War Of Time

21 0 0
                                    


War Of Time
written by: benztitik

They say, love is blind. I guess that was true. I fall in love with a bad guy, na walang ibang ginawa kundi ang pagtripan ako. I used to be his target always, for being a nerdy, a clumpsy, and always alone. After a year, I was confuse why he suddenly change. He acts nicer, kind and caring person towards me. Until... until he confessed that he loves me. He then courted me and I didn't hesitate to give him an answer. It sounds cliché but for me, it's not. Ngayon napatunayan ko na, na totoo pala talaga ang kasabihang, 'The more you hate, the more you love."

Napahinto ako sa paglalakad nang mag red sign ang traffic light. Tapos na kasi ang klase ko at handa nang umuwi sa'min. Marami pa kasi akong kailangang gawin, kaya imbes na sana may date kami ni Yohan, ay ipinagliban ko muna dahil sa hectic schedule ko ngayon.

When the light turns to green, I sigh and continue walking in pedestrian lane. May iilang kasabayan din akong tumatawid ngayon at gano'n na lamang ang gulat ko nang may humawak bigla sa mga kamay ko.

"Miss me, baby?"

A familiar of manly voice. I am too stunned to speak when I finally turned my gaze. I saw how he smiled and wink on me. His eyes, his hands wrapping my waist, lips kissing on mine, and also his hugs. Everything, I miss everything about him.

"Alam ko namang gwapo ako, Xander, mahal ko. Pero sana naman, pansinin mo naman ang laway mong tumutulo na dahil sa kaguwapuhan ko." ani nito habang nakatingin ng diretso sa dinadaan namin ngayon

"Asa ka naman, Yohan feeling pogi!" inis na sabi ko.

He laughed a bit. "Minahal mo naman," mahina, pero narinig ko.

Napailing-iling nalang ako at nabaling ang tingin sa magkahawak naming mga kamay. Wala sa sariling napangiti nalang ako bigla dahil lang sa eksenang ito.

"Bakit ka pala nandito?" Pag-iiba ko ng usapan.

"You cancelled our date dahil sa schedule mo, so I bought this milktea and donughts." saad niya at masayang ipinakita sa'kin ang mga binili niya. " 'Tsaka two days din tayong hindi nagkita, kaya hindi ko matiis na makita ka. No one can stop me from dating you, mahal ko. Kahit busy schedule mo pa 'yan itutuloy ko ang date natin kahit na sa paghatid ko lang sa'yo sa bahay niyo."

Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

Inabot niya naman sa'kin ang isang milktea na siya namang kinuha ko kaagad. Sinubuan niya pa ako ng donught na agad ko ring kinagat. Nahihiya naman akong tumawa dahil sa eksena namin ngayon.

We remain like that. Eksaktong paglubog ng araw ay nakarating na rin kami sa bahay namin.

I faced him. "Dito nalang?"

I saw how he pouted his lips. "I understand," ani niya at kumalas na sa pagkakahawak sa kamay ko.

"I love you," wika ko. Nakita ko lang ang pagtango niya kaya agad din akong tumalikod at nagsimulang naglakad papalayo sa kanya.

Hindi paman ako nakakalayo ay naramdaman ko na agad ang mga yapak niyang papunta sa'kin. Lilingon na sana ako, ngunit huli na ang lahat nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Sa ginawa niyang 'yon ay naramdaman ko ang pamilyar na pakiramdam sa loob ng tiyan ko.

"Just one more minute..." saad niya.

Hinayaan ko nalang siya at hinihintay na kumalas sa pagkakayakap sa'kin. No'ng tapos na siya ay agad ko siyang nilingon at tinignan sa kanyang mga mata. Puno ito ng sakit pangungulila pero hindi ko maintindihan kong bakit.

Varieties Of Love (BL ANTHOLOGY)Where stories live. Discover now