabilang baryo at kay lalim na ng gabi. Tanging isang gasera lang ang meron kami.

At sa oras na umalis ako ay malabong mahihirapan akong makabalik dahil masyadong madilim sa labas at ang hirap mangapa sa dilim. Malayo pa man din ang tindahan at baon na baon na kami sa utang.

Trouble With Myself (Peculiar Series #1)Where stories live. Discover now