.Six

458 21 9
                                    

"15 All! Ang HOT mo bebeh ko!" Sigaw ni Candy na nagsilbing scorer ng laro. 

Kumendeng kendeng ito na may kasamang kumpas ng kamay, siguro exotic ritual dance ang ginagawa niya. 

Maraming inikutan siya ng mata, mostly mga babaeng nag-ccheer sa amin habang ang iba ay hindi makapaniwalang tatawa-tawa. 

Medyo pinapawisan ako dahil sa init pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod, tikom ang aking bibig habang pansing hinihingal na ang mga kalaban naming lalaki. 

Madilim ang awrang sinamaan ko sila ng tingin, maski sila Kassandra ay hindi ko tinapunan ng tingin dahil naiirita ako sa panghahamon nila ng laro kahit hindi naman pala sila marunong. 

What's that for? Para bigyan ng live-show itong mga kutong lupa na 'to? 

Yes, pang pageant nga ang mukha nila and pang runway ang katawan pero kailangan bang ibalandra sa lahat? 

Naiinis ako kapag naiisip na pinagpapantasyahan siya ng iba. 

"Jusko friend, nakakahiya talaga si Bakla, ang galing mo kasi Bestie." Pinahid ni Cynthia ang kanyang pawis at nagpalinga-linga. 

"Let's finish this game, Cyn." Sabi ko habang tagong sinenyas sa kanila ang gagawin naming play. 

Simula ng pumasok kami ni Cynthia sa laro, dalawa lang ang naipuntos ng kalaban at dahil pa 'yon sa service error nila Bea at Cathy. 

Madali namang naintindihan ng dalawa ang gusto kong mangyari sa laro kaya walang problema. 

Maasahan naman si Cynthia sa laro, kahit hindi siya maka-spike ay nare-receive niya at naise-set ng maayos ang bola, samantalang marunong din ang kalaban ngunit confident ako sa teamwork namin. 

"Need na need na natin tapusin girl kasi yung tingin sayo ni Boss, gustong-gusto ka na niyang iuwi." Bulong ni Cynthia. Napa-palatak ang aking dila. 

"Umuwi siya mag-isa." Saad ko habang hinahawi ang buhok na kumawala mula sa pagka-ponytail. Di nagtagal ay nairita parin ako sa hiblang humaharang sa mata ko kaya tinanggal ko ang tali, sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay at iniayos ulit ang pagkakatali. 

"Ang hot nga ni Ember-" 

"Sexy naman niya-" 

"Dati ko pa girl crush yan-" 

"Anakan mo ako, Ember!" 

Napahalakhak ng malakas si Cynthia. 

"Magre-resign 'yon mamaya, friend." Nguso niya sa taong nanonood pero hindi ko siya pinansin at buong lakas na pinalo ang bola sa lugar na walang tao. 

Naghiyawan pa lalo ang mga nanonood at nagcheer sa amin. 

Kung patamaan ko kaya ang mga kalaban namin sa mukha ay makakalimutan kaya nila na nakita nila ang katawan ni Kassandra? 

Maybe. 

Let's try. 

Naka-tatlong puntos pa kami dahil sa patuloy na pag-spike ko, sinusubukan kong tamaan sa mukha pero tinatakbuhan na lang nila o sinasalag ng katawan. 

Hingal na nagtinginan at nag-usap ang mga katunggali namin, at di kalaunan ay sumigaw: 

"W-We give up! We give up!" 

Kunot ang noo kong pinagmasdan ang kalaban naming hinahabol ang hininga at may namumulang braso at katawan. 

Napapalatak nanaman ako, dapat ay iniangat ko ng kaunti para sa mukha tinamaan. 

Insomnia (GxG-Mature-Filipino English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon