Kabanata 4

1.9M 44.9K 12.8K
                                    

Kabanata 4

I'll Be Waiting


Imbes na magpatuloy sa pagsasayaw ay tinungo ko ang tinutukoy ni Logan. I'm sure hindi siya nagsisinungaling. Para saan ang pagsisinungaling niya 'di ba?


Naaninag ko kaagad si Clyde sa may bar. May kabulungan itong babae. Halos masuka ako nang makita ang labi niyang bahagyang hinahalikan ang tainga ng haliparot niyang kabit. Nawala na ako sa aking utak. Nag dilim ang paningin ko at gusto ko na silang sugurin. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Clyde, live na nakikipaglampungan sa kanyang babae! Lagi ay sa pictures ko lang nakikita!


"Don't do it... Magmumukha ka lang tanga." Hinigit ni Logan ang aking braso bago pa ako magmartsa patungo kina Clyde.

"Bitiwan mo ako!" I ordered. No ones going to stop me from doing this!


Hindi niya ako binitiwan. Imbes ay mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkapit sa akin.


"Bitiwan mo ako, Logan!" mariin kong sinabi.


Ngunit nang ibinalik ko ang aking mga mata kay Clyde at doon sa babae niya ay nakita kong lumabas na sila ng bar. Gusto ko silang sundan ngunit sa dami ng mga taong papasok ay hindi ko na mahanap kung saan sila nagtungo!


"Crap!" sabi ko sabay labas ng bar.


I need to find Clyde and his bitch! But then... ano ngayon kung mahanap ko siya? Hindi rin naman ako pwedeng makipag break? And what would he tell me? Na hindi ko rin naman naibibigay sa kanya ang gusto niya, hindi ba? What the hell?


Napatunganga ako sa labas ng bar. Hindi ko na mahanap doon si Clyde at ang kanyang babae. Kahit sa mga sasakyang nakapark sa harap ko ay wala rin doon ang sasakyan niya.


I feel so damn stupid and helpless. Gusto ko nang tawagan si daddy at magmakaawa sa kanya ngunit alam kong hindi niya rin ako papansinin. Business is everything to him!


Natulala ako. I should have brought my car. Kung bakit pa kasi ako sumabay na lang kanina kina Tessa? Jade's stupid idea got me again!


Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan ang tanging taong makakaintindi sa akin. Dis oras na ng gabi at alam kong maiistorbo ko si mommy pero kahit saglit lang ay gusto ko siyang makausap.


Narinig ko kaagad ang boses ni mommy sa kabilang linya. I can't help but feel good. Hindi pa siya natutulog!


"Mommy!" bati ko, panandaliang nakalimutan ang nangyari kanina.

"Portia, kamusta?"

Bumuntong hininga ako. Agaran ang pagkakaalala ko kung bakit ako napatawag.

"Nasa isang bar ka ba?"


Kahit na nasa labas na ako ay naririnig parin ang dagungdong ng musika sa loob tuwing may pumapasok doon. Lumayo ako ng bahagya para makausap si mommy ng maayos.


"Wala na po. I called because..." I couldn't put it into words. "I saw Clyde with a girl today..."

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon