Diamond.
I graduated Valedictorian on our senior high school year. Kylo also graduate with honor which makes us happy. I took Tourism when we turn college. Kylo wants to be a pilot so he pursued it. Gusto niya raw na sabay kaming lilipad sa pangarap naming dalawa.
Wala naman talaga siyang plan for college. Iniisip niya kasing tutulong siya sa parents niya sa pagma-manage ng business nila noon pero ngayon, gusto niya na raw na mag pilot.
Napangiti ako habang nakatingin sa flyers na hawak ko. Tatakbo akong Vice-President ng university ngayon. Si Kylo ay nasa sergeant at arms, hindi talaga siya mawawala sa tabi ko.
"Dito, Hon? Takpan ko kaya 'to?" Singhal niya habang nakaturo sa isang malaking poster ng kalaban namin sa bulletin board.
"Sa kabila na lang. Baka anong sabihin sa atin," sagot ko.
Hindi ko naimagine noon na tatakbo ako bilang Vice-President ng university. Medyo mahiyain kasi ako kahit na mahilig akong sumali sa mga competitions, pero minotivate ako ni Ky kaya sinubukan ko.
Pinipilit din kasi ako ng prof namin dahil sayang naman daw ang pagkakataon. Dapat nga ay President ang tatakbuhan ko pero sinabi kong hindi ko pa kaya iyon.
"Chime, magro-room to room tayo," sabi ni Ate Nina na siyang tumatakbong President namin.
Nasa upper year na siya, inanyayahan niya ako bilang VP niya kasi iyong VP niya raw no'ng nakaraan hindi niya na raw nakakasundo kaya gusto niyang palitan.
"Sige po, Ate."
"Maglunch na muna kayo. After lunch ang sched natin for room to room," sabi niya.
"Nako, nanggigil ako sa kabilang partido. Kung pwede ko lang sapakin, ginawa ko na..." Singhal ni Kylo habang inaamban ng suntok ang sergeant at arms nila na nasa flyers.
"Ky, hindi tama 'yon. Ang sinusulong natin anti-bullying tapos ikaw..."
"Alam ko. Naiirita lang ako. Ang yabang kasi...kapag natalo natin 'yan, buong taon kong pag-iinitan 'yang Carillo na 'yan."
Isang beses kasi niyang nakasalubong sa hallway si Kenneth Carillo. Muntik daw siyang patirin mabuti na lang at nakailag siya. Pasimple niya na lang daw tinapakan ang shoes no'n na latest ng Nike raw.
"Kumusta preparation sa debut mo?" Tanong ni Kylo habang hinahain sa harapan ko ang binili niyang pagkain namin.
"Ayos naman. Nagsukat na ako ng gown," sagot ko.
"Hindi talaga ako sasama?" Nakangusong tanong niya.
Mahina akong tumawa. Hindi talaga siya pinapasama ni Mama dahil surprise raw iyon. Mas matanda ng isang taon sa akin si Kylo. Nagbirthday siya last May. Sinabi niya pa sa akin na dalian kong mag-birthday dahil nagmu-mukha raw siyang Pedophile kahit na isang taon lang naman ang pagitan namin.
"Sabi ni Mama surprise raw iyon. Baka raw hindi ka na masurprise kapag kasama ka," sagot ko.
"Believe me, Hon, kahit naka-pangbahay ka lang mabilis pa rin ang tibok ng aking heart," kumindat pa siya.
Natatawa akong umiling sa kaniya. "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam."
Matapos naming kumain, dumiretso kami sa stage dahil doon kami magkikita ng members ng partido namin. Nakita kong busy sila sa pagbabasa sa nakasulat sa tarpaulin namin. Nandoon kasi ang mga projects namin kung sakaling mananalo kami.
Ngumiti ako sa harap ng mga estudyanteng una naming pinuntahan. "Hi. I am Adasha Chime Morin running for vice-president of our party list."
Pumalakpak sila sa akin. May iba pang narinig kong nagbulungan dahil nakilala ako. Mukhang galing sa school namin noong jhs at shs. Isa-isang inexplain ni Ate Nina ang mga projects namin. Halatang sanay siya rito. Ang sabi niya, aralin ko raw ang ginagawa niya dahil gusto niyang ako ang susunod na magiging president ng university.

YOU ARE READING
Love is Sweeter the Second Time Around
RomanceIn life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is our greatest enemy. Parang lahat kasi ng mangyayari sa buhay natin, nakatadha na-at wala kang magagaw...