Chapter 5: First Day

10 3 0
                                    

CALYNN

Kinabukasan, umalis na kami sa dorm para sa first day of class namin.

Di naman masyadong malayo ang academic buildings sa dorm kaya nilakad na lang namin ito.

Mukhang di rin naman magkakaroon ng klase sa unang araw dahil may opening ceremony at welcoming of new students pa kagaya ng mga paaralan sa Earth.

Pumasok na kami sa loob ng gym kung saan gaganapin ang opening ceremony. Napakalawak talaga nito at kasyang-kasya talaga lahat ng tao, pati ang mga faculty.

Pumunta kami sa upuan ng mga new student na nasa harapan. Ang mga seniors naman ay nasa likod.

Sa pagitan ng mga upuang yun, maraming mukha ang nakilala ko.

Sila yung mga nakita ko sa entrance exam. Isa na dito yung lalakeng nanliliksik ang mga mata. Nakita ko rin yung elf na na-bully kahapon.

Umupo na rin kaming tatlo at nagsimula na ang ceremony.

Wala naman masyadong nangyari maliban sa awarding ng outstanding students at speech ng isang alumni.

Pagkatapos nun ay ang welcoming of new students kung saan bibigyan daw ang estudyante ng isa sa kanilang spirits ng isang blessing gamit ang Zasera's Torch.

Ako na ang tinawag para sa seremonya. Umakyat ako sa stage at humarap sa lalakeng nakasuot ng robe at fez.

Para siyang pari sa pananamit niya. Ang tawag sa mga kagaya niya ay high wizards.

Nang itinapat na sa akin ang Zasera's Torch para bigyan ako ng blessing, nakakita ako ng silhouette ng isang lilang diyamanteng nagpalutang sa apoy nito.

Masyado itong mabilis para makita ng mga mata at mahuhuli mo lamang ito kapag malapit ka at naka-focus.

Ano kaya yun?

"Calynn holds the blessing of..." Mag-aanunsiyo na sana ang high wizard kung ano ang natanggap kong blessing, pero tumingin lang siya sa akin nang malungkot.

What happened? Why is he not saying anything?

May iilang taong nakatingin sa aking direksyon na tila nag-aalala, nagtataka sa nangyayari, o na-iirita kasi napakatagal ko dito sa stage.

Napansin kong nakatingin rin sa akin ang lalake at ang elf, pati na rin ang iilan sa faculty, nararamdaman kong nakatitig sa akin.

Di ko alam kung anong problema nila. Could it be na nakita rin nila yung silhouette sa torch?

Nilapitan ako ng high wizard at binigyan ako ng ngiti, well, a fake at least.

"Ija, babalikan ka na lang namin, ha. Bumalik ka muna sa iyong upuan," sabi niya kaya sumunod na lang ako.

Hindi niya man lang sinabi kung ano ang blessing na nakuha ko. I'm sure there's something in that torch.

Ipinakita na rin ang blessing ni Lian which is ang Plant Spirit. Sunod naman ay kay Millie kung saan binigyan siya ng Electric Spirit. Ang elf naman ay may blessing mula sa Water Spirit.

Twelfth Catalyst: Bully's Another World Therapy [Deftrais Academy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon