Chapter 2: Second Earth

15 4 0
                                    

CALYNN

Binuksan ko ang aking mga mata at napansin kong nasa loob ako ulit ng kotseng sinasakyan namin kanina, pero imbes na nasa front seat ako, nasa likod na.

Napahawak ako sa ulo ko kasi hanggang ngayon, sumasakit pa rin ito.

Lahat ng nangyari kanina... yung outlander... si Sir Lester... tapos ang tungkol sa another world...

Was it all a dream?

"Salamat at gising ka na," rinig kong sinabi ng pamilyar na boses. Tumingin ako sa driver's seat at nandun si Lester, nagmamaneho.

So it wasn't a dream.

Totoo pala yung mga nalaman ko. Napaka-imposible pa rin kasi para sa akin ang mga nangyayari.

It's hard to believe that a world of magic exists.

Sumilip ako sa labas ng bintana, at madilim na ang langit at puno na ito ng mga bituin.

Marami ding mga street lights dito at skycrapers, di tulad sa siyudad na tinitirhan ko.

Nakatira lamang kami sa isang municipal kung saan wala masyadong mga matataas na mga building.

Kami lamang na pamilyang Belmonte ang may ala mansyon na bahay dun.

So wait, where is this?

"San ito?" Tanong ko kay Lester.

"We're in Australia."

Nanlaki ang mga mata ko.

So we're actually out of the country right now? I never thought about it. Ilang oras na ba akong natutulog??

"It's been six hours. Seven na ngayon," dagdag ng kasama ko.

Mas lalo pa akong nagulat. So kanina na pala ako natutulog?

Pero parang wala akong naalala sa mga nangyari. Ang alam ko lang ay may nakapasok na malakas daw na outlander sa airport.

Natalo ba ito ni Lester?

Pagkatapos ng ilang minutong pagbibiyahe, wala na kami sa siyudad at dumaan na sa isang daanan na napapalibutan ng mga puno.

Wala na ring street lights at tanging ang ilaw ng kotse lamang ang nagbibigay liwanag.

This again?

Pumasok kami sa isang madilim na tunnel na tila di mo makita kung anong nasa dulo nito.

Parang nakakatakot ito tingnan kasi walang ibang dumadaan dito kundi kami lang.

"Ito ang gateway papunta sa Second Earth," pagpapaliwanag niya.

What? Itong tunnel na to ay isang gateway papunta doon?

Akala ko naman papasok kami sa isang magical portal o kaya magpabangga sa isang truck eh.

Sabagay, para walang makakahanap sa kanila na mga tao o outlander, kailangan nilang magpunta sa Second Earth nang nakatago.

Pero nakakatakot naman dito. Nakakaramdam ako ng malalamig na hangin sa iba't ibang direksyon. I really really don't like this place.

Sigurado ba siya na sa tamang daan kami?

"Are you sure this is the way? Parang may nararamdaman akong tumitingin sa atin," sabi ko. And sa mga movie, usually that's not a good sign.

"Huwag kang mag-alala. They're what you call poltergeists," pagpapaliwanag niya. Poltergeist? Wait, does he mean...?

"Umaatake sila ng mga tao, but if you're a magio and they detected that you're one, di ka rin nila gagalawin. That's why ordinary humans can't enter here."

Twelfth Catalyst: Bully's Another World Therapy [Deftrais Academy]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum