Kabanata 8

414 5 0
                                    

Eyes.

Sobrang sakit ng katawan ko kinabukasan. Ni hindi ko magawang maglakad. Isang beses lang naman namin ginawa pero bakit ganito ang epekto sa akin?

Nagtoothbrush ako bago marahang bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Kylo na naglalaba sa common bathroom. Kumunot ang noo ko. Anong trip nito?

"Anong ginagawa mo, Hon?" Tanong ko.

Mukhang nagulat siya sa presensya ko dahil napatalon pa siya. Ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang noo gamit ang kaniyang braso.

"Nilalabhan ko 'yong towel kagabi. Awkward kapag pinalabhan natin kay Tita 'yon saka baka malaman," humalakhak siya.

Natatawa ko siyang pinanood. Mukhang hindi pa siya sanay sa ginagawa. Towel lang naman ang nilabhan niya pero puno ng bula ang buong bathroom. Sayang ang sabon... Hindi talaga marunong magtipid ang isang 'to.

Mag-aasikaso sana ako ng breakfast namin pero nakahain na iyon sa lamesa.

Anong oras ba siya nagising?

Naghanda na lang ako sa lamesa saka nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Mabuti naman at no'ng saktong tapos ko maghain, lumabas na siya. Basang-basa pa ang katawan niya.

"Ano ka ba? Naglaba o naligo?" Natatawang tanong ko.

"Practice makes perfect, Hon."

Humalik siya sa noo ko bago ako inalalayan maupo. Sumimsim muna ako sa kape dahil naglalagay siya ng kanin sa plato ko.

"How are you feeling? Sore?" Tanong niya.

Marahan akong tumango. "Bearable naman, don't worry."

Humalakhak siya. "Gusto sana kitang yayain lumabas pero masakit yata katawan mo. So, next time?"

Tumango ako. Matapos naming kumain, naghugas siya ng plato. Siya rin ang naglinis ng bahay dahil hindi niya ako pinapakilos. Hindi naman na sobrang sakit ng katawan ko pero he insists. Nanood naman kami ng movies hanggang sa nakatulog kami. Umuwi lang siya nang dumating na sina Mama at Papa. Mukhang pagod din sila kaya mabilis na nakatulog.

Hindi ko alam kung paanong kumalat sa school na engaged na kami ni Kylo. Maraming nagcongrats sa amin na teachers and students na siyang ikinagagalak ko naman. Pakiramdam ko sobrang healthy ng environment na kinabibilangan ko.

Nanalo ang partido namin sa naganap na eleksyon kaya nagkaroon kami ng kaunting celebration. Nag-inuman kami sa bar no'ng weekend pero hindi ako masyadong uminom. Medyo nagtataka na ako kina Mama at Papa dahil hindi na sila halos umuuwi ng bahay.

Our set-up continued like that. Sabay kaming papasok ni Kylo kahit na hindi kami magka-schedule. Minsan tumatambay ako sa library tuwing nauuna ang schedule niya, minsan naman siya. Swerteng sabay lagi ang out namin kaya walang hassle pauwi. Pinayagan na ring magdala ng sasakyan si Ky kaya hindi na kami nahihirapan magtext kay Kuya Peter tuwing uwian namin. Si Mama at Papa every Sunday na lang nauwi kaya si Kylo ang kasama ko sa buong linggo. Minsan nasa kanila ako, minsan nasa amin siya.

"May plan ba kayo ni Kylo for Christmas?" Tanong ni Mama sa akin habang kumakain ako ng breakfast.

"Wala po. Aalis tayo, diba?" Tanong ko.

Nagplano kasi sina Mama at Papa na pupunta kaming Palawan. Ang sabi ni Kylo, baka raw pumunta siya sa Cebu kasi may aasikasuhin siya sa negosyo nila. Bibisitahin niya rin daw ang pamangkin niya.

"Aalis kami ni Papa mo at may pinapaasikaso sa akin ang boss ko," sagot niya.

"Ha? Hindi po ba pwede sumama ako? May aasikasuhin si Ky e," sagot ko.

Love is Sweeter the Second Time Around Where stories live. Discover now