CHAPTER SIXTEEN

542 13 0
                                    

Buong maghapon akong taranta at hindi maka focus sa pagtuturo, lumilipad ang utak ko papunta kay Chaste at sa mga bata. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko, paano niya nalaman ang tungkol sa kambal, kailan pa niya alam? Kukunin ba niya sa akin ang mga anak ko? Pagkatapos kong ma dismiss ang last class ko ay iniligpit ko na kaagad ang mga gamit ko, kailangan ko na kaagad maka byahe papunta sa Davidson at masundo ang mga anak ko bago pa ako maunahan ni Chaste.

"Where do you think you're going Aesira?!" kalmadong tanong ni Chaste, nakasandal ito sa railing ng hagdan kung saan ako dadaan ang kaliwang kamay niya ay naka-pasok sa bulsa ng kaniyang pantalon, mistula tuloy siyang modelo ng hagdan na iyon.

"A-Ano, ahmm..."

"Sa mga bata. Let's go," nauna pa itong naglakad kaysa sa akin. Hindi man lang nag abala na kuhanin ang bitbit kong laptop at bag na naglalaman ng mga record books ko bukod pa sa shoulder bag kung nasaan ang mga personal na gamit ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya patungo sa parking lot, he really changed a lot from his physical appearance, to life status. Kung noon ay motor lamang na second hand ang palagi niyang drive, ngayon ay isang Brand New Honda Civic na ang minamaneho niya.

"Hop in," tumango ako at sumakay sa passenger seat, s'ya naman ay dumeretso sa driver's seat. Hindi ko na sinabi sa kaniya kung saan ang school ng mga bata dahil tiyak ko naman na alam na niya iyon, kung paano napunta sa kaniya ng homework ng mga bata ay hindi ko alam at ayoko na munang alamin. Mas mahalaga ngayon kung ano ang dapat kong sabihin sa mga bata at kung paano ko ipakilala sa kanila ang Ama nila.

"How old are they?" Chaste asked, ang mga mata niya ay naka focus lang sa daan.

"They're five turning six this 10th of November," hindi na ulit siya nagtanong at nag focus na lang sa pagmamaneho. Buong byahe kaming tahimik pareho, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, kung dapat ba akong magpaliwanag o dapat ko siyang tanungin ng mga bagay na gusto kong malaman.

"We're here," He announced, huminga ako ng malalim bago ko tinanggal ang seat belt ko.

"Chaste, can you drop us home first bago kita ipakilala sa kanila?" tumango lang si Chaste bilang sagot. Bumababa ako ng kotse at nakita ko ang mga anak ko na naroon ulit sa play ground kung saan nila ako madalas hintayin.

"Nanay!" magkasabay silang tumakbo palapit sa akin at pinugpog ako ng halik sa pisngi.

"Uubusin n'yo naman si Nanay eh," biro ko sa kanila na siyang ikinatawa ng dalawa. "How's school?"

"We have five stars! Ms. Dianne gave us this because we're smart daw po!" kwento ni Haven habang nagtatatalon. Si Ethan naman ay nakatingin sa likuran namin kung saan naroon ang kotse ni Chaste.

"Is that your car Nanay?" usisa ni Ethan nang hindi na nito mapigilan ang sarili na magtanong.

"No anak, it's not mine. But he'll drop us by sa house natin kaya let's go na?" sagot ko at saka ko sila inalalayan na sumakay sa back seat, sinigurado ko na naka seat belt sila parehas bago ako sumakay sa passenger seat. Nakita ko ang lihim na pagsulyap ni Chaste sa mga bata mula sa rear view mirror, busy ang dalawa sa pagku-kwentuhan at pagkain ng snacks nila na hindi naubos.

"Haven careful! Look may nalalaglag na mga tiny pieces it's not our car baka magalit ang friend ni Nanay," saway ni Ethan sa kapatid, Haven pouted saka mabilis na itinabi ang tinapay na kinakain. Haven might be stubborn sometimes but she always listen to her Kuya.

"Sorry Sir," they both apologized.

"I-It's okay, you can eat inside the car I don't mind," muntik na akong matawa nang mautal Chaste, pero pinigilan ko ang aking sarili dahil masama ang tingin nito sa akin bago pina-andar ang sasakyan.

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now