Kabanata 2

2.1M 46K 30.2K
                                    

Warning: spg

———————————-

Kabanata 2

I Couldn't


Nakapasok kaagad ako sa elevator na punong puno ng tao. Siniksik ko talaga ang sarili ko kahit na ngumingiwi na sa akin ang mga katabi ko.


Nang nakita iyon ni Logan ay dumiretso siya sa kabilang elevator. Nagsara ang pintuan at umangat na iyon. Mabilis ang takbo ng puso ko. What does he want? Why does he have to follow me? Well, obvious na ako ang hinahabol niya.


Nang nasa tamang palapag na ay agad kong itinulak ang pintuan para makapasok sa aming opisina. Taas noo akong nagmartsa patungo sa aking mesa. Kahit na kabado ay nagkunwari akong hindi.


Ilang saglit lang pagkatapos kong maupo ay nakita ko kaagad ang pagpasok ni Logan. Nahanap niya kaagad ako at patungo na siya sa akin ngayon.


Naghuhuramentado na ang dibdib ko sa kaba pero hindi ko parin ipinapahalata. Nagawa ko pang humikab at tumitig sa aking monitor. Wala akong magawa sa furnitures na nakikita ko sa software. Hindi pumapasok ang artistic side ko.


Palapit na siya, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata. Tumigil siya sa harap ng aking lamesa. Nakapamulsa at tinatanaw ako.


"Pretending to be busy, huh?" may bahid na panunuya sa kanyang boses.


Inangat ko ang tingin ko sa kanya at humilig ako sa aking swivel chair. Nangingiti siya. Ang kurba ng kanyang labi ay nakakaakit. 'Wag papaakit, Portia! Tama na ang isang gabi! Alam kong mali iyon. Iyon talaga ang iniiwasan ko! Pero ano na ang nangyari ngayon?


"I'm busy, Mr. Torrealba. What brings you here?" tinaas ko ang isang kilay ko.

Nagtaas din siya ng isang kilay. Mas lalong kumurba ang labi. "You left me that night. That was surprising!"


Luminga kaagad ako sa paligid. Dahil lunch break ay abala ang mga tao sa pagkain sa cafeteria. Pero may iba paring nasa kani-kanilang mga cubicles lang. Hindi kalayuan ay may nagtatrabaho at nakatitig sa kanyang monitor! If this man won't shut his mouth, everyone's gonna hear about my dirty secret!


"Why are you surprised? Hindi ba ay ganoon naman talaga iyon? Are you not used to it? O baka naman ay nagmamalinis ka?"

He groaned. Mas lalo siyang lumapit sa akin.


Ngayon ay napatuwid ako sa pag-upo. I am no comfortable that he's this near to me!


"For a virgin to not ask for commitment after that steamy night, iyon ang nagpagulat sa akin."


Sa lahat ng tao ay ako pa talaga ang mababato ng sinabi niya?


"Why would I? Alam ko namang iyon lang ang habol mo sa akin sa gabing iyon. I'm not blind or stupid, Mr. Torrealba-"

"Logan, please. Portia."

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon