Kabanata 15: Bulan

32.9K 2K 2.1K
                                    

[Kabanata 15]

June 18, 2017

SUNOD-SUNOD na dumating ang mga ambulansya. Tumigil ang ilang sasakyan at marami na ring tao ang nakadungaw sa bangin kung saan nahulog ang bus. Patuloy ang pagbagsak nang mahinang ulan habang patuloy na tinatakpan ng makapal na ulap ang araw.

Isang tawag ang natanggap ni Mrs. Santos na siyang may-ari ng patahian kung saan nagtatrabaho si Sabrina. Kasalukuyan siyang nasa Maynila, dali-dali siyang nagtungo sa ospital kung saan dinala ang batang halos ituring niyang anak.

"Sab! Please, wake up!" Sigaw ng babae na napabgsak sa sahig nang iharang na ang kurtina sa emergency room. Agad siyang inalalayan ng dalawang nurse, "N-nasaan ang kapatid niya?" tumingin si Mrs. Santos sa isang nurse, nanginging ang kaniyang buong katawa. "Faye... Faye ang pangalan."

"Ma'am, maupo po muna kayo rito. Nasa ER din po siya." Tugon ng nurse matapos alalayan paupo si Mrs. Santos sa isang tabi. Tumingin ito sa dulong bahagi ng Emergency room kung saan may bakas din ng mga patak ng dugo sa sahig.

Mas lalong lumakas ang ingay sa ospital nang sumigaw ang isang matandang lalaki na nabali ang tuhod. Sa information desk, naroon ang dalawang nurse habang sinasagot ang tanong ng mga police officers.

"Another car accident? Ilan po ang casualities?"

"Fifteen. Nahulog ang bus sa bangin. Sinubukan daw iwasan ng driver ang truck na nag-counterflow," tugon ng police officer, bakas ang pag-aalala sa mukha nilang lahat. "Five of the passengers were dead on the spot."

"Lasing daw ang driver ng truck. Puyat naman ang driver ng bus." Napatingin ang lahat sa driver ng bus na sumisigaw sa sakit. Pilit siyang pinapakalma ng mga nurse at doktor. Nagpatuloy sa pagtatanong ang mga police officers. Nanatiling nakatayo si Aurora sa gilid habang yakap ang isang teddy bear.

Samantala, nagmamaneho papunta sa ospital si Mr. Lacamiento upang dalawin si Aurora. Araw ng Linggo, maaga siyang umuwi galing sa trabaho. Isa siyang executive producer sa isang kilalang kompanya. Nag-umpisa siya bilang isang manunulat at nakatanggap ng maraming parangal hanggang sa makapasok siya sa paglikha ng mga pelikula.

Napatingin si Mr. Lacamiento sa phone niya na kanina pa tunog ng tunog. Tumatawag si Gil, ang kapatid ng yumao niyang asawa. Nagpatuloy siya sa mabilis na pagmamaneho kahit malakas ang ulan. Wala siyang balak sagutin ang tawag ni Gil.

Halos dalawang buwan na ang lumipas mula noong huli silang nakapag-usap. Palagi siyang tinatawagan at pinapadalahan ng text message ni Gil tungkol sa sustento ng dalawa niyang anak. Kamakailan lang, wala pang isang linggo mula nang huli siyang magpadala ay nanghingi na naman si Gil.

Gustong kausapin ni Mr. Lacamiento si Faye upang ipadala na lang nang diretso sa kaniya ang pera ngunit hindi siya kinakausap ni Faye. Hindi rin siya nito nirereplayan sa text. Maging si Sabrina ay wala ring balak kausapin siya.

Nakaramdam siya na pineperahan na lang siya ni Gil. Bukod doon, nagagawa pa nitong magsermon at ipaalala sa kaniya ang mga nagastos nito sa pagpapalaki sa dalawa. Iyon ang naging dahilan ng huli nilang pagsasagutan sa tawag.

Hindi na niya sinasagot ang tawag ni Gil dahil nababatid niya sa sarili na hindi na niya kayang magtimpi. Pinatay niya ang phone habang pinapaharurot nang mabilis ang kaniyang sasakyan dahil sa matinding inis.

Nang maiparada na niya ang sasakyan. Napansin niya na maraming ambulansya sa labas. Sunod-sunod ding dumating ang mga reporters. Naglakad si Mr. Lacamiento papasok sa ospital kung saan natunghayan niya kung gaano ito kagulo. May mga babae at lalaki na umiiyak sa tabi habang kausap ang mga nurse.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon