CHAPTER FIFTEEN

550 17 2
                                    

My Sunday looks different from the Sundays that I used to be, kung noon ay mic ang hawak ko at abala ako sa mga gawaing pang church, ngayon ay abala na ako sa pamimili ng mga groceries at gamit ng mga bata sa school. Iniwan ko ang mga groceries sa baggage counter ng mall bago ako sumaglit sa National Book store para hanapin ang pabili ng mga anak ko na gagamitin nila sa Monday. Nang makuha ang lahat ng aking kailangan ay dumeretso na ako agad sa counter para magbayad, nag mamadali ako dahil plano kong magluto ng lunch ng mga bata at sabay-sabay na kaming kakain sa bahay. Iniwan ko lang kasi sila kasama si Bok pero mamaya ay aalis na rin si Bok dahil may seminar sila ni Cedy sa Cebu at mamayang also tres ang flight nila.

"Miss p'wede bang mauna ako? isang ballpen lang naman ito," nabato ako sa aking kinatatayuan nang may marinig akong pamilyar na boses, hindi ko iyon p'wedeng makalimutan sa tinagal na panahon naming hindi nagkita ay hindi ko pa rin malilimutan ang malalim at parang bagong gising niyang boses.

Napalunok ako ng aking sariling laway at parang tuod na tumayo at nakipag titigan sa cashier na nasa counter, hinihintay ko siya na i-compute ang lahat ng aking pinamili. Pero ang atensyon nitonay nasa likod ko.

"Miss?" nakagat ko ang ibabang labi ko nang muling tumawag ang lalaki, ako ba ang kausap n'ya?

"Look Kuya, nagmamadali ako," sagot ko nang hindi tumitingin sa direksyon ng lalaking nagmamay-ari ng pamilyar na boses.

"Ate paki total na lahat ng sa'kin."

Saka pa lang kumilos ang babae, mabilis kong binayaran ang mga pinamili kong gamit, wala akong ibang gusto gawin ngayon kundi ang tumakbo palayo kay Chaste. Kagabi lang ay pinag-uusapan namin siya ng kaniyang anak tapos eto? andito s'ya ngayon?!

"A-Aesira?" halos pabulong na tanong ni Chaste nang makilala niya ako habang nilagay ng bagger ang aking mga pinamili sa loob ng isang eco bag. Hindi ko pinansin si Chaste, dali-dali akong naglakad palayo sa kaniya at humalo sa mga taong nasa mall. Alam kong nangako ako sa mga bata na kakausapin ko ang Tatay nila at sasabihin ang tungkol sa kanila pero hindi muna sa ngayon, hindi pa ako handa.

Inabot ko sa lalaking naka duty sa baggage counter ang number ko upang makuha ang lahat ng mga pinamili kong groceries, plano ko pa sanang magtingin ng sapatos ng mga bata pero dahil nandito si Chaste ay pinagpaliban ko na lang muna. Sa ibang araw na lang siguro.

"Where do you think you're going?" nakataas ang kilay na tanong ni Chaste habang mahigpit na nakahawak sa aking pala-pulsuhan.

Mautak talaga ang siraulong nilalang, dahil inaabangan ako nito sa pintuan ng elevator. Hindi nga ako gumamit ng escalator dahil sa tingin ko ay malaki ang chance na magkita kami roon pero heto at ang hudas na Tatay ng mga anak ko, nakaharang sa dadaanan ko habang mahigpit na nakahawak sa pala-pulsuhan ko.

"Home," simpleng sagot ko, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil ang gago kahit ilang taon na ang nagdaan, guwapo pa rin!

"You are just leaving like that? Na parang walang nangyari?" tanong ulit niya, bakas sa kaniyang boses ang pagka-inis.

"Bakit? Anyare ba?" pilosopong tanong ko na siyang lalong kinainis nito sa akin.

"After all those years Aesira, really?! Tinakbuhan mo ako sa kasal natin for goodness sake! Tapos ngayon ano? Aalis ka nanaman ng walang pasabi man lang?!" mariing anito, siguro kung kami lang dalawa ay baka nasigawan n'ya na ako but he's doing his best to control his anger dahil nasa mall kami.

"Aalis na ako," matabang na sambit ko. "Okay na nagpaalam na ako."

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Chaste, sinamantala ko ang gulat niya, mabilis kong inalis ang kamay nitong nakahawak sa aking pulsuhan saka mabilis na naglakad palayo sa kaniya kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.

"Humanda ka sa aking babae ka kapag nagkita tayo, mata mo lang ang walang latay!" kinilabutan naman ako sa pahabol niyang iyon pero pinili ko na lamang na huwag pansinin dahil ibang latay ang rumerihistro sa madumi kong pag-iisip.

"Sana huwag na tayong magkita pa Chaste, Hindi ko na kakayanin pa."

