Kabanata 14

1.7M 39.9K 17.5K
                                    

Kabanata 14

I Should


I got preoccupied. Habang tinitingnan ko si Logan na abala sa pagtulong sa paglilinis ay napapaisip ako. Pinilig ko na lang kaagad ang ulo ko. I should stop overthinking. Kung anong mayroong namamagitan sa amin ngayon, iyon na iyong pinag-usapan namin. Walang labis at walang kulang.

Gabi nang nang nag wrap up kami sa venue. Nalaman ko rin na nasa isang dinner party ang mga bata sa loob ng mall. Pagkatapos noon ay uuwi na sila sa headquarters ng foundation.

"Let's go!" anyaya ni Logan sa akin pagkatapos ng lahat.

Tumango ako at naramdaman ang pagkalam ng sikmura.

Sa sobrang abala namin sa trabaho ay nakaligtaan na namin ang pagkain.

"Are you hungry?" tanong niya.

Tumango kaagad ako. "We should eat. I'm sure you're hungry too."

"Are you very hungry? I can cook for us if you want," ngumisi siya.

Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Nagbibiro ba siya o may iba siyang balak? Tumango parin ako kahit na ganoon.

"I can wait. If you really want to cook."

"Ang sabi mo ay ayaw mong kumakain tayo sa mga mamahaling restaurants so let's dine in my condo, then..."

His condo. Ito ang kauna-unahang pagkakataong dadalhin niya ako sa condo niya, kung sakali. It's not against the rules but I really thought this arrangement would mean hanggang hotel lamang ako.

"Okay. Sabi mo, e!" tumawa ako at naglakad na palabas.

Sumunod siya sa akin. Marunong pala talaga siyang magluto. Ano naman kaya ang lulutuin niya? He likes pasta, hula ko ay pasta din ang gagawin niya.

Nang nasa sasakyan ay tinanong ko na siya kung anu-ano ang mga kaya niyang lutuin.

"Mexican, italian..." nagkibit ng balikat si Logan.

"You don't have a cook?" tanong ko.

"We have in our home, Portia. Noong lumipat ako ay ako na lang ang nagluluto ng sarili kong pagkain."

"Kailan ka lumipat?" tanong ko, nagtataka.

"Four years ago," aniya nakatitig parin sa kalsada.

"So you've been living alone for four years, huh?" napatingin din ako sa kalsada.

Kahit na hindi pa kami umabot ng taong magkakilala, may ideya na ako sa ugali ni Logan. Kapag ayaw niyang pag-usapan, nag-iiwas siya ng tingin. I am actually surprised na hindi niya sinabi sa akin kung gaano ka off-limit iyong tanong ko. That's kind of a personal question.

Hindi ko na siya tinanong ulit. Instead, I turned on his stereo. Napatingin siya sa iTouch niyang nasa harap.

"May I?" tanong ko.

Kinuha niya iyon at tinype ng madalian ang password bago binigay sa akin. Ngumisi ako at naghanap ng mga kanta. Napagtanto kong mahilig siya sa mga Alternative Rock base sa kanyang playlist.

Pinindot ko ang isang kantang paborito ko sa lahat ng kanta ng Switchfoot.

"I believe you now. I've come too far. No I can't go back... Back to how it was..." kumanta ako at tahimik naman siyang nagdadrive.

Nilingon ko siya nang kinanta ko ang chorus. Sumulyap siya sa akin, ngumiti, at umiling.

"Yeah this is home!" Tumawa ako nang nakita ko ang matatayog na building sa BGC. "Bakit tayo nandito? I thought we're going to your condo?"

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon