chapter 4

74 8 21
                                    

ALEXA

'ATE ? ' pagkatok ni jem sa pintuan ko ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan

Lumingon ako sa bahagyang nakabukas ng pinto ko at naroon siya . Puno ng pag aalala siyang nakatingin sa akin

'pasok ka ' ani ko para hayaan siyang tuluyang makapasok

Pumasok naman agad siya at tinabihan ako sa kama. Mabilis din siyang yumapos sa akin

'Ayos ka lang ba ? ' puno ng pag aalalang tanong agad niya sa akin

Matapos ang pag uusap namin ni Enrique ay umuwi ako agad at nagkulong na sa kwarto. Alam ko na alam niya iyon kaya siya nandito

'Yeah.. bakit naman hindi ? ' sabi ko naman at pilit pang ngumiti sa kanya para ipakitang ayos lang ako. Ngunit alam ko namang iba pa rin talaga ang mababanaag sa aking mga mata

'Sabi kasi ni kuya..' may pag aalinlangan aniya at hindi na nagpatuloy

Years have passed and they are still close to each other. Nakakatawang isipin na walang nagbago sa kanila sa amin lamang talaga ang sobrang nagbago

'Close pa rin talaga kayo no ? ' sabi ko lang. Malakas siyang napabuntong hininga sa sinabi ko

'Ate naman alam mo namang kapatid na talaga ang turing namin sa isa't-isa isa hindi ba ? ' pag papaintindi niya pa sa akin

Alam ko iyon. At hindi naman talaga ako galit o ano pa man. Naiinggit siguro .. oo ganun nga

'Alam ko naman yun...' sabi ko lamang muli sa kanya

Natahimik kami pareho matapos ang ilang sandali. Alam ko na tinitimbang lamang ni jem ang nararamdam ko kaya hindi siya makapagsalita ng marami

'Ate galit ka ba sa kanya ?' Pagbasag muli niya sa aming katahimikan

Ako naman ngayon ang marahas na napabuga ng hangin. Galit nga ba ang nararamdaman ko? Sa totoo lang ay hindi ko sigurado

'Jem it's still hurts dito..' puno ng pait kong sabi at itinapat ang isang kamay ko sa aking dibdib

Masakit pa rin talaga. Kahit ilang taon na ay parang kahapon lang

'Maraming tanong na walang sagot tingin mo ba wala akong karapatang magalit ? ' parang wala sa sariling tanong ko pa muli

Hindi siya nakapagsalita at muli kaming natahimik na dalawa. Hanggang sa ang pananahimik naming dalawa ay napalitan ng mahina at walang ingay naming pagluha. Dinamayan niya akong iyakan muli ang aking lungkot at sakit na nadarama

'I love you ate.. I'm always right here for you.. ' aniya saka ako yinakap muli ng mahigpit





'O.M.G!! So you are serious dating him na ? ' stella finally had the chance to ask. Kanina pa kasi kaming magkakasamang tatlo pero tutok ako sa cellphone ko at hindi sila maharap

'Hmm..' tumatangong sagot ko at sumimsim na sa iced coffee ko
.

'Wow ! that's new baby .. but I'm happy for you, Ric is a nice guy..' hindi rin mapigilang komento ni clark

'And so gwapo..' segunda muli ni stella

I can't just contain my happiness lalo na't supportado ako ng dalawang kaibigan ko ngayon sa kung anong nararamdaman ko. Specially now na tungkol ito sa napipintong pagpasok ko sa isang seryosong relasyon. Yes seryoso because i really feel different about this

ENRIQUE MBS#3(on-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora