Chapter 6: Start of Classes

10 3 0
                                    

CALYNN

Kinabukasan na at unang araw na ng klase. Sinabi ko kina Lian kahapon ang aking section kaya sumabay na lang kami ni Millie. Great. Now I have to babysit this girl ngayong wala si Lian.

Pumasok na kami sa first class namin which is Magic Control. Pag-abot ko sa room, kakaunti lamang ang tao dito to the point na di pa nakalahati ang mga upuan. Karamihan din sa kanila ay ang mga kasama namin na kumuha ng entrance exam.

Nakita ko rin ang lalakeng nanliliksik ang mga mata kanina. Parati na lang siyang nakatitig sa akin. Crush niya ba ako?

May isa ring babaeng may pink na buhok na may hairpin na nakatingin sa akin. Ang ibang mga lalake ay sinusubukan siyang kausapin. Hmp. I can't believe I'm encountering another girl that will make my skin crawl again.

Nahuli niya ako na nakatingin sa kanya at binigyan niya ako ng malawak na ngiti. Just who is she?

Pagkalingon ko sa aking kanan, nakita ko rin si Eur na mag-isa sa dulo, nakayuko.

Come to think of it, di ko rin alam kung paano siya napunta dito sa academy. Di ko naman kasi siya nakita sa exam pero parang bagong estudyante rin siya.

Nakita niya ako kaya napalapit rin siya sa akin na tumatakip pa sa kanyang mukha.

"G-Good morning, Miss Calynn..." Bati niya.

Tumango lamang ako. Ang weird na nakikipagkaibigan na siya kaagad sa akin. We just met like two times.

Bumati rin siya kay Millie sa aking tabi, habang nginitian siya ng bata.

Humanap kami ng aming pwesto. Malapad ang kwarto ikumpara sa normal na classroom. Kahit walang bintana, may pumapasok pa rin na hangin. Puti lamang ang nakikita dito. So this is a white room.

May pamilyar na lalake na pumasok sa kwarto at nang makilala ko siya, nanlaki ang mga mata ko.

"Nice to see you again, Miss Calynn." Banggit niya sa pangalan ko na may malawak na ngiti, dala dala pa rin niya ang kanyang suitcase.

Sinabi niya nga sa akin na magtuturo siya dito sa Deftrais, pero di ko naman in-expect na magkikita kami agad-agad. Not to mention, isa pa siya sa mga professor ko.

"Good morning, Lester."

Bumati rin ang dalawa kong kasamahan at sumunod na rin ang ibang mga kaklase namin.

"Good morning, I'm Lester Velasco and I'll be your professor for this year under the section 25V."

Paliwanag niya. Basically, sa isang section ay iisa lamang ang professor na magtuturo sa lahat ng subjects, maliban sa mga subject na under sa isang department.

"Since this is a first day, let's have an orientation first. Pero gusto ko munang malaman kung anong mga attribute niyo. I'll call your name, then you'll introduce yourself and tell me your attributes. If you can show it, the better."

Bigla na lang nag-move ang mga upuan at table paatras, nag-iwan ng malaking space sa unahan. Isa-isa namang tinawag ni Sir ang mga pangalan namin.

"Aliah Estralis."

Agad namang tumayo ang babaeng may pink na buhok at naglakad papunta sa harapan na tila isa siyang prinsesa. Ang iba naman ay nagsimula nang magtsismisan.

"Siya diba yung may Light Spirit Blessing sa ceremony?"

"Yep, si Aliah Estralis. Pagkakaalam ko, galing lamang siya sa maliit na village."

"Sigurado ba kayong di siya nag-rig ng ceremony?"

Humarap siya sa amin.

"Hello, I'm Aliah Estralis. 19. From Linnes. My elements are Light, Plant, Earth, and Water. Nice to meet you," sabi niya at yumuko.

Twelfth Catalyst: Bully's Another World Therapy [Deftrais Academy]Where stories live. Discover now