ALEXA
"come on alexa seryoso ako sayo " seryosong sabi ni marcus habang nakaakbay sa akin hinalikan pa niya ang balikat ko
nilingon ko siya para makita ang mukha niya lasing na ba siya
nandito kami sa isang bar dahil birthday ng isang kaibigan namin kaya nagcecelebrate kami ngayon
"marcus I'm sorry ok .. hindi ako pumapatol sa kaibigan " natatawang sabi ko
kanina pa siya nagpaparamdam ng iba na parang gusto na niyang lumevel up ang kung anong meron kami
yes we kiss,we do things na para sa mga magkarelasyon pero we both agreed na hanggang dun lang yun were ok naman sa tanda ko ay dalawang buwan na kami sa ganitong set up
"cut the crap ! alam mong seryoso ako sayo.. i swear magiging maayos tayo " pagsisiguro ni marcus at hinawakan pa ang kamay ko
"what are you saying?.. ok I'm sorry but..you're not my type " natatawang sabi ko
kita ko ang gulat sa mukha niya sa pagsasabi ko ng totoo at tila hindi makapaniwala pero yun naman ang totoo it's just for fun akala ko game siya
nagulat ako ng agawin niya ang mismong bote ng alak sa kamay ni clark at tinungga iyon mukhang nasira ang mood niya
pinagtaasan ako ng kilay ni clark na parang sinasabing anong ginawa ko
i just shrugged at inis na lumipat sa ibang table ng mga kasama din namin sa table na para sa aming mga girls
hay naku i thought were cool that no string attached kagaya din naman pala siya ng iba na gusto din ng label
i have to admit marcus is good looking guy galing sa magandang pamilya at oo bago kami nagsimula ay alam ko namang may pagkaseryoso siya kaya nga siguro nachallenge ako sa kanya pero duh! ayoko ng commitment sa kahit na sino
ayoko ng pakiramdam na may nagbabawal na sa mga gusto kong gawin ano sila parents ko
"hey ! what did you do to marcus ? " tanong ni stella
kagagaling lang niya lang din sa pinanggalingan kong table kanina
napatingin ako sa table ng mga boys at pinalilibutan na nila ang nakabusangot na lalaki as if i care
"come on stella alam mo kung anong meron kami " balewalang sagot ko lamang
di naman sekreto sa kanila ang meron kami at alam din naman nilang ganito na talaga ako simula ng maging kaibigan nila ako umasa siguro sila na magiging kami na ni marcus dahil siya ang unang pinatulan ko sa mga kaibigan namin
"hay naku gurl bakit kasi hindi mo muna subukan .. alam mo namang matino ang isang yun " sabi pa niya
kami ang pinakavibes ni stella actually siya ang girl bestfriend ko nasa abroad pa lang kami at kagaya ko ay nagmomodel din siya
"eww! naririnig mo ba ang sinasabi mo ?! " eksaheradang sabi ko kaya napatingin na sa amin ang mga kasama namin sa mesa
"maka-ewww! naman kala mo naman di kayo French kiss " natatawang sabi ng kaibigan ko
kaya naman tinukso na ako ng iba pa naming kaibigan alam na kasi agad nila kung sino ang pinag uusapan namin
"and we know,we both enjoy it.. ang ayoko lang naman ay commitments alam mo namang allergic ako diyan " nakangising sagot ko sabay inom ng alak
![](https://img.wattpad.com/cover/310765304-288-k409435.jpg)