Sayang.
"Ma!" May kataasang boses na tawag ni Kylo kay Tita Kayla. Napatayo pa siya sa kaniyang inuupuan at saglit na bumaling sa akin bago naglakad papunta kay Tita Kayla.
Napalingon tuloy ako sa kanila. Tita Kayla's eyes widened when she saw me. Mabilis niyang hinawi ang anak na palapit sa kaniya saka nagmamadaling lumapit sa akin.
"Oh my gosh, Chime!" Bati niya sa akin. "Oh my God!" Sabik niyang hinawakan ang balikat ko.
"T-Tita..." Awkward kong bati sa kaniya.
I didn't know how to react. Tita Kayla is a mother figure to me. She's too good to me. Halos ampunin niya na ako at iuwi sa kanilang bahay. Gustong-gusto niya ako para sa anak niya at ang makita siya ngayon na wala na kami ni Kylo, it feels so awkward. Hindi ba siya nagalit sa akin? Hindi ba siya nagtanim ng sama ng loob dahil sa pag-iwan ko kay Kylo? Wala ba siyang mga tanong?
"I missed you so much," unti-unting nangilid ang luha niya bago ako binalot ng mainit na yakap. "Oh my! Ang tagal mong nawala."
"Ma..." Singit ni Kylo.
Inalis ni Tita Kayla ang pagkakayakap sa akin. A warm hand touches my heart when I saw her teary eyes looking at me. Kitang-kita ang sabik, sakit, at panghihinayang sa kaniyang mga mata. This is what I like about Tita Kayla, madali siyang basahin.
"I'm sorry. Namiss lang talaga kita, Chime," sabi niya sa akin bago lingunin ang anak. "Bakit, Ky?"
"Magta-trabaho na kami," malamig niyang sabi.
"Including Chime? Kaya mo namang ayusin 'yang files mo. Do it yourself," sagot sa kaniya ni Tita Kayla nang balingan ang nakatambak na folders sa ibabaw ng lamesa niya
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Matalim ang tingin niya sa anak. Kylo clenched his jaw before looking at me. Mabilis rin naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Tita, it's okay po. Trabaho ko ito," kinakabahan kong singit.
Bumaling siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang braso ko saka kinawit ang braso roon.
"I just want some catch up, Chime..." Ngumuso siya. "Don't you miss me?"
Napangiti ako sa tanong niya. "Of course, I missed you, Tita..." Natatawang sagot ko. "Pero kailangan ko pong gawin ang trabaho ko. Pwede naman po mamaya."
Nanlaki ang mga mata niya at gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi niya. "Talaga?"
Tumango ako. "Opo, Tita."
"Alright. Babalik ako rito, ha? Kapag breaktime mo na, sabay tayong kumain. Nandito rin sina Mauro at Trinity. They are both looking for you."
Nagulat ako roon. Meeting Tita Kayla after years of hiding is already big for me. At ang makita sina Kuya Mauro at Ate Trinity, hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.
"Lalabas na ako, ha? Mamaya babalik ako," ngumiti siya sa akin bago muling humarap sa anak. "'wag mong pahirapan si Chime. Ang trabaho na kaya mo naman, 'wag mong ipagawa sa kaniya. Don't exhaust her."
Ako na ang nahihiya sa sinabi ni Tita Kayla. They are both my boss and hearing her say that is made me nervous. Ayaw kong magkaroon ng special treatment dito dahil lang kilala ko sila. I want to earn money pero gusto kong pinaghirapan ko iyon at deserve kong makuha.
"Ma, I know what I'm doing," malakas na bumuntong-hininga si Kylo, mukhang napapagod nang kausapin si Tita Kayla.
"Tita, ayos lang po. Gusto ko pong gawin ang trabaho na dapat kong gawin," sagot ko.
"Nako, Chime!" Baling niya sa akin. "It's okay, Hija. Kylo survived working here for years without secretary. Kaya niya 'yan."
Huh? He is the president yet he doesn't have secretary before?

YOU ARE READING
Love is Sweeter the Second Time Around
RomanceIn life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is our greatest enemy. Parang lahat kasi ng mangyayari sa buhay natin, nakatadha na-at wala kang magagaw...