Chapter 10: Shinka

18 3 0
                                    

CALYNN

  "Mauna na ako!" Sigaw ko kina Lian at Millie, nagtataka kung bakit ako nagmamadali.

  "I-ingat..."

   Hindi naman sa late ako since hapon pa ang aming klase, pero may urgent lang akong puntahan.

Kainis kasi ang lalakeng yun! Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin?! Matutulog pa sana ako nang matagal. Like I'm too tired these past few days, and I couldn't be able to sleep at this free time.

  Binuksan ko ang pinto at nakita ko mismo si Lester na naghihintay sa akin, nakasakay mismo sa isang magic na walis. Not gonna lie, he looks so stupid in his set up. Pero at least, hindi simple na walis ang design nito. Para tuloy itong motor.

  "Good morning," bati niya habang inirapan ko siya. Padabog akong lumapit.

  "Am I supposed to ride on this?" Tanong ko na may pataas pa ng kilay. Tumango lang siya at may malawak na ngiti. He's really pissing me off right now.

  "Don't worry, this is safe. And I have flying license," sabi niya. Di ko sure kung mapagkatiwalaan ko yung nonsense niya.

  This broom is not even that safe, how the heck he can pass a flying license??

  Pero since ilang beses na niya ako iniligtas mula sa kapahamakan, not to mention siya lang ang guidance counselor ko, I supposed this won't be too bad.

  Sumakay na ako sa kanyang likod kaya gumamit na siya ng magic para gumalaw ang walis. Kumapit ako nang mahigpit nang bigla na kaming lumulutang.

  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at napapikit na lamang. Now, I regret making this decision.

  "Hold on tight," yun ang huli niyang sinabi at lumipad kami nang napakabilis.

  "AAAHHHH!"

  Di ko mapigilang sumigaw nang napakalakas at mas kumapit pa sa kanya. Naramdaman kong tumulo ang aking luha.

  I know this is a bad idea! Fvck, why did I even agree to this??

  Ilang minuto na ang nakalipas at tumigil na ako sa kasisigaw at pagpanic. Binuksan ko na ang aking mata at napagmasdan ang napakalawak na tanawin.

  Since napakababa namin, puros lamang mga bubong ng building ang nakikita ko, but still, the scenery is beautiful.

  "It's nice, isn't it?" Biglang sabi ni Lester. Di ko na lang sinilip ang kanyang mukha. Tsk. Looks like he win this time. It's not like I admitted into liking this.

  "Gusto kong makita mo rin ito, Calynn..."

  Sa wakas ay bumaba na kami sa Coiras Building, kung saan ang director's office. Sa lahat ng mga academic building dito sa Deftrais, ito ang pinakamalaki.

  Since may naka-provide na landing area sa bawat building at bawat floor ng buong Deftrais, madali lang kaming nakarating sa pinto nito.

  May dalawang guard na nagbabantay sa pintuan, na may nakaka-intimidating na mga tingin sa amin. It feels like they wouldn't let us in.

  "We're here in the request of the academy director," bigkas ni Lester at inilabas ang isang papel out of nowhere. Ni di ko man lang siya nakitang kinuha 'to.

  Kinuha ito ng isa sa mga guard at bigla niya na lang ito sinunog gamit ang kanyang magic. Pumasok na kami sa pinto at bumungad sa akin ang isang malawakang office.

  Maraming book shelves ang nakatayo sa gilid ng room. May couch sa tabi at may malawak na lamesa sa kabilang side, nakaharap sa malawak na bintana. Mayrun namang isang malaking purple stone sa gilid na naka-display lamang. Is it a portal stone?

Twelfth Catalyst: Bully's Another World Therapy [Deftrais Academy]Where stories live. Discover now