Kabanata 29

282 6 0
                                    

Party.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan nang mariin. I saw his eyes speaking on me about his real feelings. Nagsusumamo ang mga ito sa akin at alam ko sa sarili kong pagbibigyan ko iyon.

Sasabihin ko sa kaniya ang tunay na nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat at kapag natanggap niya pa ako—kapag hindi siya nagalit o anoman sa akin, sisimulan kong ayusin ang nasira namin.

"We'll talk about this later, okay?" Marahan kong sabi habang hawak ang mukha niya.

Napapikit pa siya sa haplos ng kamay ko sa kaniyang pisngi. Pumatak ang luha sa kaliwang pisngi niya. Hinatak niya ako para yakapin muli. Parehas na kaming kumalma pero humihikbi pa rin siya. Kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sa akin saka binuksan ang compartment niya. Kumuha siya ng dalawang bote ng tubig doon. Binuksan niya ang isa at iniabot sa akin.

Sabay kaming uminom ng tubig. He gave me time to fix myself. Naglagay lang ako ng pressed powder sa mukha ko at nagpahid ng lipstick sa aking labi.

"Are we going inside your house?" Tanong niya.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. "Kay Maurice muna tayo. This is his day."

Tumango siya. Sinenyasan niya akong lumabas na kaya iyon ang ginawa ko. Malakas ang tugtugan nang makalabas ako ng sasakyan. Maliwanag ang bahay ng mga Fortunato at malalaman mo agad na maraming bisita dahil sa iba't ibang sasakyan na nakaparada sa labas at loob ng bahay nila.

"Let's go?" Tanong ni Kylo.

Tumango ako at ngumiti. Marahan kong kinawit ang kamay ko sa braso niya. Halatang nabigla siya sa ginawa ko dahil talagang huminto siya. Napalunok pa siya nang balingan ako.

I chuckled. "What? Let's go na."

"Hindi ka na makakawala," naniningkit ang mga matang sabi niya sa akin.

Mahina na lang akong tumawa sa sinabi niya. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya. Sabay na kaming naglakad. Their new guard greeted us with a wide smile.

Nakita ko ang mga pamilyar na trabahador nila na napahinto rin nang makita ako. Nanlaki ang mga mata nila at bakas ang galak habang nakatingin sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko para sa kanila. Mahina silang tumili pero walang nangahas na lumapit sa amin dahil dumiretso na si Kylo sa lamesa ng pamilya niya.

"Ma..." Tawag niya kay Tita Kayla na mukhang busy sa pakikipag-usap sa katapat na lamesa.

Humalakhak pa si Tita Kayla bago humarap sa amin. Nahanap niya agad ang paningin ko kaya napangiti ako.

"Chime! You're here!" Malakas na sabi niya.

"Tita, good evening po," nakangiting bati ko.

"Oh my gosh!" She exclaimed.

Ang suot niyang champagne gown ay bahagya niyang itinaas para lang makalakad papunta sa akin. Napaatras pa si Kylo nang mabilis akong yakapin ni Tita Kayla.

"You're so pretty, Hija..." Sabi niya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Who's the girl, Kayla?" Tanong ng kausap ni Tita Kayla kanina.

Binalingan ko si Kylo na nakangiti na sa ina ngayon.

"Oh!" Tita Kayla exclaimed. "This is my soon to be daughter-in-law..." Sabi niya sabay hatak sa akin nang marahan para makita nila. "Kylo's long time fiancee."

Halatang nagulat ang mga iyon sa sinabi niya. Pinasadahan pa ako ng tingin ng iba sa kanila saka tipid na ngumiti sa akin at tumango-tango. It's like they approved me to be with them.

Love is Sweeter the Second Time Around Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang