[09]

58 2 0
                                    

Nung ready na kaming lahat sabay sabay kami nag breakfast. "What you guys doing today?" I asked while munching on my food. "I have classes with you remember?" Sagot na patanong ni Tyler kaya tinanguan ko siya. "What about you Dave?" Excited kong tanong sa kaniya dahil alam ko free day niya ngayon wala rin naman silang practice dahil tomorrow ang game nila. "Mag commute ako, for the mission wasakin ang puso. I found out her schedule and routine, so mas mapapadali buhay ko." He answered which made me grumpy, on his free day his going to spend it on that bitch. Well, ginusto ko naman to sige fine. "I'll spend the rest of my day here after that naman." Dagdag niya pa, so I just sighed at him.

"Tara na Ty, ma-late pa ako." Wala kong ganang pag sasalita kaya tumayo na siya at sumubo ulit bago uminom ng tubig. Muntik pa nga siya mabilaukan dahil sa pag mamadali ehh. "Tyler, careful sa pag drive ahh." Pag papaalala ni Dave kay Tyler dahil simula nung nabangga ko yung kotse ko ayaw nila ako mag drive hanggat maari. "Yes boss, sige alis na kami." Kinuha ni Tyler bag namin at inakbayan ako palabas ng condo. "Masyado niyo akong ginagawang baby, kaya ko naman mag drive."

"Kaya nga kita princessa eh, wag ka na mag reklamo. At least may knight in shining armor ka sa tabi mo araw-araw." Kumindat pa siya sa akin bago ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse.

Nung nakarating kami sa campus nag hiwalay muna kami dahil hinarang siya ng mga ka-team nila ni Dave. Nung pag pasok ko sa room kung saan ang klase namin ni Tyler sinalubong ako nung babaeng kasabay ko mag yosi nung nakaraang araw. What was her name again? Raylee? Fuck it, I'm so bad with names gosh. "Wala pa si prof, yosi muna?" Tanong niya sa akin na hindi ko tinanggihan.

Habang nag yosi kami nag uusap lang kami about classes, pero bigla nag bago yung topic when she told me that she was friends with Elisa before. "So magkaibigan pa rin kayo or hindi na?" I curiously asked her. Pero umiling siya sabay buga nung usok sa bibig. "She's a bitch and I can't be friends with that kind of a person." I smirked and nodded.

"But balita ko nag lalandian daw sila ni Dave? Is that true?" She asked me back which I just nodded, alangan naman mag sinungaling pa ako yun naman talaga nangyayari. Tsaka maginging problema pa sa plano pag dineny ko. Baka mahirapan lang si Dave. "I see, I think you guys are planning something up your sleeves. Tell me if you need anything, I want her to pay something she done to me."

That Elisa did many things to pissed us, it feels like all around me wants revenge or something. "Kaylee, what she done to you?" I asked remembering what her name is. "She slapped me in front of the campus, remember that time nung nagkagulo sa may field? Kami yun, nag sasabunutan. Ahas daw ako inagaw ko daw sa kaniya yung boyfriend niya, which hindi naman totoo. Kasi ako na-una, me and that guy dated pero sinabi niyang boyfriend na niya yun. That bitch!"

Inis niyang pag kukwento na naintindihan ko kaagad. "Jeez I'm so sorry to here that."

"Nah it's fine, but please take revenge for me." Tumango na lang ako, at tinapik ang braso niya. "No worries, ako bahala. Just keep it a secret between us." Tumango siya at sabay kaming nag lakad pabalik sa room.

"Oh yeah I forgot something, may party ako mamaya. Invit them, and can you invite Tyler?" Pag sasalita niya bago kami makalapit sa room. Tyler? Wait does she like Tyler? HAHAHA!

"Gusto mo si Ty? Ano nagustuhan mo dun sa mokong na yun?" Natatawa kong tanong pero parang natakot siya sa akin. "Do you guys have a thing? Akala ko kasi kayo ni Dave ang may thing. I'm sorry, ayaw ko mapunta sa list mo." Sabi pa niya na natatakot talaga. "No no, we don't have a thing. You can like him naman, ako bahala sa'yo ilalakad kita sa kaniya."

Nung nakapasok ako sa room nakita ko na nakatambay na si Tyler sa upuan malapit kay Kaylee. Umupo ako sa tabi niya at binulungan siya. "After this class let's go shopping. We both need an outfit for later."

"Why? Where are we going?" Tanong niya sa akin. "Party, besides Dave texted me malabo daw na makapunta siya sa condo dahil inaya daw siya ni Elisa mag lunch and stuff. Baka matagalan pa yun." I explained at him na naiirita.

Natapos nga ang klase namin at dumeretso kami ni Tyler sa mall, I was looking for a sexy outfits but puro pang manang lang ang nakikita ko. "Excuse me miss, can you please tell me where are the mini-skirts or the crop top section is?" Tanong ni Tyler na nginitian ko, he knows na naiinis na ako dahil wala akong mahanap na gusto ko. Nung naturo sa kaniya yun ng sales lady ay si Tyler na ang nag hanap ng babagay sa akin. "This suites you the best." Commento pa nito nung tinapat yung mini-skirt sa harap ko. "I'll compliment you by not nagging me how short my skirt is gonna be."

"I'll punch men that complains and disrespects you from wearing this sexy mini-skirt." Bulong pa nito sa akin, pero nag dalawang isip ako if bibilhin ko ba iyon. "Should I just wear that manang skirt?" Tanong ko sa kaniya pero umiling ito. "It's not your style."

"Yes po ma'am tama po boyfriend niyo it's not your style." Nagulat naman kaming dalawa ni Tyler. "Ayy ate hindi..."

"Thanks we'll get this na lang." Sabi ni Tyler sa sales lady. "Luh? Tayo ba?"

"Hindi nga tayo, pero let me experience being in a relationship with you." Tumawa ako at binigay sa kaniya yung babagay na top sa skirt na binigay niya sa sales lady. "You know what, I have this girl in mind, sa kaniya ma experience mo maging in a relationship." I said jokingly, trying to make a date between him and Kaylee. "Pass bagong buhay na ako, pero sino ba yan baka ma-recommend ko pa sa iba, sa tropa ko."

Rebellious LoveWhere stories live. Discover now