My prayer wasn't heard when Monday came, matapos kong maihatid ang mga bata sa kabilang school ay nagpatawag naman ng urgent meeting ang Principal ng Gardner College para sa lahat ng mga teaching and non teaching staff. Eight ang call time at five minutes late na ako, inabutan ako ng rush hour at ng mga estudyante na nagmamadali kaya naman nagkakaubusan ng dyip at talagang sobrang traffic sa daan.

"You're late Miss Montereal," natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nagsalita. Wearing his three piece suit mukhang kagalang-galang na naka-upo sa isang swivel chair si Chaste, parang hindi ito ang lalaking nag alok sa akin noon na maging f*ck buddy niya. What the hell is he doing here by the way?

"Since kumpleto na tayo, let me introduce to you my friend and also a share holder of this school, Chaste David Dela Torre," tumayo si Chaste sabay bow at wave ng kaniyang kamay sa lahat ng teachers, lihim akong napa-irap nang masulyapan ko ang ilang mga teachers na kinikilig habang bumabati si Chaste sa kanila.

Matapos bumati ni Chaste sa lahat ay nag-umpisa na rin ang meeting. Nag report ang bawat teacher na may advising class ng bilang ng kabilang estudyante, nagpasa na rin kami ng aming lesson plan for the whole semester. Pagkatapos ng meeting ay mas nauna pa akong tumakbo patungo sa pintuan upang iwasan si Chaste.

"You stay Ms. Montereal, I have some important matter to discuss with you."

Napamura ako ng malutong sa isip ko nang marinig ko iyon mula kay Chaste. Tumabi ako sa pintuan para makaraan ang mga kasamahan kong teacher dahil nakaharang ako daan nila. Tinaasan ako ni Chaste ng kilay nang napatingin ako sa direksyon niya. Wala akong nagawa kundi maupo muli sa swivel chair na dalawang dipa ang layo mula sa kaniya. Lalo domoble ang kaba ko nang makita kong tumayo si Mr. Aquinas.

"I'll be leaving now Chaste, may hinahabol pa akong appointment at 11," nakipagkamay ito kay Chaste bago ito lumabas, nang maisara nito ang pintuan ng meeting room ay halos lumabas na ang puso ko sa loob ng aking ribcage dahil sa nerbyos, sinasabi ko na nga ba, dapat hindi ako nagkakape palagi.

Nanatili akong nakayuko as Chaste cleared his throat , tumayo ito at naglakad palapit sa kinaroroonan ko kaya naman halos mamatay na ako sa kaba hindi ko malaman kung saan ako dapat tumingin, kay Chaste ba na parang haring naglalakad patungo sa kaniyang taga silbi na nakgawa ng matinding kasalanan sa kaniya at anumang oras ay handa ng magbigay ng parusa. O sa kamay at binti ko na walang tigil sa panginginig dahil sa nyerbos at takot sapagkat alam ko sa sarili ko na may malaki akong kasalanan sa lalaking ito kung matatawag ba iyong kasalanan gayong ginawa ko lamang naman iyon upang maalis siya sa sitwasyon na hindi niya gusto.

"Explain!" muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang malakas na ihampas ni Chaste sa lamesa ang isang brown envelope. Mas lalo akong nagtaka nang makita ang nagbabagang tingin sa akin ni Chaste, naka-kuyom ang kaniyang kamao st mabigat ang kaniyang paghinga.

"W-What's this?" binuklat ko ang envelope at ganon na lang ang panlalamig ko, laman ng brown envelope na iyon ang homework ng mga anak ko sa school kung saan pinag drawing sila ng teacher nila ng family tree at nakalagay sa ibaba niyon ang contact info ng mga magulang nila.

"W-Where did you get this?!" kunwari ay kalmadong tanong ko kahit ang totoo ay nagkanda buhol-buhol na ang dila ko para lang makanap ng palusot.

"It doesn't matter where did I get that papers Aesira, I want you to explain everything in details!" galit Ani Chaste ngunit kontrolado pa rin ang pag taas ng kaniyang boses.

"I- uhmm, M-May k-klase pa ako," Chaste didn't give me the chance to stand up agad nitong itinukod ang magkabilang kamay niya sa gilid ng swivel chair na kinauupuan ko, halos ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa, kitang-kita ko ang mga ugat niya sa leeg at ang namumula niyang tainga hanggang mukha dahil sa sobrang galit. Napapikit ako ng mariin nang hindi ko matagalan ang titig niya.

"Nasaan ang mga bata? I want to meet them Aesira, Damn it!" marahas itong umalis sa aking harapan at hinilamos ang dalawang palad sa kaniyang mukha.

"Gusto kong makita ang mga anak ko Aesira? Why do you have to hide them this long? Limang taon? Anak ng walangya Aesira pinagkait mo sa akin ang mga anak ko ng limang taon!" sumbat nito sa akin.

"I could've take care of them kung hindi ka lang umalis noon Aesira!"

To be continued...
SeductiveLau

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now