Chapter Fifteen

115 6 1
                                    

Chapter 15: Trouble AGAIN

~~~
ALEXIAs POV

As usual, everything is back to normal. There will be a sports day the following week, so everyone will be quite busy.

Yung mga ganitong event sa school hindi na bago sakin. Sa dati kong school uso talaga ang sports day. Ang pinagkaiba lang ay buong week lang sa VU. Marami ang mga sports na pinaghahandaan. Basketball, volleyball, archery, chess, dance contest, duo singing, etc...

We are currently having a meeting to check who are those gonna participate in the upcoming events. Tanging archery at quiz bee nalang ang bakante pa.

Obviously, I will not take part of any physical activities. Nakakatamad and boring. Okay sana kung suntukan or bakbakan. Chos!

"Sino na yung may nasalihan na?" tanong ng President naming lalaki

I forgot his name at wala akong balak alalahanin.

Nagsipagtaasan naman ang mga kaklase kong may sinalihan na. Halos lahat ay meron na. Kahit nga ang Dark Knights ay meron na. Sila ang lalaban sa basketball. Tutal lima sila. Kailangan lang nila ng substitutes.

Napakunot ako ng noo ng lahat sila tumitig saakin. The heck?!

"Lexi. Pumili ka ng sasalihan mo sa tatlo— Actually tutal lahat kami ay meron na sayo nalang yung archery dahil yung quiz bee nag volunteer na si Eric"

"Can I decline?" I asked

"No. Final na yun, nalagay kona dito sa papel" sagot niya

Inisnaban ko siya sa inis. Hayts! Nanahimik na nga ako dahil ayoko sumali sa mga ganyan. Imbes na itulog ko nalang sa bahay ang isang linggo. Kainis naman.

Bumuntong hininga ako at hinayaan nalang sila. Siguro di nalang ako dadalo. Bahala na si batman. Kapag sinipag ako edi okay. Kapag naman hinde, malas nila.

After ng meeting ay agad ako lumabas. Half day lang klase ngayon dahil may meeting ang faculty mamayang hapon. Nagyaya sila King na kumain sa labas pero tumanggi ako dahil may mahalaga akong pupuntahan. At ayoko madistract sa gagawin ko.

~~~

BRYCE's POV

Kanina pako di mapakali dahil sa babaeng yun. Saan nanaman ba nagsusuot yun. Nakapatay ang cp niya at hinde ko makontact. Dapat sa babaeng yun tinatali sa upuan. Tss.

"Chill ka lang bro. Umupo ka naman, ako nahihilo sayo eh" irritang sabi ni Zayn

"Tawagan mo nga ulit, Damon" I ordered

Kinuha niya ang cellphone niya at agad tinawagan ulit si Lexi. Napailing ito ng ibaba niya ang hawak na cellphone na asa tenga.

"Out of service. Nakapatay parin yung cellphone niya" sagot pa nito

Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Padabog akong umupo sa couch. Badtrip naman.

"Baka nagbar yun. Naalala ko nanaman yung last time na nakita ko siya sa bar. Gago bro baka makapatay yun or baka nakikipag flirt na yun sa ibang lalaki" pangiinis na tumawa si Zayn

"Pakiss nga ako, Drew" binalik niya itong halikan buti nalang ay agad na naitulak siya ni Andrew

"Hinde tayo talo bro. Kadiri ka pero may point ka doon. Asan nanaman kaya ang babaeng yun" sagot naman ni Andrew

Kanina pa di macontact yun, mag alas otso na pero ni isa man lang text or tawag ay wala. Asan kana ba Lexi?! Hayts!

"Nakita kona!" Sigaw ni Myles

Kanina pa niya kinakpa ang laptop para makita ang bawat cctv na pwedeng madaanan ni Lexi.

Pumunta kami sa tabi niya at tinitigan ang laptop. Kita dito ang isang humaharurut na motor na itim. Para siyang nakikipagkarera, mygad! Paano kapag naaksedente siya.

The Gangster Society: Kings and QueensTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang