. Idyllic

305 11 5
                                    

"Bakit pinili niyang saktan ang taong mahal niya kaysa lumaban kasama ito? Why is he choosing the convenient way? Akala ba niya magiging okay na ang lahat dahil naprotektahan niya ito?" Reklamo ko habang nakalabing tinuturo ang pinapanood naming korean movie. 


Nakakafrustrate manood kapag ganito ka selfish ang bida, hindi niya mahal ang girlfriend niya kundi, mahal lang niya ang sarili niya. 

Nakahiga at nakasiksik si Kassandra sa tabi ko, malikot ang kamay nitong humahawak, humahaplos at pumipisil habang abala ako sa panonood. 

Nakakaidlip ito pero paminsan minsang nakatunghay, pinagmamasdan ang reaksyon ko habang humihimas at mas nilalapit pa ang katawan sa akin. 

Gusto ko yung ganito kami kalapit sa isa't-isa at malamang nakakatulog siya ng maayos. Nag-aalala ako dahil halos wala na itong pahinga kakatrabaho. 

"Maybe the guy chose to lose her now than to lose her forever due to uncontrollable events." Hinarap ko ang CEO at nakitang seryosong nakatitig na ito sa akin pero hindi nagtagal ay hinalikan ako sa labi at ngumiti. 

She's stunningly beautiful, I'm sure there will be a brigade of male that will be jealous if they see her with me. 

"I don't want to watch dramas, can we switch to comedies instead?" Wika ko habang nakayakap dito, isiniksik ang aking ulo sa kanyang leeg habang ginagawaran ito ng mumunting mga halik. 

Ang bango talaga niya. 

Napaungol siya ng mahina at tinapik ang aking likod. 

"But I want to see you watching seriously. You're so adorable." I admit that it made me blush, I responded 'Bolera' and gently bit her collarbone. 

She whimpered and kissed my lips sweetly. 

Bakit ba ang ganda nito? Minsan napapakurap na lang ako habang natutunaw sa titig niya. Sounds cliche but I really do. 

"What do you want to do today? Let's eat outside and do anything you want." 

Ikinulong ko ang pisngi niya sa aking mga palad at umiling. 

"Kailangan mo pang magbawi ng tulog, nag-overtime ka and stressed sa work." She pouted. 

Oh come on, maganda na nga ang cute pa niya. Who can say no to that face? 

"Got enough sleep, I prefer having a date with you. You deserve to experience and enjoy beautiful things more than what your heart could ever ask for. I'm here to make it happen. Let's go." She gave a chaste kiss, winked and went out to prepare as I was left alone incredulously gaping. 

How can I not fall for her more if she's this sweet?  

Mahirap makahanap ng taong isasacrifice ang oras niya and convenience para mabigyan ka or ang relasyon nyo ng oras. Iyon pa naman ang kahinaan ko. 

Napabuntong hininga ako, napangiti at nag-umpisa naring gumayak.

Nakaw pansin talaga si Kassandra kahit saan kami pumunta, simple lang ang suot niya, naka-beige shirt, pants and sneakers pero parang artista ang awra nito sa dami ng napapahinto at tumititig dito. Ang iba pa ay lumalapit para magpa-picture, mabuti na lang at nakabantay ang guards niyang nakabihis rin ng kaswal. 


Hindi niya binitawan ang aking kamay, pinipisil pa niya ito minsan at hinahaplos ng kanyang mga daliri. She also treated me to a feast, lahat na ng gusto kong pagkain inorder niya. She also serves me with food, opens the door for me and makes sure we walk on side by side. 

After eating, we went to the archery range since this is my favorite sport to play. Hindi ako magaling pero kapag nire-release ko ang arrow, naalis ang tension and stress ko. I wanted her to try it too. 


For the first five minutes, my arrows flew within the targeted circle but it didn't hit the center. I'm happy with that. Napansin ko namang lahat ng arrow ni Kassandra ay nasa labas ng circle, bandang kanan. Hindi nga ito tumama sa loob ng target pero sobrang precise naman ang pag-land nito sa iisang lugar. 

Nahuhuli ko rin itong nakatingin sa akin habang naglalaro. She's not focusing on her play instead she gives me soft smiles.  Geez, pwede ko na ba siyang iuwi?

Dumarami narin ang taong nanonood sa amin, humahanga sa kagandahan ng kasama ko. 

May narinig akong asaran na liligawan nila ang CEO at kung ano-anong inappropriate na bagay. Napatigil ako at tinignan sila ng masama ngunit ikinatuwa pa yata ng dalawang lalaking papalapit sa amin. 

Kung titignan ay matitipuhan ito ng mga ibang babae pero hindi ko gusto ang ngiting sumisilay sa kanilang mga labi. 

"Hi ladies, can we join you?" Napaismid si Kassandra habang intinatabi ang bow sa lalagyan nito. 

"No." Mukhang nabaliw pa sa tuwa ang dalawa ng makita kami sa malapitan. 

"Sige na, thirty minutes lang. We will treat you after. Anywhere you want!" Sabi ng pangalawang unggoy. 

"Get lost." Angil ni Kassandra na nakahawak na sa aking kamay. 

"Grabe ka naman Miss, parang isang game lang. Pataasan na lang ng points, five arrows lang. Kapag natalo mo ako, aalis na kami." Nakangisi nitong tugon. 

Napasinghap ang mga nanonood at nagbulungan. I don't like this at all, lalong lalo na ang panghahamon nila. 

I whispered "Let's go, hon." Pinisil ang kamay ni Kassandra pero she is eyeing the man dangerously. 

"Okay but if you lose, I don't want to see your faces again." Napapikit na lang ako at pinanood sila. 

Kahit matalo si Kassandra, binabalak ko na itanan siya, I mean nakawin siya mula sa mga perverted na lalaking ito.

"Ladies first, right?" She proceeded to shoot all her arrows. 


Napanganga kaming lahat sa nakita...








All her arrows went straight to the center. She's amazing, a pro no doubt. I didn't expect she could play this well.


With last smug look at the guy, Kassandra held my waist as we exit the range.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Insomnia (GxG-Mature-Filipino English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon