[01]

210 3 0
                                    

I grew up with two men beside me, my best friends. Tyler Tio and Dave Ildefonso.

Tyler is the eldest in the group, Dave the famous basketball player,  and last but not the least Me the sakit ng ulo nila from Ateneo as well.

Silang dalawa na yung naging pamilya ko as far as I can remember.

I do have parents, pero dahil sa busy ng magulang ko sila na yung naging pamilya ko. Bata pa lang kami magkakasama na kaming tatlo, I know them very well. They know my secrets and I know theirs. Ganun namin kakilala ang isa't isa.

Pre-school to College ba naman kaming tatlo magkakasama siyempre lahat nalaman na namin. At sa ganun namin katagal kakilala ang isa't isa ay never pa kami nag away-away.

Pero feeling ko malapit ko na awayin itong si Tyler. Paano ba naman pinag rereport lang sa class ang dami na, na-seduce na mga babae. "Paano pa kaya if ako pinag report ni professor sa harap ngayon?" Tanong naman ni Dave sa akin na inirapan ko lang.

Ano ba magagawa ko sikat silang dalawa. "Edi bumabaha na ng laway rito sa classroom, if I know hinuhubaran ka na niyang mga yan sa isipan nila." Pag sagot ko sa tanong niya na naiinis.

"Selos ka naman Trixie ko?" Pag tatanong niya pa na hindi ko na pinansin at sinalpak na lang ang airpods sa tenga ko. I don't wanna answer his question regarding that jealous thing because I am a very jealous person, alam na nilang dalawa yan.



Nagising ako sa nag tanggal ng isang airpod sa tenga ko kaya tinignan ko kung sino iyon. Nakita ko si Tyler na nakayuko na humaharang sa sinag ng araw. "Gising ka na Trix, tapos na klase. Lunch na tayo!" Pag aya ni Dave sa akin.

"Are you guys done seducing the whole class?" Irritable kong tanong sa kanilang dalawa habang nilalagay ang libro at notebook na hindi ko naman nagamit sa backpack ko. "Napaka selosa mo, paano kami mag kakaron ng girlfriend niyan kung ganiyan ka?" Tanong pa ni Tyler sa akin habang kinuha yung kasasarado ko lang na bag.

"Si Dave? Pwede naman yan mag jowa. Ikaw? Bawal!" Simple kong sabi habang nag iinat. Nung tuluyan na akong nakatayo ay sabay sabay kami nag lakad palabas ng room. Pero isang professor ang humarang sa amin. Siya yung professor kanina, at nakikita ko yung kinang ng mata niya para kay Tyler na ikinainis ko. Nalalandian kasi ako sa kaniya, like she's old and she wants my friends like, eww!!

"Mr. Tio, ang galing mo mag report ahh. Next time ikaw ulit ang tatawagin ko dagdag points yun for you." Pag sasalita pa nung babaeng professor. Napatawa naman ako, habang binubuksan yung lollipop na kakakuha ko lang sa bulsa ko. "Wow, you are just gonna bribe him so you can flirt huh?" Nagulat naman siya nung nag salita ako kaya tinignan ko si Tyler na nag kibit balikat lang. "Look at you Miss, unbottoned blouse just to reveal your cleavage. Then you just bribe him na bibigyan mo siya ng extra points."

"Trix, it's not like that. Ms. Reyes is just being generous at me." Pag tatanggol ni Tyler sa professor namin na ngayon abot langit na ang ngiti. Akala mo ready na mamatay sa pag bibigay attention ni Tyler sa kaniya. Tsk!

Tapos nang hindi pa naalis yung professor namin sa harap ko ay lalo ako nairita kaya nilingkis ko yung kamay ko sa bewang ni Tyler. At tumingin sa mata niya na parang sinasabi 'go with the flow, ka lang sa akin.' Nakuha naman niya yung gusto ko iparating kaya ayun nilapit niya yung mukha niya sa akin nung malapit na mag lapat labi namin ay kumaripas ng takbo pa alis sa harap namin yung professor. "See sabi sa'yo nilalandi ka nun eh. Yuck!" Sa irita ko malapit ko na maubos yung lollipop na nasa bibig ko.

"Tama na nga yan kalokohan mo Trixie tara na. Wala na naman tayo mauupuan sa cafeteria." Pag hila sa akin ni Dave sabay ng pag tapon niya sa lollipop ko. "Ang gago, bakit mo tinapon?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Kaya kinuha ko yung pack ng cigarettes ko na nasa bulsa ko rin at kumuha ng isang stick na nilagay ko sa labi ko at akmang sisindihan pero kinuha rin agad yun ni Dave. "Sinasabi ko sa'yo Ildefonso. Pag ako hindi nakapag pigil sa galit masasabunutan kita."

"I told you, hinay hinay sa yosi." Pag papaalala niya pa na malakas ako mag yosi pero inirapan ko lang siya. "Kung hindi mo tinapon lollipop ko edi sana hindi ako ma-tempt na mag yosi." I said while waiting for Tyler to give me my food tray. "LQ na naman kayong dalawa." Sabi niya nung dumating siya, may dala dalang tatlong sandwich at tatlong sparkling water.

"May practice ba kayo later?" Tanong ko sa kanilang dalawa iwas topic, pero umiling lang sila sa akin. "Let's go to bar BGC treat ko, please." Pag hawak ko sa kamay nilang dalawa para payagan ako. "Fine!" They both said yes. I thought so hindi nila ako matitiis ehh, malakas ako diyan sa dalawang yan.

"I love you both, see you later." Sabi ko at parehas ko silang kiniss sa cheeks at umalis na. Hindi ko na sila inantay dahil may klase pa akong dapat pasukan at yun ang math.

I didn't do anything at my math class kung hindi mang gulo lang sa group chat namin nila Dave at Tyler. Naalis lang pansin ko sa GC nung may babaeng lumapit sa akin. "Tapos na math class natin." Sabi pa nito sa akin kaya tumingin ako sa paligid at nakita na wala na nga yung professor sa math.

Nung tatayo na ako ay nakatingin pa rin sa akin yung babae na nag salita kanina. I don't really know her name and I don't care who the fuck she is pero naiirita ako dahil pinapanood niya ang kinikilos ko. "What the fuck do you want?" Inis kong tanong sa kaniya. Nag dalawang isip siya mag salita pero in the end sinabi niya pa rin ang gusto niya sabihin. "It's all over the campus na close raw po kayo kay Tyler and Dave. Pwede ko po ba makuha number nila? Please?"

Rebellious LoveWhere stories live. Discover now