chapter 5

84 7 11
                                    

ALEXA



'Wow it's so beautiful here ' manghang-manghang ani ko habang nililibot ng aking mga mata ang napakagandang paligid


Weekend ngayon at nagplano kaming magdate ni Enrique dahil tiyempong pareho kaming clear ang sched ng dalawang araw


Ang sabi niya ay dadalhin niya daw ako sa isang maganda at relaxing na lugar and we are now here ... Tagaytay is one of the best place na masasabi kong the best puntahan kung gusto mo talagang magrelax bukod sa tanawin,pagkain at malamig na klima ay talaga namang payapa din ang lugar na ito. Perfect pa dahil hindi ganun kalayuan. Kaya naman hindi na nakapagtatakang maraming nagpupunta dito


'Like it ? ' tanong nito ng nasa likod ko na siya . Kasabay din nito ay naramdaman ko din ang pagpatong niya ng jacket niya sa balikat ko


Nasa teresa kami ngayon sa isang vacation house nila na aming tutuluyan. Ninanamnam ang tanawing kagandahan ng bundok taal

'Seryoso? I love it here.. ' nakangiting sagot ko agad sa kanya hindi pa rin maalis ang mga mata kong napagkit na sa tanawin habang lumalanghap ng napakasariwang hangin


Yumakap siya sa akin mula sa likuran bago ipinatong ang baba sa balikat ko. I love it here now evenmore.. this kind of place and of course with him by my side.. i feel like .. i am home


'This my very first property na naipundar ko gamit ang dugo at pawis ko ' kalaunan ay pagsasalita niya matapos kaming matahimik na dalawa . Tila pareho kaming panatag ngayon na kami lamang dalawa


'Dugo at pawis talaga ah.. ' natatawa ko namang pang aasar sa kanya


Para naman kasing talagang kailangan niyang maghirap para lamang makuha ang mga gusto niyang bagay. Eh alam naman namin pareho na lumaki na siyang nakukuha nito lahat ng naisin niya


'Hmm..Si Dad ang nakabili nito pero dahil alam niyang sobrang nagustuhan ko to, he then offer it to me.. ' kalmante pa ri niyang pagkukwento kahit inaasar ko siya


'At para bayaran to nagsimula din akong magtrabaho sa Aurelia Palace bilang staff muna bago ko maabot ang kung nasaan ako ngayon.. ' pagpapatuloy pa niya

My smile froze for while tila hindi ko mapaniwalaan ang kwento niya. Siya naging staff lang ng hotel nila paano i mean..


'Wow! Nagtrabaho as staff as in ? ' talagang gulat na tanong at agad siyang nilingon para makita kung talagang seryoso ba siya sa sinasabi niya

Nakangisi ito sa akin at tila natatawa sa reaksyon ko at mukhang alam niya rin na hindi ako naniniwala. Hinigpitan niya pa ang yakap sa akin bago muling magsalita


'Yup bell boy ganun.. ' may ngiti sa labing sabi pa niya

Hindi ako makangiti o makatawa sa sinabi niya dahil alam kong marangal na trabaho naman iyon at hindi dapat gawing katawa-tawa

Nakita niya ang pagseryoso ko at sa ilang buwan na naming magkakilala ay alam kong alam niya na hindi ko ugaling mangmaliit ng tao. I'm maybe a brat sometimes pero nataniman naman ako ng mga magulang ko ng mabuting asal kahit na papaano

'Mama always reminds me to be humble.. walang maliit o malaki sa mga taong nagsusumikap that's what she always says.. ' seryoso na muli niyang pananalita

I also agree to that. And now that he mentioned his mother ay alam ko na mabigat na ito para sa kanya


Mula sa pagkakatalikod ko sa kanya ay umikot ako paharap para magtagpo ang aming mga mata. Walang nagbago sa ayos namin nakayapos pa rin siya akin pero ngayon ay magkaharap na kaming dalawa

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 13, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ENRIQUE MBS#3(on-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora